Chapter 29: Dance

60K 1.8K 204
                                    

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

AIERE'S POV

"Sigurado ka ba na kaya mo? I can go with you if you want."

Nag-angat ako ng tingin mula sa inaayos ko na mga tupperware para pagkasyahin ang mga iyon sa paper bags sa harap ko at nakangiting umiling ako kay Archer. "Wag na. After niyo kumain babalik na kayo sa practice eh. Kaya ko na 'to."

Naisipan kasi ng mga magulang ko na gawin akong delivery girl. Pwede naman kasi na staff na lang ng Craige's ang magpadala sa kanila ng pagkain pero katulad ng inaasahan ay kinokonsensiya na naman nila ako na hindi na ako na raw ako nagpapakita sa kanila.

"Are you sure?"

I turned away from the paper bags and I wrapped my arms around his waist. Dahil mas matangkad siya sa akin ay kinakailangan kong tumingala para makita ang mukha niya na hindi naman naging mahirap dahil nagbaba rin siya sa akin ng tingin. "Archer sa villa lang ako nila mama pupunta hindi sa ibang bansa. I think I can handle myself."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata pero pinalibot niya na rin sa akin pabalik ang mga braso niya. "Aalis ako ulit mamaya. I'll be home in the evening."

I pressed my lips together to stop myself from asking. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na kaya kong mag-intay. I will wait for him and I will continue to trust him. Kaya kahit buong pagkatao ko ang sinasabihan na ako na tumakbo palayo ay nanatili pa rin ako sa tabi niya.

Dahil tama sila Freezale. Alam na ni Archer kung ano ang pakiramdam na mawalan. He will never inflict that pain to others much more to himself.

Kaya kahit hindi ko maiwasan mag over think I will continue to stay where I'm at. Hanggang handa na siya na magsalita. Hanggang makuha ko na ang paliwanag na hinihintay ko.

Marahang tumango ako. "Okay."

Nanatiling nakatingin lang siya sa akin na parang may iniisip. Hindi ako nag-iwas ng tingin at binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti. To my surprise, his face leaned towards me and he placed a gentle kiss on my lips.

"I'll be back." he whispered.

"I know."

"I love you."

Muli akong nasurpresa sa ginagawi at sinasabi niya na pag ngiti na lang ang tangi kong nagawa. Tumango ako ulit at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. "I know, honey."

He gently tuck a lock hair behind my ear and then he whispered again. "You know?"

"I know."

The way he asked...it feels like he's confirming if I know what he feels. Like he's making sure that I know that I love him. And with that, kahit konti lang pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Kahit na nandoon pa rin ang takot na siguro nga ay hindi na mawawala.

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon