#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP
AIERE'S POV
Hindi mapuknat ang mga mata ko sa pagkakatitig sa banda na nasa harapan ko. Kahit na paulit-ulit na ang tinutugtog nila at malapit na rin akong mawalan ng pandinig dahil sa lakas ng musika na nililikha nila ay wala akong balak umalis sa kinauupuan ko.
"Gusto na talaga kitang kurutin minsan. Titignan ko lang kung ikaw pa rin ang Aiere na kilala ko na mangangalmot."
Labag man sa loob ay inalis ko ang mga mata ko sa banda na patuloy sa pag e-ensayo. O mas tamang sabihin ay sa partikular na miyembro nila. I mean, come on? Sino bang matinong babae ang hindi mahahalinang tignan si Archer na kahit pawis na pawis ay parang mas lalo lang nakadagdag sa kagwapuhan niya. And of course the hotness. Never forget his hotness.
"Kakalmutin pa rin kita." naniningkit ang mga matang sabi ko kay Hera. Nakaupo siya sa sahig at nanginginain ng chips na dala ng manager ng Royalty na si Locke.
"Parang hindi ako naniniwala. I think you got your claws fixed."
Inangat ko ang isa kong kamay at inamba ko sa kaniya ang mga kuko ko. "Sinong may sabi?"
"Love made you soft."
Nagkibit-balikat ako. Kahit ano pang isipin niya o ng ibang tao wala akong pakielam. Life is too short to dwell on stupid things. Kung sa tingin nila I'm mellow because of Archer then maybe I am. If loving him made me like that so what?
Ang pagbabago na nakikita nila sa akin ay dahil sa wala na akong dinadala na mabigat sa puso ko. I'm happy with my life and I'm moving on from the past. Iyon lang ang nabago sa akin. Iyon lang ang nabago ng pag-ibig sa akin.
"Wag kang ano diyan, Hera. Ang tawag diyan love glow. Hindi ibig sabihin no'n hindi ka na kayang itapon sa Taal volcano ni Aiere." singit ni Den sa usapan. Nakadikwatrong nakaupo siya sa isang panig ng sofa na kinauupuan ko rin. Katulad ko ay busy din siya sa panonood sa Royalty. Or specifically, sa asawa niya na si Rushmore. "Tignan mo 'yang si Freezale. Mukha bang nag mellow 'yan?"
Sabay-sabay na lumingon kami kay Freezale na nakatutok ang mga mata sa laptop niya at mabilis na tumitipa. Hindi katulad namin ay nandoon lang ang atensyon niya at hindi sa asawa niya. "Wag niyo akong idamay diyan sa kalokohan niyo."
"See?" sabi ni Den kay Hera. "Glowing din ang ateng pero hindi nabawasan ang katarayan."
Sumimangot ang babae at humalukipkip. Inangat niya ang cellphone niya para tignan ang repleksyon niya bago nagdadabog na muling binaba 'yon. "Bakit ako hindi nag go-glow?"
"Ibig sabihin wala ka pa sa stage na narating na namin." sagot sa kaniya ni Den na puno ng laman ang sinabi at tumingin sa akin para kumindat.
Pinigilan kong mapangiti. Dahil kung noon niya sinabi iyon malamang ay hindi ko maintindihan. But now I know what she meant.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #7: The Moonlight
ActionIt was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story pero hindi talaga ata para sa akin ang mga bagay na hinahangad ko. I was ready to close and lock a...