A/N: Update would be at least every Saturday from this day. Pupunta ako sa ibang planeta for a few weeks kaya busy busy na naman.
AIERE'S POV
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?"
Pakiramdam ko ay natanggal ang puso ko mula sa pagkakabit at tumalsik iyon sa malayo sa sobrang pagkagulat ko sa biglang nagsalita. Idagdag pa na tahimik ang paligid at akala ko ay ako lang ang nag-iisang tao sa hallway ng headquarters.
Nakahawak sa tapat ng dibdib na nilingon ko ang taong dahilan kung bakit muntik akong atakihin at naningkit ang mga mata ko nang malingunan ko si Hera na tumataas-taas pa ang mga kilay habang may nanunudyong ngiti sa mga labi.
"Bakit may patago-tago ka pang nalalaman? May ayaw kang makita?"
Humalukipkip ako at inginusan ko siya, "Hindi ako nagtatago. Tahimik lang talaga ako dahil madaling-araw na. Tulog na kaya ang mundo, hello?"
"Hindi naman kakaiba para sa mga tao dito na gising sa madaling-araw, hello?" panggagaya niya sa tono ng boses ko.
Pinigilan kong mapapadiyak dahil mukhang matatagalan pa ako sa totoong pakay ko. Kung bakit naman kasi sa lahat ng tao si Hera pa ang nakakita sa akin. Numero uno pa naman 'yang tsismosa at hindi basta-basta mapapatigil kapag curious siya. Nakakapagtaka nga na ang kapatid niya na si Hermes ang naging reporter at hindi siya.
"So sino nga ang tinataguan mo?"
Nag-iwas ako ng tingin mula sa mapanuri niyang mga mata. Pakiramdam ko nababasa niya lahat ng iniisip ko sa paraan ng pagtingin niya. She has this beautiful face and a princess aura to match but she's one hell of an agent. Especially on handling interrogation matters. But I'm innocent and I don't need to be interrogated!
"Wala nga akong tinataguan."
"Oh. Talaga?" nang-aasar niyang tanong habang ang mga mata niya ay may mapaglarong emosyon. "Hindi mo tinataguan kahit ang rakista na 'yon na kasama mo lang a few hours ago na mag-swimming sa fountain? Hindi mo tinataguan ang taong 'yon na kahalikan-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nagpalingon-lingon ako kahit pa wala namang ibang tao na makakarinig. Tumigil ang mga mata ko sa security camera di kalayuan sa amin at pinaningkitan ko iyon ng mga mata. Damn those cameras!
"Wala kang nakita." sabi ko sa kaniya at inilapit ko pa ang mukha ko para bigyang emphasis 'yon. Imbis na lumayo ay nakangiting nakatingin lang siya sa akin.
"Oh really?"
Nameywang ako at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Madaling-araw na at suot parin niya ang nakita ko kanina na suot niya nang madaanan ko silang tumatambay ni Athena kanina sa harapan ng headquarters. That only means hindi siya naka-party self niya at tumambay sa Paige's pero bakit ngayon pa lang siya babalik sa kwarto niya? "Baka hindi ako ang may tinataguan, baka ikaw. Maybe you don't want anyone to see you sneaking out of someone's...room?"
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #7: The Moonlight
ActionIt was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story pero hindi talaga ata para sa akin ang mga bagay na hinahangad ko. I was ready to close and lock a...