A/N: Thank you to my admins; Celeste Laudette, Tita Pampam, and Pearl for answering my questions! Nastuck kasi ako dahil wala akong alam sa anatomiya hahaha! <3
Ps: Walang date ang pag a-update ko. Basta at least once a week meron unless wala ako sa Pilipinas. I would be leaving soon pero saglit lang naman. Please be patient and avoid pressuring me. Happy-Vibes-Comment-Box policy. Peace yow!
AIERE'S POV
It's not enough to say that the sun seeping into the windows of my room and hitting me straight into the face is blinding. It's much better to say that it's like staring into an Olympus god while he shifts into his divine form, which according to Greek mythology, will turn me into ashes. I feel like I'm nothing but ashes right now. No, no. Feeling like a pile of ash would be a gift. This is more like I got the torturous part of burning but I don't get the reward of being sent into nothingness.
Hindi ko maramdaman ang mga buto ko, hindi ako makagalaw ng hindi ko nararamdaman na parang umiikot ako, at ang tanging nagpapaalala lang sa akin na isa parin akong kawawa at pinarurusahang nilalang sa planetang Earth ay ang hindi matigil na tila pagpukpok sa ulo ko ng isang batalyong martilyo.
Kinapa ko ang paligid ko at nang maramdaman ko ang malambot na pakiramdam ng unan sa palad ko ay hinila ko iyon at marahas na ipinatong sa mukha ko. While holding that to my face, I fumbled for the control on my bed side table. Nang makapa ko iyon ay may pinindot ako doon na buton at hindi naman nagtagal, unti-unti ng dumilim ang paligid.
I inhaled a bunch of air and take the pillow away from my face, then slowly open my eyes. Pinanatili kong tuwid at hindi gumagalaw ang katawan ko habang nakatingin sa kisame. Alam kong isang maling galaw lang ay lalabas ang kung ano mang kinain ko ng nakaraan na araw.
Remember what Elsa said. Conceal don't feel. Conceal don't feel. Nanatili akong nakahiga at hindi gumagalaw maliban na lang sa dibdib ko dahil sa ginagawa kong pag-inhale at exhale. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko ang mantra ko for the day na hindi ko alam kung saang parte napulot ng nakasakay sa roller coaster kong utak. Conceal don't feel.
But as I lay there, I realize that I'm not ready for the rush of everything to just plummet down at me. Isang malaking hangal ang nagsabi na kapag marami kang nainom ay magiging blangko ang lahat sa'yo. Isang malaking fake news.
Hindi ako handa sa unti-unting pagpaparamdam ng alcohol na napunta na siguro sa mga ugat ko at ngayon ay nilalason na ang buo kong systema, ang mga kinain ko na ngayon ay nakikipag food-wrestling sa isa't-isa, and holy sheezums, the memories sprinting on high speed just to enter my now deranged brain.
"No. No...no." Conceal don't feel.
I remember splurging money as if there's no tomorrow. I remember eating a delicious greasy meal na ngayon ay parang gusto ko ng ilabas maisip ko pa lang. I remember being a giggly, no-filter, and seriously out of her mind drunkass.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #7: The Moonlight
ActionIt was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted the typical heart fluttering love story pero hindi talaga ata para sa akin ang mga bagay na hinahangad ko. I was ready to close and lock a...