Two

271 20 1
                                    

SKY'S POV

Kinaumagahan ay umuwi na kaming lahat. Naiwan naman si Jacob dahil weekends pa daw siya uuwi kasama ang family niya.

Papasok pa lang ako ngayong tanghali dahil hindi ako nakapasok kanina kasi inaantok pa ako. Lunch break na rin nang makarating ako sa Akato Academy.

"Grabe! Mas gwapo siyang tignan ngayon."

"Huhuhu lalo tuloy akong naiinlove sa kanya."

"Ang cute niya sa uniform. He look like my ideal man."

Tch... Sino naman kayang pinaguusapan nila. Well, pakihanap na lang yung paki ko.

"KYAAAA! LANDER AKIN KA NA LANG!"

Nakakarinding sigawan ang narinig ko mula sa hallway. Pinagmasdan ko ng maiigi ang pinagkakaguluhan ng mga babae. Nang makita kung sino ang dinudumog ng mga kababaihan agad naman na sinalubong ako nito ng masamang tingin..

"Bakit ang sama ng tingin mo?" nakataas pa ang kilay kong hinarap siya. Kakapasok ko pa lang ng school ganitong  masamang elemento na agad ang bumungad sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" seryosong tanong nito. Bakit? Required ba na malaman niya kung anong oras ko gugustuhing pumasok? Siya ba ang may hawak ng attendance record ng mga professors ko?

"Paki mo ba? Sinabi ko bang maghintay ka?" ngumisi ito sa akin at bigla akong hinila.

Aba! Sinong nagsabi sa hambog na ito na pwede niya akong hila-hilain sa campus na pinamumunuan ko??! Sumosobra na ang lalaking ito.

"Sandali nga! Saan mo ba ako dadalhin! May klase pa ako! Aaahhh!" impit akong sumigaw nang buhatin niya ako na para bang isang sakong bigas. Kaya kita ko ang mga students sa likod na nagtatawanan dahil sa ginawa sa akin ng Hambog na to!

'My poor reputation.'

"Ano ba ibaba mo ako!!!" pinagsusuntok ko ang likod nito. Nahihilo na rin ako dahil nga nakapatiwarik ako.

Walang ano-anong binaba niya ako sa isang abandonadong gusali. Restricted area ito dahil tambayan ng nga Gangsters kagaya ng lalaking kasama ko ngayon.

"Baka naman gusto mong mag explain kung bakit mo ko dinala dito?" sarkastikong tanong ko. Naku! Kapag wala lang siyang valid reason sa mga pinaggagawa niya sa akin ipapasuspend ko siya.

"Tch... Inuunahan ko lang sila." Masama ang tingin nito sa akin.

Palagi na lang death glare ang natatanggap ko sa taong ito.

"Sinong sila? As if namam papatayin nila ako- - -"

"Kaya ka nilang patayin pag hindi nila nakuha ang gusto nila sayo." manindig ang balahiboko sa sinasabi niya.

"Magtatagal pa ba tayo dito??" naiinip na ako ditto marami pa akong gagawin.

"'Pag dumating na si Kingsley dito ibig sabihin safe na ang paligid."

Tinignan ko siya ng mabuti. Totoo nga ang sinasabi nila kanina mas nag mukhang siyang tao sa uniform niya.

Biglang sumagi sa isip ko yung sagot niya kahapon sa tanong ko.

"Gabriel..." mahinahong sambit ko sa pangalan niya.

"Why?" masungit na tugon nito, well wala naming bago sa pakikipag-usap niya sa akin.

The Contract [EDITING] - Black Ace Series Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon