Five

208 21 5
                                    

SKY'S POV

It's already 8 in the morning at ready na ako para magsimba. I'm wearing a floral dress.

Lumabas na ako ng bahay para makaalis pero isang pamilyar na lalaki ang nasa labas ng gate ko.

Gabriel...

"Oh? Bakit andito ka?" pagsusungit ako sa kanya. Akala niya siya lang ang marunong magsungit sa aming dalawa?

"Tch.. Dont ask, halika na baka nagstart na ang mass." malamig na tugon niya sa akin.

Magsisimba nga rin pala ang isang ito. Lumapit ako sa kanya. Matangkad ako pero mas matangkad siya nasa 6 ata siya samantalang 5'6 lang ako.

Napatingin ako sa kanyang motorsiklo. Seriously? Papasakayin niya ako dyan? Di niya ba kita na naka dress ako.

"Wear jeans." malamig na utos nito. Naku! sarap buhusan ng nagbabagang tubig.

"Pwede bang mag kotse na lang tayo? Use my Car." suggest ko sa kanya, napaka-antipatiko.

"Tch. Fine pero ikaw ang magdrive."

Napakabastos! Anong tingin niya sa akin Driver niya?!

Nauna na siyang pumasok sa kotse ko na nakapark sa katabing motor niya. Padabog akong pumasok sa kotse samantalang prente lang siyang nakaupo sa passenger seat. At ang hambog nagawa pang magselfie.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa Church. Nagsisimula na nga. I text my mom na andito na kami.

"Hey! Halika na sa loob andoon na sila." hila ko kay Gabriel.

Napatigil siya sa labas ng Church na tila kinakabahan. Really? Ganoon na ba kasama ang tingin niya sa sarili niya kaya ayaw niyang pumasok dito?

"Chill ka lang di ka naman masusunog." pang aasar ko sa kanya kaya sinamaan niya na naman ako ng tingin.

Huminga siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko. Muntik na akong magmura dahil sa ginawa niya. Weird talaga ng lalaking ito.

"Alam mo ba na matagal na akong hindi nagsisimba." malungkot na aniya.

"Huh? Eh bakit naman?" naiintriga ako sa sinasabi niya.

"I can't say why. Basta ang alam ko last na punta ko dito naglukluksa ako. Humihiling sa kanya na sana ibalik na niya yung babaeng mahal na mahal ko na higit pa sa buhay ko."

Bakit? Bakit parang nasasaktan ako sa pinagsasabi niya. Well, isa lang masasabi ako para sa babaeng tinutukoy niya. 'MASWERTE'

"Asus, wag kang emo! Past na yun noh mag enjoy ka na lang sa kung anong meron ka ngayon. Tsaka kung mahal ka talaga niya babalik siya para sayo." He just pat my head. Ano ako aso?

"Andami mong alam. Halika na nga." siya naman ang humila sa akin papunta sa loob.

Madali din naman naming nakita sila Daddy. Hindi ko masabi kung malas ba o swerte na andito ang Francisco family together with Jacob.

"Hi Miks!" bati sa akin ni Rumzell. Close ba kami para gawan niya ako ng sariling nickname?

Bigla namang humigpit ang pagkakahawak ng kamay sa akin ni Gabriel.

"Tch. Kasama mo pala yang aso mo hahaha." Baling ni Rumzell kay Gabriel.

"His my Boyfriend." nilagyan ko ng diin ang salitang boyfriend.

The Contract [EDITING] - Black Ace Series Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon