Seven

175 15 0
                                    

Xia's Pov

Maaga kaming pumasok ni Vennice dahil trip lang namin hahaha!

Akala niyo Point of view ni Sky? Akala ko nga rin e. Wag mo na daw sabi ni Author kasi broken daw siya hahaha kahit si Author pinagpalit din. Back to the story na tayo.

Kasama ko si Vennice dito sa Gym dahil magvovote kami para sa bagong set of officers.

E-elect ko kaya ang sarili ko? Hay naku Xia if i know puro selfies lang ang gagawin mo hahaha.

"Ven sino e-eelect mo?" pangungulit ko sa kanya. Kanina pa kasi bad mood si Vennice eh mukhang may problema.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Copy paste ka lang eh." jusko bakit ba ako nagkaroon ng bestfriend na abnormal! Minsan childish madalas abnoy hahaha.

Kakaiba kasi ng election dito. Walang partylist, kung sino gusto mo e-elect pwede pataasan ng votes at kung sino ang makakapasok sa top 10 highest votes pasok na sa Student Council.

"Next week na yung Interhigh kaya busy si Amber. Si Haze naman gagawa nang bagong research about sa biology. Si Cassy sa sunday pa ang balik si—"

"Xia ililibre kita ng Ice cream manahimik ka lang." parang nagkaroon ng halo sa ulo si Vennice sa mga mata ko. Minsan lang yan manlibre kaya grab the opportunity.

Pagkatapos naming magvote pumunta kami sa cafeteria.

"Xia punta tayo mamaya sa College Campus." aya ni Vennice.

"Bakit? Miss mo na naman ba si Kingsley? Ayieee sabihin mo lang tutulungan ka namin ni Haze!" binato niya ako ng tissue pero na ka ilag agad ako. Sadista.

"Manahimik ka nga baka akalain ng ibang tao nakalunok ka ng megaphone. Tsaka bakit ko naman mamimiss yung hayop na yun?" asus deny pa Vennice, wag ako iba na lang.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa kabilang Campus. At mukhang nagkakagulo dito.

"Vennice ano kayang pinagkakaguluhan nila dito?"

"Xia magkasama lang tayo bakit ako tinatanong mo." minsan sarap kutusan ng babaeng ito eh jusko kung hindi ko lang siya mahal.

"Halla! Andito si Vennice baka reresbakan niya si Gabriel!" Girl1

Huh? Ano ba talagang nangyayare dito?

"Damn can you please stop!!" Narinig namin ang impit na sigaw ni Sky.

Matamlay at kulang sa tulog ang itsura niya plus namamaga ang mga mata. Wait? Umiyak ba siya kagabi? Tsaka bakit andito rin si Jacob.

"Ano kakampihan mo yang gagong yan Sky?!" halata ang galit at frustration kay Lander.

"Pwede ba Gabriel! Calm down puro init ng ulo inuuna mo!" Sky

L.Q sila? Tatanungin ko sana si Vennice kaso wag na baka mabara na naman ako.

"Fuck! I'm jealous!" napa oh naman kaming nanunuod sa kanila. Para tuloy kaming nanunuod ng live drama.

"Bakit may Tayo ba?" hinala na ni Sky si Jacob paalis. Anong bang nangyayari sa dalawang ito. Iba talaga pag walamg jowa hahaha!

"Wala naman sa karapatan ang selos eh. Nararamdaman ko kasi Sky." bulong ni Lander.

Nilingon ko si Vennice at wala man lang itong expression mula sa nangyare. Sabagay, ugali na ni Vennice ang hindi makielam kung hindi naman kinakailangan. Bunganga ko lang ata laging pinapakaelaman.

"Tara na Xia, kailangan kong makita si Lyncoln hihiramin ko yung notes niya."

Ako na ang nagtatanong sa mga babaeng nakakasalubong namin kung nakita ba nila si Lyncoln.

The Contract [EDITING] - Black Ace Series Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon