SKY'S POV
Pagbalik ko sa Hotel ay nadatnan kong busy sila Mommy sa pag aasikaso para sa Venue ng Party nila na gaganapin dito sa Palawan.
Hinatid ako ni Gabriel sa kwarto ko. Babalik daw siya sa Resthouse nila susunduin niya na lang ako bukas ng maaga. Sila na daw ang bahala sa tutuluyan ng mga players bukas.
Bumukas muli ang pinto, akala ko ay bumalik si Gabriel pero hindi pala.
"Granny? Mommy?"
"Can I talk to you hija?" Granny.
"Sure Granny." umupo silang dalawa sa kama.
"May reservation tayo bukas with the Anderson's Family." singit ni Mommy. Oo nga pala kailangan makilala ni Granny ang pamilya ni Gabriel na akala ni ay Boyfriend ko.
"I'm so happy na makakadalo sila sa atin bukas at sa Party ng mga magulang mo." excited na tugon ni Granny.
"Pwede mo ring isama sila Cassy sa lunch natin bukas." Mommy.
"Sky, mahal mo na ba yang boyfriend mo?" para akong binuhasan ng malamig na tubig sa tanong ni Granny.
Madali lang naman sabihin na Hindi pa pero bakit tila naputulan ako ng dila at hindi ko masabi.
"Your not sure Hija?" Mommy
"Eliza, walang sigurado sa larangan ng pagibig. Even you, hindi bat may mahal ka pang iba dati bago mo minahal ang anak ko? And you don't want to give my son's false hope kasi hindi ka sure that time kung mahal mo na ba ang anak ko o hindi pa." natahimik si Mommy.
"Apo, my point is hanggat maaga pa alamin mo na bago pa mawala siya sayo kung kailan naman desidido ka na."
"Yes. I think I love him."
Nginitian ako ni Granny bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Heto ako ngayon nakatulala sa kisame iniisip yung sinasabi ni Granny.
KINAUMAGAHAN...
Maaga akong nagising kaya nag ayos na ako ng sarili ko.
"Maaga ka ata ngayon hija? Come on join us." kumakain na pala sila ng breakfast. Umupo na ako sa tabi ni Daddy na kanina pa tahimik.
"Steven, don't think too much my son." Granny
May problema na naman ba sa business si Dad.
"There's any problem Dad? Maybe I can help?" Ako. Biglang umaliwalas yung mukha ni Daddy.
"Nagback out kasi yung Model ko sa agency na magpphotoshoot ngayon and I need a substitute for them." Daddy.
"Pwede ako Dad! After lunch wala na akong gagawin." suggestion ko.
"Are you sure Hija? Daring ang shoot." napalunok ako sa sinabi ni Mommy.
"Yes naman Mommy." hilaw ang ngiti ko sa kanila.
Pagkatapos kumain ay lumabas na ako ng Hotel eksakto naman na andoon si Gabriel kasama si Kingsley.
"Good morning Young Lady!" bati ni Kingsley na kinasimangot ni Gabriel
"Good morning!" masayang bati ko sa kanilang dalawa.
"Tch. Andyan na ang mga Players." ang aga aga ang sungit ng lalaking ito.
"Hahaha! Tara Sky!" yaya sa akin ni Kingsley. Nauuna sa aming naglakad si Gabriel. Napansin ko ang sugat ni Kingsley sa labi.
"Teka, ano yang sugat mo sa bibig?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Contract [EDITING] - Black Ace Series
RomanceSky ruled everything in her terretory. She is the Queen not until she met Gabriel Anderson