A/N: SORRY FOR THE TYPOS AND GRAMMARS. HOPE YOU STILL READ IT EVEN IT HAVE TYPOS.
SKY'S POV
NAGISING ako dahil may mga paang naka dantay sa katawan ko.
Mga malilikot matulog ︶︿︶
Nag ready na ako ng breakfast. Nahiya naman ako sa mga bisita ko hahaha.
Nagluto ako ng bacon, fried egg, hotdog and fried rice.
May nagdoorbell sa gate kaya naman pinagbuksan ko iyon.
"Good morning Babe." may dala itong paper bag.
"Good morning. Ano yan?" tanong ko sa dala niya.
"Pandesal." nauna na siyang pumasok sa loob. Isasara ko na sana yung gate nang may dumating na naman.
"Hello! Pwedeng makikain?" Lance. Tch. Gusto niya lang makasabay si Cassy eh.
"Si Vennice?" tanong ko.
"Hmmm. Siya ang nagrready ng breakfast nila Lyncs ngayon." pumasok na rin ito sa bahay. Hindi ko na sinarado ang gate dahil baka may dumating na naman.
Dumeretso ako sa kusina. Sila Gabriel na ang naghahanda. Sheet! Kinikilig ako. Pero syempre kailangan kong mag pretend na hindi kinikilig.
"Gigisingin ko lang sila Amber." aakyat na sana ako sa kwarto pero pababa na rin yung tatlo.
Masaya kaming nag almusal. Sinusubuan pa ako ni Gabriel.
"Tama na yang ka maisan niyo." tudyo ni Xia."Oo nga, maawa naman kayo sa mga single oh." reklamo naman ni Amber.
Ito namang si Cassy at Lance akala mo may sariling mundo kulang na lang magtukaan sa harapan namin.
"Salamat sa almusal! Kailangan ko ng maligo hahaha!" Xia na walang ano anong umalis. Ganoon din si Amber.
"Ikaw Cassy?" tanong ko.
"Hahaha! Ito na nga oh aalis na hahaha!" hinila niya si Lance palabas.
Sinamaan ko ng tingin si Gabriel na nakangisi sa akin ngayon.
"Anong ginagawa mo? Wala kang balak pumasok? Shoo! Uwi maligo ka na!" pangtataboy ko din sa kanya.
Hinalikan niya ako sa labi tapos tumakbo ng mabilis palabas. Loko loko talaga ang isang yun.
Pagkatapos kong mag ayos. Nilock ko na ang bahay.
Maaga pa naman kaya maglalakad na lang ako.
Nasa labas na ako ng Village nang makita ko sila Amber sa guard house. Andoon silang lima.
"Akala namin may dala kang sasakyan makikisabay sana kami hahaha!" Xia
Ang yayaman nila di man lang magpa-gas ng mga sasakyan nila.
"Asus. Kuripot lang kayo." asik ko sa kanila at nag umpisa ng maglakad. Sumunod naman sila.
"Haze, di ko enexpect na mag uuniform yang Kuya mo ngayon." biro ni Amber.
"Nagbabagong buhay na daw siya eh." nakangiting saad ni Haze.
"Bakit naman daw?" Cassy
"Dahil sa nililigawan niya." Haze
"Huh? Iba talaga pag inlove hahaha!" Xia
"Sino naman nililigawan ni Kingsley?" nasa dugo na ata naming magkakaibigan ang pagiging chismosa.
BINABASA MO ANG
The Contract [EDITING] - Black Ace Series
RomanceSky ruled everything in her terretory. She is the Queen not until she met Gabriel Anderson