Chapter 23

43 2 0
                                    

Naisara na ang kaso dahil sa pag amin ng isang suspect. Sabi nito, simula daw ng nangyari ang krimen hindi na daw siya makatulog ng maayos. Napalaya na din si Tito Yzac. I feel sorry for him. Nakulong siya ng hindi dapat. Binawi ni Elle ang statement niya dito. Ang sabi niya, nagawa niya lang daw ito dahil sa pangangailan niya sa pera. Nakakapagtaka ang pagiging tahimik ni Elle at pag-sang ayon niya kay attorney tungkol sa pag-aaccusse nito sa pagprepretend ni Elle. Na-realize niya sigurong wala na siyang lusot kaya mas madali ng umamin na lang at tanggapin ang lahat. Oo nga pala, hindi ko man lang naitanong ang totoo niyang pangalan.

May lumaya nga from jail pero may pumalit naman. Ang mastermind ng kidnapping, isang lalaking hindi ko kilala. Ang sabi, matagal na daw itong may inggit sa company namin at gustong sirain ang family namin.

Flay was very happy while Kai was grinning. Pero nakakalungkot kasi hindi naka-attend si Jeon. Oh well, ikukwento ko na lang sa kanya pagpunta ko sa hospital. Mom hugged me tight. Si Dad hindi makatingin sa akin. I hugged him. He hugged me back. Auntie smiled at me. Na-guilty ako sa paga-accuse sa kanya na master mind ng kidnapping. Niyakap ko din siya. Maybe I'll ask her later about the whole truth. Nararamdaman kong alam niya ang mga nangyari. I also hugged Yaya Aurora. I missed her scent. Lake said sorry for not believing me and Elle, her face was emotionless. Tulala lang siya. I felt sorry for her. Pero bakit nga ba siya nagpanggap na ako? Gustong gusto ko ng malaman ang katotohanan pero sa ngayon, I want to feel the happiness I'm experiencing with my love ones.

Dad decided na magout of the country kami. Nagpunta kami sa Korea. Kami lang tatlo. Pero bago kami umalis, pinuntahan ko muna si Jeon para bisitahin na din ang Dad niya at makapagpaalam. Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari. He seemed happy but I saw  something in his eyes. Something I can't explain. And he was weird the whole time we were talking. Whenever I'm holding his hands or touching him, he jerked it away. Hindi ko na lang yun pinansin. Siguro, pagod lang siya. Gusto ko pa siyang makasama pero one week lang naman kaming mawawala kaya siguro okay lang naman di ba? Besides, alam ko naman na naiintindihan niyang my family are still making things up and fulfilling times na hindi kami magkakasama.

Sa bakasyon namin, walang nagbanggit sa mga nangyari. Wala kaming ginawa kung hindi mamasyal, magselfie, magtry ng iba't ibang korean dish, magshopping, at magskate. Ang tagal kong hinintay ang time na 'to. Sobrang daming nangyari this past few months. Sobrang bilis din ng mga pangyayari this past few days. Nakikinikinita ko pa ang sarili ko nung mga nakaraang araw na namomroblema kung paano maibabalik ang dati kong life. Pero ngayon, eto na. And I wanted no more.

Si Elle, hindi siya nakulong 'cause she's still minor. Ayoko din naman siyang makulong. Tama ng mabalik sa akin ang family and friends ko. Yun lang naman ang gusto ko. Pero nasan na nga kaya siya ngayon? Kung nagkataon, patong patong na kaso ang kailangan niyang pagdusahan. Buti na lang hindi na nagsampa si Tito Yzac. Wala na din parents si Elle kaya wala na din pwedeng umako sa kasalanan niya. Pero di ba si Auntie Wilhelmina ang biological mother niya? Isa nga siguro yung undiscovered secret.

-----

Pagdating namin sa bahay, pumunta na ako kaagad kila Jeon para i-surprise siya. Nakalabas na ng hospital si Tito Yzac. Hindi ko sinabi kung kailan kami babalik pero alam kong nasa bahay nila siya ngayon kasi tinext ko si Flay kung ano ginagawa niya ngayon. Ang reply niya andon daw siya kila Jeon ngayon, binibisita si Tito Yzac. Tinanong ko kung andon si Jeon, oo daw. Alam ni Flay na ngayon ang balik namin. Sabi ko huwag sabihin kay Jeon na pupunta ako don kasi isu-surprise ko siya.

Stolen IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon