"What are you doing here?" Jeon said while sipping his coffee. Naka-fix yung mga mata niya sa newspaper na hawak niya.
"I texted you last night. You didn't reply."
"Low bat. ang phone ko." -Jeon
Nagtoast ako ng isang slice ng tinapay at naupo sa tabi niya. Umalis ako sa bahay ng hindi nagbbreakfast. Ayoko kasi munang makita si Dad.
"Dito muna ako." Tama. Sabi niya welcome naman daw ako dito eh.
"Okay." -Jeon
I glanced at him occasionally. Busy pa din siya sa pagbabasa sa news paper. Lagi naman siyang busy. Pero Saturday naman ngayon. Walang pasok.
"Where's Tito Yzac?"
"Bakit mo tinatanong?" -Jeon
Gusto ko siyang makausap. Gusto kong magsorry sa kanya dahil sa pagkakakulong niya.
"What are your plans for today?" I suddenly changed the topic. Natatakot ako. Natatakot akong malaman ni Jeon ang totoo. Na si Dad ang dahilan. Baka magalit siya sa akin. Nakikita ko kung gaano niya kamahal ang Dad niya.
"I have an important meeting." -Jeon
"Wala ka bang rest day?"
Tumayo na siya at pumunta sa kwarto niya.
Sumabay ako sa kanya sa paglabas at nagpababa sa may park. Nagtaxi lang ako kanina papunta sa kanila kasi ayokong gamitin ang car na si Dad ang bumili. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Alam kong hindi ko dapat maramdaman yun. Afterall he's my Dad pero hindi ko mapigilang hindi magalit sa kanya. He was my idol.
Naupo ako sa bench at pinanood ang mga tao sa paligid. Lumakas ang hangin kaya hinawakan ko ang hood ko. Mahirap na, baka may makakita pa sa akin na paparazzi. Gusto ko muna ng tahimik na mundo.
Mabilis na lumipas ang minuto. Naging oras ito at hindi ko namalayan na past 1pm na pala. I felt my phone vibrated.
Mom
calling. . . .
I clicked the end button and switched off my phone. Pumara ako ng taxi at nagpahatid pauwi.
Tahimik ang bahay. Where's Mom? Hindi mo sinagot yung tawag niya tapos tatanong tanong ka? Stupid.
"Mika anak kanina ka pa tinatawagan ng Mommy mo.", Yaya said. Mukha siyang balisa.
I shrugged. "I'm here na. Where's she?"
"Nasa presinto sila. Sabi niya kinuha daw ng mga police ang Dad mo."
BINABASA MO ANG
Stolen Identity
Teen FictionShe thought she's living in a perfect world with her loving family and caring friends. Until one day, everything's changed. She lost her memory and someone stole her identity. ----------- SLOWLY EDITING