SOMEDAY YOU'LL BE MINE
BY: ate nayat
CHAPTER 1
RHYANN's POV
"Mare,anu ka ba naman? Birthday party ko naman ang pupuntaha mo,hindi naman inuman o kung anu pa man? Bakit ayaw mo pa akong pagbigyan." buntong hiningang sabi sa akin ng kaibigan ko na si Brent.
Pareho kameng bakla ni Brent. Pero isa syang cross-dresser samantala ako lalaki pa din manamit altough my asawa ako..
andito kame ngayon sa kwarto ko. Pinuntahan nya ako para imbitahan sa kanyang birthday party. Alam ko nahihirapan na sa akin ang kaibigan ko dahil lahat na lang ginagawa nya para bumalik ang dating ako na masayahin.
Puro na lang " hindi pwede" ang naririnig nya sa akin kada iniinvite nya ako..
Magkababata kame ni Brent, magkaklase kame noong high school and yet despite that,may pader na sa pagitan namin na ginagawa kung kulungan para itago ang sarili ko..
And of course alam ni Brent kung bakit?
Dahil naging malupit ang naging kapalaran ko. Naging maramot ito sa akin. Kaya naman bilang ganti pinagdadamot ko ang aking sarili..
Kusa ko ng inilalayo ang aking sarili sa mga tao. Hindi na ako nakikipag-usap kahit kanino. Nagkukulong na lang ako parati dito sa bahay. At namumuhay ako na parang isang ermitanyo..
Napapabuntong hininga na lang ako sa mga nangyari sa akin in the past. Pero atleast naiisip kona ibenta talaga tong bahay na bigay sa akin ng asawa ko bago sya namatay.
Magandang senyales daw yon sabi ni Brent. Baka sakali daw baguhin kona ang aking ugali simula naging kame ng asawa ko. Baka maibabalik ko na daw ang dating ugali ko.
And who knows? Baka may iibig pa daw sa akin muli? Hahay! Ayoko na,takoy na ako magmahal ulit..
Sabi pa ni Brent,sana maibenta na daw tong bahay,kasi eto lang ang natitirang ari-arian na pwede kong gawing puhunan o kapital..
Ang ibang ari-arian ay lumipat na at naipangbayad na sa utang ng irresponsable,mayabang at sugarol kong asawa. Buti na nga lang may natira pa sa akin eh..
At kada pinag-uusapan namin ni Brent si Inigo,hindi pwede hindi tatas ang alta-presyon nya at lumalaki pa talaga butas ng ilong nya.
Sinisisi nya talaga si Inigo sa malaking ipinagbago ko. Samantalang ako sarili ko naman ang sinisisi ko. Na kasalanan ko ang lahat. In the first place,hindi dapat ako nagpakasal kay Inigo.
Naging tanga lang talaga ako. Bunga lang kasi yon ng shock sa maagang pagkawala ng aking inay at biglang pagsulpot ng aking ama after 10 years na pagkawala nya sa aming piling..
Naging kalbaryo na ang aking buhay simula non? At sa natural na kaliyuhan ko ay pumayag ako sa gusto ni Inigo na magpakasal kame sa Baguio.
Matagal ko ng manliligaw si Inigo. Kahit hindi ko sya mahal samantala guapo naman sya eh at pumayag na ang ako mgapkasal dahil sa itay.
Pero si Brent ang sinisisi nya ang itay na mukhang pera. Na kahit alam nya na pareho kameng lalaki ni Inigo eh pumayag syang pakasalan ako ni Inigo ng dahil kasi sa pera.
Pero dahil isa pang sugarol tong tatay ko at may pera si Inigo.ay biglang umandar ang pagkagahaman ng tatay ko at para masuportahan ang bisyo.
Pero sa parehong nalulong ang dalawa at parehong nagkabaon-baon sa utang bigfla na lang naglaho si tatay at iniwan akong mag-isa kay Inigo kaya naging kalbaryo na ang buhay ko sa piling nya..
Bugbog sarado at pang-aapi araw-araw ang naranasan ko kay Inigo. Hindi ako makalaban gawa ng akoy bata pa. At simula non natuto na ako maging parang daga na laging nakatago sa lungga. At simula naging kame ni Inigo,minsan sa loob ng taon lang ako nagkukuwento tungkol sa personal kong buhay kay Brent. Kasi alam ko galit sya kay Inigo. Nakuwento ko lang lahat sa kanya nung libing ni Inigo na namatay sa isang aksidente sa kotse..
..itutuloy