CHAPTER 14

949 23 1
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE..

By: admin nayat

CHAPTER 14

Niyakap ko ang hubot-hubad nyang katawan pagkatapos ko sabihin mga yon. At bigla sya nagalit.

"Rhyann,bitawan mo ako! For god's sake! May asawa kang tao. At kaibigan ko pa mandin ang asawa mo." sabi nya.

"Walang makakaalam nito Eric." katwiran ko. "tulog na tulog si Iñigo. At tayong dalawa lang ang andito!"

"Rhyann!" at bigla syang tumayo at tinulak ako.

"I will not make love to you. Gusto man kitang pagbigyan pero hindi ko parin makakayang lokohin ang kaibigan ko." pagpapatuloy nya.

"Eric,makinig ka sa akin...hindi mo niloloko si Iñigo. Ginagawan mo pa nga sya ng pabor." -ako.

"Ano??" at galit nya ako tiningnan. "anung ibig mong sabihin Rhyann?"

Nabalisa ako. Pero kelangan ko sabihin kay Eric ang totoo para hindi nya ako iiwan.

"Inutil ang asawa ko,Eric. Inutil si Iñigo. Hindi nya ako mapaligaya. Simula kinasal kame hindi pa nya ako nagagalaw." sabi ko.

"May inutil bang babaero Rhyann? Napapaligiran ng mga babae at bakla sa dalawang club na pinuntahan namin. May inutil bang ganun?" sabi nya.

"Pero hindi totoo ang nakikita mo..ang mga yon.."

"Tama na Rhyann. Mas tama sigurong paniwalaan ko si Iñigo sa mga sinasabi nya sa akin tungkol sayo. Ngayon alam ko na kung bakit nawalan ng direksyon ang kaibigan ko at nalulong na sa alak at pagsusugal. Ikaw ang dahilan Rhyann. Hindi ka mabuting asawa!!" at iniwan nya ako papunta ng kwarto nya.

"Eric!" habol ko sa kanya. "Eric,hindi ako nagsisinungaling sayo. Pakinggan mo ako,Eric."

At sinundan ko sya hanggang kwarto nya.

"Eric,para mo ng awa..makinig ka naman sa akin oh" iyak ko ng pakiusap.

"Nang ikasal kame ni Iñigo marame na syang bisyo. Hindi ako ang dahilan ng pagkakaganun nya. Alam ng lahat na ako ang kawawa sa pagsasama namin ni Iñigo. Nagtitiis lang ako Eric. Dahil asawa ko na sya." paliwanag ko.

"Lumabas ka na Rhyann,ayoko ng makipag-usap sayo." sya.

"Eric,pakinggan mo naman ako oh!" ako.

"Rhyann,lumabas ka na bago pa kita masaktan." -sya.

"Eric!" at umiyak na ako.

Hindi parin ako umalis sa kinatatayuan ko. Kaya hinila ako ni Eric palabas ng kwarto at pagkatapos pinagsarhan nya ako ng pinto.

Pagkasara nya ng pinto nakatayo parin ako sa labas ng kwarto,iyak ng iyak parin ako. Kaya ang ginawa ko pumunta na lang ako ng kusina para dun ipagpatuloy ang pag-iyak ko.

Kinabukasan,pagkagising ko,hindi ko nadatnan si Eric. Maagang umalis para siguro hindi kame magkaharap.

Na-depress ako ng subra ng mga panahon na yon. Hanggang sa mamatay si Iñigo,si Eric parin ang nasa isip ko.

Ang akala ko noon una,hindi ko lang siguro matanggap na tinanggihan nya ako. Pero narealize ko at nasisiguro ko sa sarili ko na mahal ko pala sya.

=END of FLASHBACK=

Ilang araw ang nakalipas simula ngyari sa pagitan namin ni Eric,wala na ako nbalitaan sa kanya.

Andito ako ngayon sa opisina ni Sthenno. Hinihintay ko sya. Dahil nagkaroon daw ng meeting. Gusto ko na sya makausap.

Hindi na ako makapaghintay na maibenta ang lupa't bahay ko. Patutulong na ako kay Sthenno na maisangla sa bangko.

Pasado alas-singko dumating si Sthenno sa opisina nya. Nagmamadali ito.

Im sorry if I keep you waiting Rhyann. Nagkaroon kasi ng meeting ang mga brokers at isa ako sa mga officers kaya hindi ako makaalis-alis kahit twice na ako nakareceive ng text sayo." sabi nya.

Bigla tuloy ako nahiya sa kanya.

"Ganun ba? Im sorry too. Hindi naman emergency ang punta ko. Gusto lang kita makausap tungkol sa properties na ipinabebenta ko sayo." -ako.

"Nag-lunch ka na ba?" tanung nya at umiling lang ako.

"Why don't we discuss it over lunch? Halika,may alam akong restaurant na bagong bukas. Malapit lang yon dito. Lakarin na lang natin." at ayon pumunta na kame ni Sthenno sa nasabi nyang Restaurant.

Nasa restaurant na kme,at sinabi ko kay Sthenno ang gusto kung mangyari. Nung una tumutol pero kalaunan pumayag na din sya sa gusto ko.

"Sige,habang nakasangla ihahanap ko parin ito ng buyer. Alam mo sa panahon ngayon Rhyann mas maganda pa ang mag-benta kesa sa magsangla." sabi nya.

At gusto kong sabihin wala naman ako choice.

Ang totoo kaya lang naman ako nagmamadali mabenta ang bahay at lupa kasi para makaalis na ako doon at para na rin makaiwas ky Eric.

"Tulungan mo na lang ako Sthenno. Mapapahiya kasi kame sa unang kliyente namin kung hindi kame tutupad sa mga inorder nila." pagsisinungaling ko na lang,para mabenta o masangla nya agad ang bahay.

Ngumiti na lang sya sa akin at nagulat na lang ako ng bigla nya hawakan ang kamay ko na nasa mesa.

"I will help you Rhyann..sa lahat ng oras. Infact,gagawin ko ang lahat ng magagawa kn maayos lang problema mo." sabi nya.

"S-salamat Sthenno." sabi ko at dahan-dahan ko binawi kamay ko para hindi sya ma-offend. At maya-maya nag-concentrate na lang kame sa kinakain namin.

Pagkatapos namin kumain,bumalik na kme ni Sthenno ng opisina nya. At nadatnan namin ang taong iniiwasan ko.

...itutuloy

Someday You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon