SOMEDAY YOU'LL BE MINE
By: Admin Nayat
CHAPTER 19
Isang araw,nasa bahay lang ako. Umaasa kasi ako na baka sisiputin din ako ni Eric,pero ibang bisita ang sumipot.
"Rhyann may bisita ka." tawag ni Tito Gustavo sa akin. Bigla ako sumaya dahil iniisip ko si Eric ang bisita.
At mabilis ko iniwan ginagawa ko at mabilis ako lumabas ng kwarto.
Pero bigla ako nadismaya nung si Sthenno ang nakita kong nakaupo sa sofa.
"Hello Rhyann...busy ka yata? Yayayain pa naman sana kita na mamasyal at kumain sa labas." sabi ni Sthenno.
Natigilan ako..at maya-maya pumayag na lang ako.
"Hindi naman ako masyadong busy,give me 10 minutes at magbibihis lang ako." sabi ko.
At umalis na ako sa harapan ni Sthenno para magbihis. At naisip ko habang nagbibihis at nag-aayos,bakit kelangan ko panisin ang sarili ko sa paghihintay at pag-iisip kay Eric.
Panu kung hindi na nya ako puntahan? Magmumukmok na naman ba ako at magtatago?
Ilang sandali,nasa labas na kame ni Sthenno. Kahit papanu nag-enjoy din ako kasama si Sthenno na kahit minsan kung kanino na ako napapatingin dahil sa pag-aakalang si Eric ang nakikita ko.
Namimiss ko na sya..
Pero pinipilit ko na lang maging masaya.
Maya-maya umuwe na kame ni Sthenno. At nang umuwe na kme,nagulat ako kasi naabutan ko si Eric na nasa sala kausap si Tito Gustavo.
Mabuti na lang hindi na tumuloy si Sthenno dito sa loob kundi mahirapan ako magpaliwanag sa presensya ng bawat isa.
"Rhyann," tawag ni tito sa akin. "halika at ipapakilala kita sa may-ari ng unit na nabili natin."
"Ha?!" gulat ko.
Kaya pala nalaman nya kung nasaan ako dahil sya pala ang may-ari ng mahabang gusali na pinupuwestuhan ngayon ng shop namin.
"Sya si Rhyann,pamangkin ko. Kame ang magkasosyo sa negosyo Mr. Yllamas." kwento ni tito na sa tingin ko walang nalalaman tungkol sa amin ni Eric.
Kunwari kinamayan ako at hindi naman nya pinahiya si tito.
"Oh,sandali...maiwan ko muna kayo," biglang paalam ni tito. "Rhyann,kaw muna ang bahala sa bisita natin. May liligpitin lang ako."
Nang makaalis na si tito naupo ako sa tapat ni Eric. At hinila nya ako bigla para tumabi sa kanya.
"Kasama mo raw s Sthenno?" galit nyang usisa.
Hindi ko maintindihan bakit kelangan nyang magalit? Ang pagkakaintindi ko ako ang dapat magalit sa kanya kasi sukat nawala na lang sya at iniwan akong nanghuhula sa mangyayari sa amin.
"Umalis kame,wala naman sigurong masama dahil wala naman kameng ginawa kundi nanuod lang ng sine at kumain sa labas." sabi ko.
"Pero alam mung my ngyari na sa atin? Alam mung nagkakaintindihan na tayo." sabh naman nya.
Pagkakaintindihan?
"Ang alam ko wala pa tayong pinag-uusapan about us? Anung nagkakaintindihan sinasabi mo?" ako.
"Ganyang ka bang talaga? Sandali lang ako nawala,pinapalitan mo na ako agad?" sya.
"Hindi kita pinapalitan Eric. Kaibigan ko si Sthenno. At naisip kong sumama sa kanya dahil ayokong maghintay sa wala sayo!" ako.
At nakita ko ang galit sa mukha nia.
"Kaya ako nawala kasi inayos ko sandali at pinuntahan ko ang mga magulang ko at pinaalam kn sa kanila ang tungkol sa atin. Sinabi ko na rin sa mga Tita ko ang balak kung pakasalan ka.." mahaba nyang paliwanag.
"Eric!" gulat ko sa sinabi nya.
"Pero nagbago na ang isip ko Rhyann. Ngayon pa lang nakikita ko nang hindi ka magiging faithful sa akin. Sandali lang ako nawala sa paningin mo,nakikipagdate ka na agad sa iba." sabi nya at tinalikuran nya ako.
"Eric,sinabi ko naman sayo kaibigan ko lang si Sthenno. Gusto ko lang naman maglibang. Wala naman kameng ginagawang masama." sabi ko habang hinahabol ko sya.
At bigla sya humarap sa akin,tiningnan nya ako ng masama.
"Aalis na ako at hindi na ako babalik. Hindi na kita gagambalain. Maglibang ka na at sumama ka na sa taong yon hanggat gusto mo. Tapos na sa atin ang lahat!" sabi nya. At tuluyan nia akong tinalikuran.
"Eric!" habol ko parin.
Nabubulagan lang sya,lam ko nabubulagan lng sya ng selos. Kahit hindi nya direktahang sinabi lam ko mahal nya ako.
"Eric,mahal kita. Noon pa Eric. Kaya lang..." hindi ko na natuloy ang mga gusto kung sabihin dahil nagmamadali na syang umalis.
At umiyak na lang ako..
..itutuloy