SOMEDAY YOU'LL BE MINE
by: admin nayat
CHAPTER 10
Hindi naman natinag si Eric sa saway ng tita nya.
"Kung ako siguro si Iñigo,my soul would still be restless. At kailangan sigurong makita ko munang nakapagbayad kana sa mga kasalanan mo bago ako matahimik sa kinalalagyan ko." sabi nitong nanlilisik ang mga mata.
"Eric...that's enough! Mabuti pa umuwi na tayo!" saway ulit ni Doctora.
Napaluha na lang ako sa mga sinasabi ni Eric,pero kelangan ko parin ipagtanggol sarili ko.
"Ang problema lang Eric,hindi ikaw si Iñigo. At kung sakaling ikaw si Iñigo. Siguro ngayon masaya kana kung saan ka man naroroon. Dahil nang mamatay ka isinama mo na rin sa hukay ang kaluluwa ko." galit kung sabi.
"Oh my god! This fight will never end." sabi ng Doktora. At hinawakan nya ako sa braso.
"Please Rhyann...huwag mo ng patulan si Eric. Im sure hindi nya gustong sabihin ang mga bagay na ito sayo. Sumubra lang ng in0m." natahimik ako sa sinabi ng Doktora at tumayo na lang ako at nagmamadaling umalis.
Basta pagkatalikod ko narinig ko pa ang sinabi ni Brent.
"Are you happy now Eric? Sana pagkatapos ng gabing to tigilan muna ang kaibigan ko. Wala syang ginagawang masama sayo para hiyain mo. At mas lalo wala kang alam sa naging buhay ni Rhyann kay Iñigo para husgahan mo sya ng ganyan. Kaya sana lang kung wala ka rin lang magandang sasabihin sa kanya. Itikom mo na lang yang bibig mo." sabay tayo ni Brent.
KINABUKASAN..
Nadatnan ako ni Brent sa bahay na mugto ang mga mata ko.
"Sorry sa pagwo-walkout ko sa birthday mo Brent. Hindi ko intensyong sirain ang party mo,pero hindi ko na kasi matiis hindi ipagtanggol ang sarili ko kay Eric." hingi kong paumanhin.
"Ako ang dapat mg-apologize sayo Rhyann. Nakakahiya sayo. Ngayon ka pa lang natututong makipag-socialize uli pero tingnan mo ang ginawa ko." buntong hiningang paumanhin nya sa akin.
At nilapitan nya ako,umupo sya sa tapat ko. Nasa lamesa kasi ako,kaharap ko na sya.
"Kung alam ko lang na matagal mo ng kakilala si Eric at may misunderstanding kayo,sana hindi na kita pinalabas pa sa kwarto ko. Pero wala rin akong alam eh. At hindi ko naman alam na isasama sya ni Doktora,although nabanggit na nya sa akin na nasa bahay nya ang pamankin nya bago sya pumunta ng party ko." mahabang sabi ni Brent.
"Brent,wala kang kasalanan. Ang toto nyan,bilang kaibigan..hindi ako naging tapat sayo. Dapat sana binanggit ko sayo noon pa ang tungkol kay Eric. Pero naging malihim ako." pagkasabi ko yon,napatingin sa mga mata ko si Brent. Nahihiya ako kaya yumuko na lang ako.
"it's okay,pero mgayon dapat mo na sigurong sabihin sa akin kung anu ang problema nyo ni Eric na yon? As i seeit,mukhang galit na galit sya syo. At kung tutuusin,wala namang dahilan para magalit sya sayo ng ganun,diba?" -si Brent
Hindi na lang ako kumibo. Ipagtatapat ko na nga ba sa kaibigan ko ang tungkol sa amin ni Eric. Ang pang-aakit ko sa lalaking yon noong huling gabi nya sa bahay namin ni Inigo.
"W-wala akong alam na problema namin ni Eric,Brent...h-hindi ko nga rin alam kung bakit sya nagagalit sa akin. Basta masama na agad ang pakikitungo nya sa akin nung gabing dumating sya sa amin,para makitulog. N-nagtataka nga rin ako eh." pagsisinungaling ko.
Natigilan si Brent,parang nag-iisip habang nakatingin sa akin.
"My god! Alam ko na kung bakit ganun sya sayo Rhyann. It's obvious he doesn't know the first thing about you...the sort of person you are. At ngayon hinuhusgahan ka nya dahil siguro sa mga masasamang bagay na sinabi ni Inigo sa kanya tungkol sayo." mahaba nyang sabi.
Hindi na lang ako nagsalita..
"Rhyann,huwag mo na lang pansinin si Eric. Hayaan mo ,sasabihin ko kay Doktora ang bagay na to para mapagsabihan nya si Eric na nagkakamali sya ng pagkilala sayo." -sya
"Brent,wag na. Hahaba pa ang usapang to. Ayoko na ng gulo. Isa pa,malabo na rin sigurong magkrus pa ang landas namin.." -ako
"Let's just forget about the whole thing,okay? Mas marame akong dapat asikasuhin at isiping importante ngayon kesa sa kanya. And in the first place, I dont give a damn kung anuman ang pagkakilala nya sa akin. kaibigan lang naman sya ni Inigo." galit kung sabi.
Today
"Rhyann?" at napansin nya ang galit kung boses,tinalikuran ko na lang sya.
"Okay,if that's what you want? Huwag na natin pag-usapan para matahimik na tayong pare-pareho." sabi nya at tiningnan nya ang mga kalat ko sa mesa.
"Anyway,ito na ba yong business nyo kamo?" at pinakialaman na ni Brent mga gamit ko sa ginagawa kung design.
Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa ngyari kaya ibinunton ko ang sama ng loob sa pagdesign ko at pagpinta.
Maya-maya,may inangat na design si Brent mula sa kinalalagyan nito.
"This one is something. Ang galing na pala talaga ng kamay mo sa pagdo-drawing, Rhyann. Masuwerte sayo ang Tito Gustavo mo,nagkaroon sya ng kapartner na artist!" mangha nyang sabi.
Pero para sa akin. Ako parin ang maswerte. Nagkaroon ako ng instant family. At ayon pinag-usapan na lang namin ni Brent tungkol sa mga ginagawa kung design at pagpipinta....
....itutuloy