CHAPTER 21 FINALE..

2K 33 3
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE

BY: ADMIN NAYAT

CHAPTER 21

FINALE..

Lumipas ang ilang araw hindi na kame nagkita ni Eric. Hindi na din sya napupunta dito sa amin. Kahit sa shop. Andito ako ngayon sa kwarto,nagmumukmok. At habang nagmumukmok ako bigla kumatok si Tito Gustavo.

"Rhyann,may bisita ka. Labas ka dito." tawag ni tito sa akin.

"0po tito,sige po lalabas na po ako." walang gana kung sagot.

At nag-aayos na ako ng sarili na walang kagana-gana. Alam ko din naman kasi na si Sthenno ang bisita. Hindi parin tumitigil sa panliligaw sa akin.Kahit na ilang beses kung sinabi tigilan na nya ako. Patuloy parin sya.Paglabas ko ng kwarto.

Gulat! Gulat ang rumehistro sa mukha dahil hindi lang si Sthenno ang bisita ko.

"Sthenno... Eric?" oo si Eric ang isa ko pang bisita.

"Ang mabuti siguro Rhyann,mauna mo munang kausapin ang kaibigan mo?" basag ni Eric.

"Kaibigan?" kunot-noong sabi ni Sthenno. May hawak syang roses and chocolate.

At tiningnan ko si Eric. Binabasa ko anyo nya. Kung anu ba ang sadya nya dito.

Nakita ko na lang syang ngumiti sa akin sabay inabot ang roses at chocolate din na dala nya at napangiti na din ako.

"Sthenno,mag-usap muna tayo." lingon kung sabi kay Sthenno.

Nakita ko sa mukha ni Sthenno ang lungkot pagkasabi kung yun. At sumun0d sya sa akin sa labas ng bahay.

"I'm sorry Sthenno. Si Eric ang mahal ko. Sinagot ko na sya at magpapakasal na kame." sabi ko na lng sa kanya para tigilan na talaga nya ako. Kahit alam ko walang kasiguraduhan yung sinabi ko.

"Ano?!" gulat nya. At hindi na sya nakasalita.

Maya-maya,matamlay syang nagpaalam sa akin at sinabi na yun na daw ang una't huling pag-akyat nya ng panliligaw sa akin.

Alam ko nasaktan ko sya. Pero nagpapasalamat ako dahil tinanggap nya ang kabiguan sa akin.Nung pumasok na ako sa loob ng bahay nakita ko masayang nakikipagkwentuhan si Eric sa tito ko.

"Oh,sinagot mo na ba ang kaibigan mo?" bungad nya sa akin.

"Sinagot?" gulat ko.

"Sinagot ng "hindi"." at nakita ko na syang ngumiti sa akin.

"Uy,nakakapagbiro kana ata? Hindi ka na ba ngseselos" sabi ko.

"Bakit nagselos ba ako?" tanung nya.

"Oh,hindi ba?" irap ko sa kanya.

"Well..." sabi nya at bigla na lang natawa. "sabagay,sinu ba naman hindi magseselos? Natakot ako tuluyan kang mawala sa akin."Kinilig ako sa sinabi nya.

At nakita ko syang napapakam0t sa batok. Para bang nahihiya yong gesture nya.

"Eric!" gusto ko na syang tanungin. Kung totoo bang mahal nya ako at pakakasalan. Gusto ko itanung kung hindi ba ako nananaginip?

"Eric,bakit ka andito?" hindi ko mapigilang magtanung.

At nakita ko syang simeryoso.

"May gusto ako itanung Rhyann.. Hindi naman ako nagmamadali sa sagot mo pero kung gusto mo namang sagutin agad,mas matutuwa siguro ako." mahaba nyang sabi.

" Will you marry me Rhyann?" tanung nya sa akin at hindi ko na alam o matandaan kung panu may singsing na sa harap ko. Natulala ako sa sinabi nya. Namalayan ko na lang ang luha sa mga mata ko.

"Oh,Eric!" sabi ko sabay yakap ko sa kanya.At naramdaman ko ang mahigpit nyang yakap sa akin.

"I love you Rhyann..noon pang una kitang makita sa bahay ni Iñigo. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong may-asawa kang tao. Pero nang mabalitaan ko na namatay na ang kaibigan ko,nag-desisyon akong bumalik dito sa pilipinas para makasama ka." pagtatapat nya sa akin.

"Eric,mahal din kta. Matagal na kitang pinanabikan at sa loob ng maraming taon,ikaw lang lagi ang nasa isip ko. Mahal na mahal kita Eric. Noon pa.." pagtatapat ko na din.At bigla nya ako hinalikan sa labi.

Nakalimutan namin kausap pala ni Eric si Tito Gustavo.Bigla na lang naubo.

"Ehem! Para yatang ako ay nagugulat sa usapan nyo. Mukhang wala yata kameng kamalay-malay sa nangyayari sa inyo." sabi ni tito sabay ngiti.

Nagulat na lang kame ni Eric sa sinabi ni tito at natawa.

"Mag-e-explain po ako tito..matagal ko na po kakilala si Eric. At matagal na kame may pagmamahal sa isat-isa." sabi ko at nangiti si Eric.

"With your permission Mr. Favia...akakasalan ko na ho pamangkin nyo." hinging permiso ni Eric at nangiti na rin si tito.

"Bahala kayo,kung dyan kayo liligaya,eh di sigihan nyo!" sabi ni tito at iniwan na nya kame ni Eric para pumasok sa kwarto nila ni tita Ruth.Nagkatitigan kame ni Eric at muli kame naghalikan..(censored!!)hehe

--THE END--

Someday You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon