CHAPTER 8

909 26 0
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE

BY: Admin Nayat

CHAPTER 8

Nasa likuran kasi ni Brix ang lalaking kausap nya dun sa may sofa. Natulala na ako ng magkasalubong mga tingin namin.

Hindi ako makakilos. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa subrang kaba na nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Parang may mga daga na nagrarambulan sa dibdib ko.

Narinig ko na lng binanggit ni Dra. Luisa ang pangalan ko at si Eric. Pero parang naglalabas-masok lang sa tenga ko mga sinasabi ni Dra. Luisa.

Basta nakita ko na lang na kumilos si Eric Yllamas para lapitan ako. Gusto ko ng umalis dito,gusto ko ng tumakbo para magtago.

"Rhyann?" narinig ko na lang tawag sa akin ni Eric. Para ako napaso ng kamayan nya ako.

At narealize ko,na kaya lang pala sya lumapit sa akin para ipakilala sya sa akin ni Dra. Luisa.

"Pamankin ko sya Rhyann. Kapatid ko ang mama ni Eric. At kararating lng ng buong family nila dito sa Pilipinas para manirahan na dito." sabi ni Dra. Luisa Sofia.

At lumingon si Dra. Luisa kay Brent.

"Nakuwento ko na sya sayo,diba Brent? Sya yong pamangkin kong sinasabi ko sayong umiwi dito 5 years ago para mamili lang ng mga properties dito." pagpapaliwanag ng Dra.

"Yah,i remember. Pero hindi nyo po sinabi na bata pa pala ang pamangkin nyo at guapo." sabi naman ni Brent.

Umiwas na lang ako tingnan si Eric para hindi nya makita reaction ko.

Ewan ko kung narinig ba nya ang sinabi ni Brent,kasi hindi naman nya pinatulan ang papuri ng kaibigan ko sa kanya. Nakita ko na lang tahimik na umupo sa tabi ng Dra.

Nagyaya naman si Brent na pumunta sa mga pagkain na nakalagay sa mahabang mesa para kumuha.

Napakain tuloy aq sa subrang nerbyos. Nang nasa sulok na kame. Nagbukas na ng topic si Brent tungkol kay Eric.

"Ang suplado n0h? Ngayon ko lang din na-meet yan eh. Akala mo kung sino? Palibhasa laking America,kaya iba na ang tingin sa mga kapwa nya Pilipino!" inis na sabi ni Brent.

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi ni Brent. Tiningnan ko na lang si Eric.

Naisip ko,siguro hindi na ako natatandaan ni Eric. Anyway limang taon na ang nakakaraan. At dalawang gabi lang naman ito nakatulog sa amin.

Siguro nga walang impact dito ang ginawa ko nung huling gabi nya sa amin.

"Rhyann!" tawag ni Brent.

"Ha?!" nagulat ako.

Nakalimutan ko kinakausap pala ako ni Brent pero kung saan-saan lumilipad ang isip ko.

Siguro nga hindi na ako natatandaan ni Eric. Pruweba na ang hindi nya pagpansin sa akin. Mabuti na rin yon kasi hindi pa ako handa harapin sya.

Maya-maya bumalik kame sa kinauumpukan nina Eric.

As much as posible hindi na lang ako nagsasalita para walang nabubungkal tungkol sa akin.

Pero ang hindi ko maintndihan kung bakit favorite ako ng mag-asawang Doctor. Panay kasi ako nasasali sa topic nila.

..itutuloy

Someday You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon