SOMEDAY YOU'LL BE MINE..
By: admin nayat
CHAPTER 11
Lumipas ang ilang araw,andito ako ngayon sa opisina ni Sthenno. Ang ahente o broker na nirekomenda ni Tito Gustavo sa akin. Binata at guapo si Sthenno.
"Alam mo Rhyann,may kukuha sa presyong gusto mo sa bahay at lupa,pero ang problema matatagalan tayong ibena to." sabi ng lalaking si Sthenno.
"Bakit naman Sthenno? Wala namang problema ang bahay at lupa ah." tanung ko.
"0o nga. Pero medyo mahina ngayon ang mga real estate business at ang mga investors o yong gustong bumili ng bahay,nag-isip-isip muna bago pakawalan ang pera nila sa hirap ng buhay ngayon." sabi nya.
"Ganun ba? Pero alam mo namang kailangang-kailangan namin ni Tito Gustavo ang mapagbibilhan nun" lungkot kung sabi.
Ang dame pa nameng napag-usapan ni Sthenno tungkol sa bahay at lupa. At ang ending matatagalan pa bago mabenta at maghintay pa ako ng ilang linggo.
Kinabukasan,nasa shop kame ni Tito Gustavo,at kinuwento ko ang mga napag-usapan namin ni Sthenno.
"Di bale Rhyann. Mag-concentrate na muna tayo dito. And for the meantime,dun muna tayo sa likod-bahay namin..este natin mag-shop" nakangiting sabi ni tito pero halatang nalulungkot.
At ayon tinutulungan ko na syang manghakot ng mga gamit sa gift shop. Sisirain na kasi ang pwesto nya sa isang linggo. Nagpasabi na kasi ang may-ari.
Lumipas ilang oras nahakot na namin ang ilan sa gamit at display sa workshop.
"Dito na muna nyo ipatong ang mga yan at baka mamaya mabasag pa." sabi ni Tita Ruth.
Sa lamesa namin pinatong ang mga paso at pigurin.
"Mag-meryenda muna kayo pagkatapos nyo dyan." sabi ulit ni Tita Ruth.
At nagmeryenda naman kame. Kaya pagkatapos ng meryenda,naghakot ulit kame.
Hapon na kme tumigil at gabi na ako naihatid ni Tito Gustavo sa bahay. Subra pagod ko.
Bubuksan ko na sana ang front door at muntik na ako mapalundag ng marinig ko kung sinu ang nagsalita sa may gilid ko.
"Sino yon? Lover mo?" -sya
"Eric!" gulat ko,at inaaninag ko syang nakatayo sa mga halaman.
At nilapitan nya ako,maya-maya kinuha nya sa kamay ko ang susi ng bahay.
Sya na ang nagbukas ng pinto at binuksan nya ilaw sa loob at labas ng bahay.
"Bakit hindi mo niyaya ang lover mo dito sa loob. Wala ka ba sa mood ngayong gabi? Hindi ba romantic ang gab--" tanung ni Eric sa akin.
"Eric please,pagod ako. Wala ako sa mood makipag-away sayo. Sabihin mona kung anu ang kailangan mo bakit ka nandito at pagkatapos iwan mo na ako." -ako
At tiningnan ako ni Eric,pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Anung nangyari sayo? Bakit ganyan hitsura mo?" -sya.
"Maghapon akong naghakot ng mga gamit sa shop ni tito ko kaya ako marumi." paliwanag ko sa pagiging madumi mo.
Kasama ko na rin sa pagpapaliwanag ko ang pagbibigay na rin ng konting impormasyon kung bakit kame naghahakot.
"At hindi pa nga kame tapos. Yong naghatid sa akin,hindi ko sya love. Sya si Mr. Favia,sya ang Tito Gustavo ko na magiging kasosyo ko sa business at please,kung anuman ang kailangan mo. Sabihin mona at umalis kana. Gusto ko ng magpahinga." ako.
"Huwag mo akong ipagtulakan palabas dito,Rhyann. Hindi kita pupuntahan dito kung hindi rin lang importante ang sadya ko sayo." sabi nyang pabalang.
Hindi ata nagustuhan ang pananaboy ko. At bigla na lang sya naupo sa sofa.
"Maupo ka,mag-usap muna tayo!" utos nya sa akin.
"Tungkol saan? Kung tungkol yan sa nakaraan huwag na nating pag-usapan yan. Sinasarado ko na ang lahat ng nangyari sa atin noo. At maging tungkol kay..."
"Iñigo ay iniiwasan mona? Naiintndihan ko kung bakit Rhyann. Mahirap kalaban ang guilt. Pero huwag kang mag-alala,hindi pa tayo tapos sa bagay na to,hindi muna kita guguluhin tungkol kay Iñigo." sabi nya.
Shock ako sa sinabi nya. At inis akong ngumiti.
"Hindi ko alam kung ano ang problema mo at pinagpuputok ng butse mo Eric. At hindi ko rin alam kung kanino ka kumuha ng karapatan para husgahan ako." inis kung sabi.
"Kaibigan ko si Iñigo,parang kapatid na ang turingan namin. Ang maaga nyang pagkamatay hindi ko matanggap. At ikaw ang sinisisi ko sa nangyari Rhyann. Kung hindi dahil sayo buhay pa sana ang kaibigan ko." sabi nya.
"Buhay o patay...wala ka parin karapatang husgahan ako. Now get out of my house. Umalis kana rito bago kita ipadampot sa pulis! Pinepeste mo ako eh,samantala wala namang dahilan para guluhin mo ang buhay ko!" -ako.
Bigla syang tumayo mula sa sofa,at kita ko sa kanya ang galit.
"My dahilan ako Rhyann. At ito ang dahilan kung bakit narito akong muli." -sya.
At bago ako nakaiwas,nasunggaban na ako ni Eric,na tila bakal sa tigas ang mga braso.
"Eric! B-bitawan mo akn!" -ako.
"Bitawan! Yan na ba ngayon ang drama mo Rhyann. Hindi bat noon nakikiusap ka pa sa aking romansahin ka." -sya.
Mas lalo bumilis tibok ng puso ko sa sinabi nyang yon. Didikit pa lang katawan namin ni Eric parang nag-iinit na ako. Paanu pa kaya kung....
At bigla ko naramdaman ang halik nya sa akin. Nagpupumiglas ako pero mas malakas si Eric sa akin. Na parang bakal sa tigas ang mga braso nya.
"Eric!" shock ko! Kung hindi ako kikilos matatalo ako ng totoong nararamdaman ko.
Mahal ko si Eric,subra ako nasasabik sa kanya. Kahit nasa malayo sya at kahit ilang taon pa ang nakakaraan hindi parin sya maalis sa isip ko.
"Eric! Kung hindi lang napakababa ang tingin mo sa akin ipapaubaya ko sayo ng walang tutol ang sarili ko" sabi ko sa sarili ko.
Pero nagmarka na kay Eric ang ginawa ko noon. At kaya nga ako hinihiya at ginaganito