(Edited: 05/29/13)
Myrtle's POV
Maaga akong gumising at ginawa ang daily routine ko. Nakakapanibago dahil gigising na naman ako araw-araw ng maaga. 2nd year college na kami ng barkada.
"Ang tagal naman ni Karen!" sabi ni Kit na inip na inip na. Andito na kami sa school at si Karen na lang ang wala sa barkada. If I know, paimports yun. Nagpapaganda ba naman. Haha!
"Hindi ka naman makatiis Kit! Tiis-tiis din pag may time." Yves.
"Oo nga!" Joj.
"Eh paano kase, may pa-late-late pang nalalaman yang si Karen." Kit.
"Asus! Excited ka lang makita yung new look ni Karen eh." Ako.
Sinimangutan lang ako ni Kit. Hahaha.
"Ayan na hinihintay mo." Ryan.
At sabay-sabay kaming napatingin sa naglalakad na si Karen.
Woah.
Sino 'to?
Hala.
"Hello guys!" Karen.
Nakaladlad yung buhok nya, nakashoulder bag, yung pangkikay talaga. Wooot!
"Oh? Natulala kayong lahat?" Karen.
"SINO KA?" sabay-sabay naming tanong sa kanya.
The next thing I know, binatukan nya kami isa-isa. At ayun, natauhan na kami.
"Ganon? Kalimutan mga ateyy?"
"I-Ikaw ba talaga yan?" Kit. Nakakatuwa expression ng mukha nya. Hahaha.
Tumango lang si Karen.
"Waaaaaaaaaaa. Karen! Is that you? Totoo? Ang ganda mo girl!" sabi ko sabay yakap.
"Nambola. Mas maganda ka pa din!" Karen.
Oh diba! Sabi sa inyo eh. XD
"Para walang away, parehas tayo maganda!" Ako.
Nagtawanan na lang kami.
Eksaktong nagring yung bell, meaning, papasok na kami sa loob ng room dahil magsisimula na ang klase. Ang laki talaga ng pinagbago ni Karen. Laking tulong din ni Kit. Iba ata talaga ang epekto ni Kit kay Karen.
Joj's POV
Lunch na namin. Kami lang nina Yves at Jai ang nandito sa canteen. Si Myrt, may kinukuhang libro sandali sa libraru. Sina Alec, Kit at Ryan naman, may mga klase pa. Pati na rin si Karen.
Biglang may tumawag kay Yves kaya naman sinagot nya ito nang hindi umaalis sa upuan nya. Kaharap namin sya ni Jai sa table.
"Hello, Candy."
Wait, sino yung candy? Alam kong mali ang makinig sa usapan ng may usapan pero hindi ko maiwasan eh.
"Oo, nasan ka na ba?" Yves.
"Ahh. Sige, ingat ka. See you later, Candy. Bye. I love you." sabi pa nya.
Hala. Sino ba yun? Bakit may I love you?
Maya-maya ay dumating na si Myrt. Kailangan kong sabihin yun sa kanya as soon as possible. Baka.. Baka kase.. Ugh.
Pagkatapos naming kumain, may 30 minutes pa bago magtime, niyakap ko muna si Myrt sa CR.
Nung nasa CR na kami.
"Myrt." Ako.
"Hmmm?" Myrt.
M-May kailangan kang malaman." Nakoooo. Ayaw kong makasira ng relationship, pero mas lalong masasaktan si Myrt kapag tumagal pa yun.
"Ano yun?"
"May i-iba na si.. Y-Yves."
Nagulat si Myrt sa sinabi ko.
"H-ha? Totoo ba yan Joj?"
"Kase.. K-Kase.. Narinig mismo ng tenga ko. May kausap syang babae kanina sa phone bago ka pa dumating. Sabi nya, "Ahh. Sige, ingat ka. See you later, Candy. Bye. I love you." Ayan mismo yung sinabi nya. Nasa harapan pa nya kami. Parang wala syang takot na mahuli namin sya. Candy yung name nung girl." Ako.
Bigla namang napaltan ng expression yung mukha ni Myrt. Galing sa pagkagulat, lumiwanag ang mukha nya. At saka sya humagalpak ng tawa.
Hala, nababaliw na ba 'to?
"Huy! Bakit ka tumatawa? Hindi ka ba nasasaktan?"
"HAHAHAHA! Kase.. HAHAHA! Kase naman Joj. Ako yung kausap nya nun. Candy yung tawagan namin. Minsan pa nga, My Candy eh. Hindi ko pa pala nasasabi yun sa inyo. Sorry. HAHAHAHA." at patuloy sya sa pagtawa.
Ayy.
Okay.
MEDYO PAHIYA AKO DON. PAHIYA NG ONTE. Ayan ang napapala ng pakielamerang katulad ko. Pero hindi nyo naman ako masisisi, ayoko lang masaktan si Myrt. Pero alam ko din namang hindi sasaktan ni Yves si Myrt. Medyo naguluhan lang ako.
"Sorry Myrt ha."
"Okay lang yun Joj. Kasalanan ko din naman eh, hindi ko nasabi." sabi nya nung medyo nahimasmasan na sya sa pagtawa.
Ngumiti ako. "Pero sorry talaga. Muntikan na tuloy akong makasira ng relationship." Ako.
"Okay nga lang. Tsura naman neto."
BINABASA MO ANG
Bestfriend to Lovers (Myrves) - EDITING
FanfictionA cliche story of one girl and one boy treating each other as best friends but ended up loving each other.