(Edited: 05/02/13)
Myrtle's POV
Nyahaaaa, hindi ko pa din makalimutan yung nangyari nung isang araw. Sheeeez. Sino bang tao ang makakalimutan ang ganung memories?
Pumunta kami ni Yves sa Ice Cream Shop. Nagbabakasakaling makita ang barkada, matagal-tagal na namin silang hindi nakikita eh. Bumibili kami ng ice cream nang dumating si Karen.
“Uy Karen! Musta na?” tanong ko.
“Ayos lang naman. Kayo ba?” sabi nya habang bumababa sa bike nya.
“Ayos lang din.” Sagot naman ni Yves.
“Mabuti naman.”
“Alam mo Karen, gumaya ka na din kasi samin. Baka mainggit ka lang sige ka.” Pang-iinis ni Yves. Natawa naman ako dun.
“Che! Magtigil kayong dalawa. Wala pa yan sa bokabularyo ko.” Sagot naman nya. Ang sarap nyang asarin.
“Ewan ko sayo Karen. Base sa mga nakikita ko sa mata mo, may nagugustuhan ka na noh?” sabi ko pa at tinaas-baba ang kilay.
“Oo nga! Sino yan ha?” dagdag pa ni Yves.
“Hoy kayong lovebirds, wala kayong magawa no kaya ako yung pinagdidiskitahan nyo.”
“Masama bang maging concern sa blankong-blankong-blankong-blankong-blankong-blankong lovelife ng kaibigan namin?” mapang-asar na sabi ni Yves.
“Psh. Tumigil kayo dyan.” Tinawanan na lang namin sya.
Maya-maya at dumating sina Kit, Ryan, Alec at yung kambal.
Nagulat ako nung umakbay si Kit kay Karen. Emeghed! Ano ‘to? Anyare? Ilang araw lang namin silang nakita may gumaganon? -_-
“Late na pala kami sa balita. May kit ka na pala eh! Hindi na blanko lovelife mo dude!” pang-iinis ko kay Karen. Tinanggal naman nya yung kamay ni Kit sa balikat nya.
“Anong sinasabi mo dyan? Nang-iinis lang yan eh.” Naiinis na sabi ni Karen.
“Ano ba babe? Inaakbayan ka lang dyan eh.” Sabi ni Kit. Nagtilian naman yung kambal kasama na rin ako.
Yaaaaaaay! BABE? HAHAHAHAHA. Ang sweet =__=
“Anong babe?! Babe-in mo mukha mo!” bulyaw ni Karen. Ang tapang talaga neto kahit kelan. Palibhasa, may pagkaboyish.
Habang nag-aaway sila sa gilid, napunta yung tingin ko sa kambal at kay Alec at Ryan.
Si Ryan, kaholding hands si Joj. Ano ba talagang nangyayari dito? -____-
“Oyy, ano yang holding hands na yan? Kayo na noh?” sabi ni Yves sa dalawa.. Nakita nya din pala.
Nagulat sila sa tanong ni Yves kaya napabitaw sila sa isa’t isa.
“H-Hindi ah!” pagdedeny ni Joj.
“Huli na kaya kayo. ‘Wag na magdeny.” Sabi ko nang natatawa.
“Magbabarkada tayo kaya pwede naman kayong magsabi samin.” Sabi pa ni Kit na kakatapos lang makipag-away kay Karen. Nagmistulang aso’t pusa yung dalawa kanina.
“Oo na, kami na nga.” Pag-amin ni Ryan.
“Hachuchu!” kantyaw ni Karen.
Ayun naman pala eh, aamin din naman pala tas magdedeny pa. Tsk.
BINABASA MO ANG
Bestfriend to Lovers (Myrves) - EDITING
FanficA cliche story of one girl and one boy treating each other as best friends but ended up loving each other.