Chapter 07: Unforgettable Day

913 13 7
                                    

  (Edited: 04/29/13)

  Yves' POV

 Kita ko pa rin sa mukha ni Myrt ang pagkagulat ng makita nya ang nakasulat sa likod ng mga taong kinuntyaba ko. Pano ko nga ba sila kinunbinsi?

 Flashback..

 Maaga akong nagising ngayon. May plano pa kase ako. Plano para sa mahal ko. Si Myrtle, para bukas. May suprise ako sa kanya, at siguradong hinding-hindi nya yun makakalimutan! Sana nga magustuhan nya at sana, matanggap nya.

 Tinext ko ang barkada na pumunta sa park. Para ano pa? Edi kukumbinsihin ko sila para sa plano ko bukas. Magtatapat na kase ako kay Myrtle ng feelings ko para sa kanya.

 At nandito na kameng lahat sa park. Sisimulan ko na.

 Sinabe ko na sa kanila ang plano ko para bukas. At pumayag naman silang lahat. Boto daw silang lahat saken for Myrtle. Ayun naman! Sila ang nagpapalakas ng loob ko para ipagpatuloy 'tong balak ko.

 End of flashback..

"Yves.." sabi nya na halatang speechless. Naks.

 "Yes?" 

 "A-ahh.. "

 Lumuhod ako sa harap nya, "Myrt, alam kong magbestfriend tayo. Pero sa tagal-tagal ng pinagsamahan natin, hindi ko na napigilan yung sarili ko na mahulog sayo. Ngayon ko lang inamin dahil natatakot akong masira yung pagkakaibigan natin. Pero eto na eh, umamin na 'ko. Kahit walang kapalit, kahit hindi mo masuklian, okay lang. Mahal na mahal kita Myrt." 

 "Yves.." sabi nya.

 "Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon. I'll give you time para mag-isip-isip. Kapag nakapag-isip kana ng mabuti, takbuhin mo agad ako. Andyan lang naman ako sa tapat ng bahay nyo diba?" tumango naman sya. Masyado ko nga ata syang minadali. Pero I can wait. 

"Ayiee!" kantyaw ng barkada.

 "Go pare!" sabi nung boys.

  Nginitian ko lang sila. Umalis muna sila at dahil nga moment namen to. Pinaupo ko sya sa may bench. Hinawakan ko kamay nya.

 "Myrt..".

 "Hmm?"

 "Mahal mo din ba ako?" tanong ko. Desperado na kung desperado. Para din naman malaman ko ang tunay nyang nararamdaman para saken.

 "Tinatanong pa ba yan?" nginitian nya 'ko. 

 "A-Anong ibig sabihin mo?" 

 "Mahal din kita." 

 "H-Ha?" ayaw pang magsink-in sa utak ko yung mga sinabi nya. Nudaw?

 Loading..

 Processing..

 20%

 40%

 60%

 80%

 90%

 100%

  "Mahal mo din ako?!" gulat na gulat kong tanong.

  "Ganyan ba ang epekto kapag in love? Nagiging slow?" pagbibiro nya.

  "Hindi lang ako makapaniwala." sabi ko na tulala pa din.

  "Pwes, maniwala ka na." then she kissed me on lips, smack lang. 

  Feeling ko umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko sa katawan. ASDFGHJKL! Ang bakla naman nung sinabi ko. -_-

  "So?" tinaas-baba ko yung kilay ko.

 "Anong so?" napakunot yung noo nya.

 "So tayo na?" 

 Napalitan ng ngiti yung pagtataka nya. Tumango sya. 

 "Oo." 

  "WOOOOOOOOOOO! GIRLFRIEND KO NA SYA! GIRLFRIEND KO NA SYA! NARIRINIG NYO BA AKO? GIRLFRIEND KO NA 'TONG BABAENG KATABI KO NGAYON! YES!" sigaw ko. Nagtinginan samin ang mga tao sa park. Napangiti na lang sila habang umiiling. Mukha ba akong tanga? Wala eh, ganyan talaga kapag nagmamahal.

 "Hoy, ano ka ba? Nakakahiya, pinagtitinginan tayo ng mga tao dito." bulong nya at hinila ako paupo.

  "Ayaw mo 'non? Proud akong maging girlfriend ka." 

 "Syempre, gusto. Pero kelangan ipagsigawan?" sabi pa nya.

 "Ikaw talaga." sabi ko at pinisil yung pisngi nya. Ang cute eh.

  "Aray!" 

  "Oyy, hindi naman masakit ah." 

 "Ang sakit kaya!" sabi nya at parang batang tumalikod sakin. Halaaaa.

  "Uy, sorry na."

  "......."

 "Uyy."

 "......." 

 "Gusto mo lambingin kita?" kiniss ko sya sa pisngi ng paulit-ulit. At epektib! Lumingon sya sakin. 

  "Ikaw! Ilan yon ha?" 

 "Hindi ko nabilang eh. Hehe. ^_^ Bati na tayo please? Hindi ko na uulitin promise." sabi ko at tinaas ang kanang kamay.

 Tumango lang sya at ngumiti. 

 Finally, naging kami din. :)

Bestfriend to Lovers (Myrves) - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon