Nagising si Jihoon nang may tumamang sinag ng araw sa mukha niya. Umaga na naman. Tumayo na siya at inayos ang kama niya. "Good morning, Hoon." sinabi niya sa sarili at ngumiti. It is really a good morning para kay Jihoon. Ang sarap kasi ng tulog niya kagabi at susunduin pa siya ni Jisoo mamaya.
Hindi niya talaga alam kung anong nararamdaman niya. Ang gulo-gulo na. Alam niyang bumibilis din ang tibok ng puso niya kapag kasama si Jisoo pero bakit mas kakaiba yung nararamdaman niya pagdating kay Jeonghan. Alam niyang hindi magandang idea na magustuhan si Jeonghan. Dahil kaibigan niya iyon at ayaw niyang masira ang relasyon nila.
Napabuntong hininga na lang ang binata at lumabas sa kwarto niya para kumain. May natirang pagkain kagabi kaya 'yon na lang ang ininit niya at kinain. Kahit maganda ang gising ni Jihoon ay tamad pa rin siyang kumilos.
Pagkatapos niyang kumain ay pumunta ulit siya sa kwarto niya para maligo. He spent almost 20 minutes taking a bath. Gusto niya kasing maging maayos sa paningin ni Jisoo.
Tanginang feelings to, kaya ayokong nagmamahal eh. He said to himself habang iniisip yung mga pinaggagagawa niya.
Pinagpatuloy na niya yung pagaayos sa sarili tsaka umalis ng apartment. Pagkalabas niya ng building may biglang tumawag sa kaniya. "Jihoon!" Tatlong magkakaibang boses ang narinig niya.
Lumingon siya sa kanan at nakita niya si Seungcheol na ayos na ayos ang buhok at hindi mo maitatangging sobrang gwapo. Sa kaliwa naman niya ay si Jeonghan na nakangiti sa kaniya habang hawak-hawak yung strap ng bag niya. At Jisoo na nasa harapan niya ngayon at naglalakad.
"Anong ginagawa niyo rito?!" Gulat na tanong ni Jihoon sa tatlo. Sa pagkakaalam niya, si Jisoo lang ang inaasahan niyang pupunta ngayon. Pero bakit biglang dumating din yung dalawa.
Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso niya. Hindi niga alam kung si Jisoo ba ang dahilan nito o si Jeonghan na kanina pa nakatingin sa kaniya. Pwede ring si Seungcheol dahil iniba niya ang ayos ng buhok nito. Binabalik niya talaga yung dating siya, pati yung itsura niya tangina mo Seungcheol, ayoko na talaga sayo. Problemado na talaga si Jihoon at kasalanan ng tatlo yun.
"Sinusundo ka" sabay nilang sabi at lahat sila ay nakangiti. May iba talaga siyang nararamdaman ngayong araw, hindi niya lang alam kung ano.
"Eh bakit kailangan tatlo kayo? Ano ba ako? Bata?" Tanong nito sa kanila. Oo, Baby ko. "Basta, I told you yesterday na I'm going to fetch you. Ewan ko lang sa kanila." Jisoo said and tumingin sa dalawang nasa magkabilang gilid niya. "Bakit? Masama bang sunduin ang bestfriend ko ha? Namiss kita eh." Jeonghan said at inakbayan si Jihoon. Napatingin naman si Jihoon kay Seungcheol at inaasahang makarinig ng dahilan sa binata. "Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong nito. Nagulat naman ang nakatatanda nang bigla siyang tanungin ni Jihoon. akala niya kasi ay hindi siya papansinin nito. "A-ah, gusto lang sana kitang yayaing sabay na pumasok. Hindi ko naman alam na nandito rin pala sila. Sige, mauuna na lang ako." Sagot nito. Hindi talaga maintindihan ni Jihoon si Seungcheol. Bakit parang bigla siyang tumiklop? Ganyan yung boses at paraan ng pananalita niya noong nililigawan niya si Jihoon, nahihiya at hindi alam ang gagawin. Tumalikod na siya para maglakad paalis pero hinawakan siya ni Jihoon sa braso. "Oh bakit aalis ka pa kung nandito ka naman na? Lika na, sabay-sabay na tayong pumasok." sabi nito kay Seungcheol kaya napangiti naman ito kay Jihoon at mapangasar na tiningnan si Jeonghan. Napairap naman ito sa nakatatanda samantalang wala namang alam si Jisoo sa nangyayari.
"Talaga! Halika na!" tuwang-tuwa na sabi ni Seungcheol at hinatak si Jihoon para maglakad. "Pwede bang bitawan mo ako? Kaya ko namang maglakad mag-isa." pagsusungit ni Jihoon kaya napabitaw naman s akaniya ang binata. Nagkasabay sa paglalakad sila Jeonghan at Jisoo kaya naman hindi maiwasan ni Jeonghan na tanugin ito. "Kailan pa kayo naging close ni Jihoon?" lumingon naman si Jisoo sa kanya. "Simula nung binusted mo ako." sagot nito na parang nagloloko. Tiningnan naman siya ng masama ni Jeonghan. "Joke lang, neto lang. Inaya ko kasi siyang lumabas nung isang araw. Tapos ayun, yun na." dugtong niya sa sinabi niya kanina.
"Oh? Ganon na yun? Tanong ko lang ha, pinopormahan mo ba si Jihoon?" tanong niya ulit sa binata. "Huh? Kaibigan ko lang si Jihoon. Alam mo namang ikaw pa rin yung gusto ko. pero Jihoon's a nice guy, hindi impossibleng magustuhan ko siya." Sagot nito sa kanya at naglakad nang mas mabilis para abutan sila Jihoon. Inakbayan naman ni Jisoo ang nakababata na halatang ikinagulat nito.
Bakit ang dami kong kaagaw sayo, dapat na ba akong umamin? Tanong ni Jeonghan sa sarili habang pinagmamasadan si Jihoon na kausap ang dalawang lalaki sa tabi niya. "Hoy hintay!" sigaw ni Jeonghan habang tumatakbo at pumagitna kila Jihoon at Jisoo. Nilingon siya ni Jihoon kay nginitian niya ito.
Dug dug. Dug dug. Hindi maintindihan ni Jihoon kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso nito kahit sa simpleng pagngiti lang ni Jeonghan. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakarating sila sa school fifteen minutes bago magsimula ang klase nila. Iba kasi ang first class ni Jihoon at pareho naman ng klase ang tatlo. Nagpaalam na si Jihoon na pupunta na siya sa klase niya. Gusto na niya kasing umupo, sasabog na yung puso niya.
"Sabay tayong maglunch mamaya!/Sunduin kita sa room mo!/ Bye, love you, Hoonie!" Sabay na sigaw ni Jisoo, Jeonghan at Seungcheol sa nakababata kaya napatawa na lang ito.
Wala namang masyadong nangyari sa tanghali ni Jihoon bukod sa pagbabangayan ng tatlo. Hindi niya alam kung bakit nakikipagtalo rin si Jisoo. ANg alam niya lang kasi, galit si Jeonghan kay Seungcheol kaya lagi niyang kinokontra. Kung tutuusin, maayos nang kasama si Seungcheol. Pinatawad na niya ito at nakikita na niya ito bilang kaibigan. Hindi pa niya nasasabi pero gusto na niyang patigilin si Seungcheol sa 'panliligaw'. Alam niyang darating din ang araw na makakapagusap sila nang maayos tungkol doon.
Uwian na nila at gusto na naman ng tatlo na sumabay kay Jihoon. Hindi naman makatanggi ang binata pero gusto niya ring kausapin si Seungcheol. Ayaw niya kasing gawin nito sa kaniya o baka takot siyang mahulog na naman dito. Either way, kailangan nang matigil yun.
"Uhm, Jeonghan hyung, Jisoo hyung, kausapin ko muna si Seungcheol hyung. Kung may gagawin kayo, kahit wag niyo na akong hintayin." sabi nito sa dalawa at hinatak si Seungcheol. Nagulat namab ang nakatatanda sa biglang paghatak sa kaniya.
Tiningnan naman siya ng masama ni Jeonghan kaya tinawanan na lang niya ito habang naglalakad. Seungcheol - 2, Jeonghan - 0.
To be continued.
BINABASA MO ANG
complicated ✩ jeonghoon
Short Story❝i didn't know that love would be shitty and complicated like this.❞ -jeonghoon (jeonghan x jihoon) ©wongyurt (tagalog)
