035

216 24 21
                                        

Dinala ni Jihoon si Seungcheol sa tapat ng hindi ginagamit na classroom. "Woah Jihoon, I thought galit ka sakin? Dito talaga natin gagawin yun?" Seungcheol asked the younger. Iba yata ang naiisip ni Seungcheol kaya napailing na lang si Jihoon. "Anong pinagsasabi mo? May sasabihin lang ako sayo, Seungcheol hyung." Sabi nito pero mas diniin niya yung dalawang huling salita. Nasesense na ni Seungcheol na may mangyayaring hindi niya gusto.

"Ay ganon ba? Sige, ano ba yun?" Tanong nito at ngumiti nang pilit. "Ano kasi, di ba sinabi mo na nililigawan mo ako?" Pagsisimula nito. "Oo. Sinasagot mo na ba ako?" Masayang tanong ni Seungcheol sa binata.

"Hindi ganon, hyung. I want you to stop. To stop courting me. Ayoko na. Wala na talaga akong nararamdaman sayo. I want us to be friends na lang. Actually napatawad na kita from what you've done to me years ago. Kaya pwede bang magsimula tayo ulit? Yung Seungcheol at Jihoon na magkaibigan lang? Pwede ba yun, hyung?" Nawala ang malawak na ngiti ni Seungcheol at napalitan ito ng pilit na ngiti. Dahan-dahan itong tumango at tumingin sa mata ni Jihoon.

"Sige, kung yun yung gusto mo Jihoon. Okay lang, let's be friends. Thank you pala for forgiving me. Pinagsisihan kong nagawa ko yun sayo. You're too precious para masaktan and napakalaki kong tanga para gawin yun. Can I ask you a favor bago kita bitawan?" Seungcheol said, still staring straight into Jihoon's eyes.

"Ano yun?" The younger asked. Feeling niya matutunaw siya sa dahil sa titig nito. "Can I, can I kiss you for once? To be honest, I really miss kissing you, Ji." He asked shyly. Napamura naman si Jihoon sa isip niya. Hindi niya talaga alam kung anong tumatakbo sa utak ng binata. Mababaliw na talaga ako nang dahil sayo, Seungcheol.

"Baliw ka ba? Sige na nga. Gago, maswerte ka gusto kong maging okay tayo kaya gagawin ko 'to." Marupok, no, Jihoon said. Hindi niya rin alam kung anong nasa isip niya pumayag dito.

Napangiti naman ang nakatatanda at dahan-dahang hinawakan ang dalawang pisngi ni Jihoon. God knows how Seungcheol really miss doing this. Seungcheol moved his face towards Jihoon and closed his eyes. Their lips touched. Damn, I missed this. They both said in their mind. Even though wala nang feelings si Jihoon dito, namiss niya ring gawin to. He missed kissing Seungcheol. Dahil ang labing nakadampi sa kanya ngayon ay minsan na niyang kinaadikan. Seungcheol's lips were addictive so does Jihoon's.

It was a slow kiss. Para bang dinadama nila ang bawat segundo. They both stopped when they were out of breath. That was intense.

"You bit my tongue, ang sakit." Sabi ni Jihoon and hinampas si Seungcheol. "Sorry, I didn't mean it. Masyado lang akong nagenjoy hehe." He replied habang hinihimas ang brasong pinalo ni Jihoon.

"Halata naman, hingal na hingal ka eh." sabi ni Jihoon at umupo sa upuan sa loob ng room. "Ikaw din naman. Namiss mo no?" Seungcheol asked, jokingly.

"Pano kung sabihin kong oo?" Tanong naman pabalik ni Jihoon. "Edi gawin ulit natin, game?" Panghahamon ni Seungcheol. "Asa ka. I granted your favor na ha. I hope maging maayos na yung relasyon natin, bilang magkaibigan hehe." Sabi nito at tumingin kay Seungcheol.

"Opo, so ayun let's start all over again. I'll introduce myself. I'm Choi Seungcheol, nice to meet you." Seungcheol said and he offered his hand. "Nice to meet you too, i'm Lee Jihoon." He replied and they do a handshake.

Jihoon's glad at tinanggap ni Seungcheol ang desisyon niya. He may not be a good lover to him pero umaasa siyang he will be his good friend.

"Friends?"

"Friends."

Tumayo na si Jihoon at isinukbit na ang bag sa braso niya. "Labas na tayo, maggagabi na pala." Sabi ni Jihoon at tumango naman si Seungcheol.

Naunang lumabas ng room ang nakababata at sumunod naman si Seungcheol. "Mauna ka na, Ji. May naiwan pa ako sa locker ko." Sabi ni Seungcheol at tumango naman si Jihoon.

Habang naglalakad si Jihoon sa hallway, may biglang humatak sa kaniya papunta sa mga hindi gamit na mga lockers.

Akala niya si Seungcheol lang ito pero hindi pala. Hindi niya masyadong maaninag yung mukha dahil madilim na doon at nakababa ang buhok nito at naka-mask. "Sino ka ba? Bitawan mo k-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Jihoon nang bigla itong nagsalita.

"I like you." Sabi nito at kumaripas ng takbo. Naiwan si Jihoon doon na gulat at hindi alam ang gagawin.

To be continued.

-----
gagi i really dont know what i did dun sa kiss thingy, gusto ko lang kasing magkaron ng moment yung jicheol for the last time aaaa

complicated ✩ jeonghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon