Pagkatapos makausap ni Jihoon si Mingyu, napansin niyang malapit na pala siyang bumaba. Papunta kasi siya kila Jeonghan para mag overnight. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin si Mingyu at si Jeonghan. Si Mingyu dahil sa mga pinaggagagawa nito at si Jeonghan naman dahil dun sa sinabi ni Wonwoo.
Inaamin niya sa sarili na may possibility na gusto niya si Jeonghan. There's butterflies in his stomach whenever the older's with him. His smile, it makes Jihoon weak. Gusto niyang laging nasa tabi ni Jeonghan pero natatakot siya. Natatakot siyang mahulog na naman at masaktan sa dulo. His relationship with Seungcheol was traumatizing. Dun niya naisip na kahit ang perfect tingnan ng relasyon nila, masasaktan din pala siya sa dulo. Kasi hindi naman totoo yung feelings ni Seungcheol sa kanya. Alam niyang magkaiba sila Seungcheol at Jeonghan pero ayaw niya pa ring magtake ng risk.
Siguro dahil sawang-sawa na siyang masaktan at mas okay nang ganito lang sila ni Jeonghan. Okay naman siya dati eh, nung wala pang something. Okay lang na magyakapan sila, okay lang kahit sobrang dikit nila sa isa't-isa. Pero biglang nagbago yun nung sa tingin niya ay may gusto siya kay Jeonghan. Hindi pa niya totally maamin sa sarili niya pero konti na lang, masasabi na niyang he likes Jeonghan.
Bumaba na siya ng bus at naglakad papunta sa bahay nila Jeonghan. May bitbit siyang bag where he placed his clothes and bumili rin siya ng drinks. He stops at the front door of the house and he hears Wonwoo's laugh. Hindi na siya kumatok at bigla na lang pumasok at nakita niya ang dalawa na parehong nagtatawanan dahil sa pinapanood na palabas.
"Jihoonie!" sigaw ni Jeonghan at sinalubong ang binata. "Chill, Jeonghan. Paupuin mo muna ako, please. Ang layo ng bus stop hanggang bahay niyo, nakakapagod." sabi naman ni Jihoon at dumiretso sa upuan at umupo sa tabi ni Wonwoo. Wonwoo just laughed at the younger's action.
"Pabayaan mo na yang si Jeonghan hyung, alam mo namang lagi ka niyang namimiss eh." Sabi ni Wonwoo at sinamaan naman siya ng tingin ni Jeonghan. "H-huwag kang maniwala diyan fake news yan si Wonwoo." Pagdedepensa ni Jeonghan.
"Alam ko naman."
"Ano palang gagawin natin dito? May dala akong beer." Dugtong ni Jihoon sa sinabi kanina at itinaas ang plastic na dala. Natuwa naman ang dalawa sa sinabi ni Jihoon.
"Yown! Dabest ka talaga Jihoon!!" Pasigaw na sabi ni Wonwoo at kinuha ang plastic. Jeonghan hugged the youngest which is totally unnecessary at that moment. Nagulat naman si Jihoon kaya tumingin siya sa nakatatanda. The older noticed the way Jihoon looks at him so he lets go his hands and sits properly. "Sorry, naexcite lang ako." The older apologized while the younger only nodded. Tinitingnan lang sila ni Wonwoo na hawak pa rin ang plastic.
"Ano bang pagkain dito, nagugutom na ako." sabi ni Jihoon at tumayo na papunta sa kusina. Pagdating niya don nanlaki ang mata niya sa sobrang dami ng pagkain. May pizza at iba pang mga pagkain galing sa fast food. Alam niyang hindi marunong magluto si Jeonghan o kaya si Wonwoo kaya nagpadeliver na lang sila.
Kumuha si Jihoon ng dalawang slice ng pizza at isang bottle ng coke at pumunta na kila Jeonghan. May pagkain na rin naman kasi sa sala kaya di siya kumuha ng maraming pagkain. "Ano bang gagawin natin? Ano bang plano mo Wonwoo ha?" tanong ni Jihoon pagkaupo niya sa gitna ng dalawa.
"Hmm balak ko sanang manood na lang tayo ng movie kaso since nagdala ka ng beer, may iba akong naisip." sagot ni Wonwoo.
"Ano?"
"Kain muna ulit ako tas sabihin ko na kung ano yun, bye usap muna kayo diyan." Sabi ulit ni Wonwoo at iniwan ang dalawa.
"So ano na?" Jeonghan started.
BINABASA MO ANG
complicated ✩ jeonghoon
Short Story❝i didn't know that love would be shitty and complicated like this.❞ -jeonghoon (jeonghan x jihoon) ©wongyurt (tagalog)