Second day ko sa hospital, dun ko nalaman that Theodore Lian Salcuedo ang kinuha ng parents ko para maging personal doctor ko.
O.A diba? Pumupunta rin siya sa room ko pag may vacant time siya para daw mabantayan ako.
Kwento lang siya ng kwento. Naiirita ako sa boses niya. Ang ingay-ingay niya.
"Nung lumipat nga ako rito, akala nila intern ako at walang alam kase napaka daldal ko daw." Pag kwento niya. Madaldal naman talaga siya. Para siyang bakla! Ang laki-laki ng katawan niya tapos ang daldal! "Pero alam mo? Haha! Unang araw ko pa lang rito, marami nang nagsabing gwapo ako!" Pasikreto akong napasinghal dahil sa pagmamayabang niya! "Pero... medyo na disapoint sila dahil para daw akong bakla!" Gusto kong tumawa dahil sa ipinakita niyang reaksyon pero... naisip ko na, sinasadya niyang pagaanin ang loob ko para makuha ang tiwala ko at gagawin niya yung ginawa ni Zian sakin! "Pero hindi ako bakla no! Sadyang friend---- oh? Liestle, ayos ka lang?" Nagmadali siyang lumapit sakin. Hahawakan niya sana ang mukha ko pero sinenyasan ko siyang wag lumapit.
"Ayos lang ako.. wag mo'kong lapitan.. umalis ka na.. nakakairita ka." Naiirita kong sambit. Kusa kaseng tumulo ang luha ko nang maalala ko ang ginawa sakin ni Zian. He's a freak. Wala siyang kwenta!
"Ayos ka lang ba talaga? Anong masakit---"
"Mister, please, umalis ka nalang.."
"No, i'm not leaving. Hindi ako aalis hangga't hindi ka nakikitang okay----"
"Hindi ako okay pag nakikita ko yang pagmumukha mo! Umalis ka na!" Napataas ang boses ko sa inis. Ang kulit niya!
"Wala naman akong gagawin... kung naiinis ka sa pagmumukha ko... edi tatakpan ko nalang.." muli siyang umupo ang kumuha ng libro tsaka tinakpan ang mukha niya.. "oh ano? Okay ka na ba?" Biglang tanong. Napabuntong hininga ako at nagpipigil ng inis.
"Ayaw kong makita ang pagmumukha mo at ayaw kong marinig ang boses mo!" Bulyaw ko uli sakanya. Wala naman akong narinig na sagot mula sakanya. Bahagyang nangunot ang noo ko. "Hoy!" Maya-mayang tawag ko sakanya dahil hindi na siya nagsasalita at tinatakpan ang mukha niya. Minsan sinisilip pa ako. "Hoy!" Muling tawag ko. "Hindi ka na ba makapagsalita?"
"Eh sabi mo.... ayaw mong marinig ang boses ko.. kaya hindi na ako nagsalita..." napapikit ako sa inis...
"Look. Mister. Di kita kailangan dito so would you please? Just leave. Gusto kong mapag isa."
"Ayoko nga.. wala naman akong gagawin eh. Tsaka ipinagkatiwala ka sakin ni Ms. Mejares..."
"Tsk! Bahala ka!" Pasirinig kong inalis ang tingin ko sakanya at hihiga na sana ako ng bigla kong naigalawa ang paa ko.. "ouch... ugh! Aray..." napa impit ako sa sakit! Nakalimutan kong na sprained pala to...
"Les... ayos ka lang?" Biglang lumapit sakin si Mister. Agad niyang hinawakan ang ankle ko.
"Wait... masakit... aray..."
"Gusto mo, hilutin ko?" Mabilis akong umiling. Natatakot ako. Masakit eh.
"W-Wag... wag na.. please.. masakit.."
"Ahh... sige.. tulungan na kitang humiga.." inalalayan niya akong humiga.
Nabalian lang naman ako ng braso at nagka sprained ankle. May mga galos rin akong natama sa kabilang braso at laceration sa bandang kilay ko. Masakit.
Nung makahiga na ako. Marahan kong ipinikit ang mata ko.
"Matutulog ka na?" Biglang tanong ni Mister. Nangunot naman ang noo ko at iminulat muli ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Mister Doctor
RomanceTheodore Lian Salcuedo. Ang natatanging Doctor ni Liestle Ann Mejares. Ang kinabwi-bwisitan niyang doctor! Ang pinagtatabuyan niyang doctor. Sinisigawan! But WHAT IF, lahat ng yun ay mag bago... WHAT IF, sa isang iglap, magbago ang nararamdaman niya...