Matapos naming kumain sa Fiñago, naisip namin ni Mister na gumala muna sandali sa mall.
Pero ang sandali na sinabi namin, umabot ng dalawang oras. Nakakatuwa dahil bumalim na siya. I mean, yung kaninang malungkot at di masyadong nagkwe-kwento na si Mister, ngayon bumalik siya sa pagiging madaldal! Kinwento niya sakin nung ginawa niya sa hospital nung umuwi na ako. Sabi niya, kahit maraming nababaklaan sakanya sa hospital nurse, marami namang nahihimatay na pasyente sa kagwapuhan niya kuno.
Ang hangin no?
At ang mas nakakatuwa pa, habang gumagala kami sa mall, napapadaan kami sa mga wig. Sinusuot niya naman yun at kumakaway pa na parang isang beauty queen!
Para talagang bakla!
Tinatawanan ko lang siya. Bawat tao na napapadaan, napatigil nalang sa paglalakad at pinapanood siya tapos tumatawa rin sila
Si Mister naman, mas lalo atang ginanahan sa pag susuot sa mga wigs at nagbabaklaan sa harap ko.
'Grabe, ang sweet niya naman sa kapatid niya. Ginagawa pa ang ganyan mapatawa lang siya.'
'Haha! Nakakatawa siya! Handa talaga siyang magbakla baklaan para sa kapatid niya'
'Look oh! Pinapatawa niya ang kapatid niya!'
'Sana may ganyan rin ako na kuya! Haha! Nakakatawa siya grabe!'
Bulong-bulongan pa nila. Binalewala ko nalang sila. Pati rin si Mister. Parang ako lang ang nakikita ang naririnig niya. Parang di niya napansin ang nakapalibot samin.
"Haha! Tama na nga yan!" Kinuha ko sa ulo niya ang wig. Grabe ang taas niya. Hanggang dibdib niya lang ako.. mas lumaki ang ngisi sa labi niya ng hawakan ko siya sa braso para hindi ako ma out of balance...
I don't know why but.... parang tinutunaw niya ako gamit abg pag ngisi niya...
Ugh! Forget it.
"Tara na... para ka nang baliw!" Sabi ko pa sakanya. Hinila ko siya papunta sa mga nakadisplay na sandal.
Gusto ko kasing bumili ng bagong pumps.
"Hey Mister... mukhang matatagalan ako rito... pipili pa kase ako eh.. kung gusto mo.. pumunta ka dun sa mga shoes para sa mga lalake tapos mag sukat-sukat ka.. Libre ko hehe" yan ang sinabi ko at di na inintay ang sagot niya. Tinalikuran ko na siya at pumili ng pumps.
Ilang minuto ang pagmamasid ko dun hanggang sa napili ko yung color silver na pumps... its so beautiful.. kinuha ko ito at umupo para isukat.
Nung maisukat ko na... sobrang namangha ako.. ang ganda-ganda kase. Bagay na bagay!
"Ang ganda! Bagay na bagay sayo Les! Eh ako ba? Bagay ba'to sakin?" Bigla akobg tumingala nang nagsalita agad si Mister... Medyo tumaas siya.. nung bumaba ang tingin ko sakanyang paa...
dO_Ob????????????
Anong..... Anong kagaguhan naman to?!
Suot niya ang isang high heels! Hula ko, nasa mga 6 inches ang taas nun! At di ko kaya suotin yun! Pero panong....
Panong nakayanan niya...?
"Hoy! Bagay ba sakin?" Tanong uli ni Mister. Sinipag niyang pabaklain ang boses niya pero bigo siya... dahil kahit baguhin niya ang boses niya....
ang hot pa rin pakinggan.
Ugh! Ano ba tong iniisip ko?!
"Ano nanaman yan Mister?"
BINABASA MO ANG
Mister Doctor
Storie d'amoreTheodore Lian Salcuedo. Ang natatanging Doctor ni Liestle Ann Mejares. Ang kinabwi-bwisitan niyang doctor! Ang pinagtatabuyan niyang doctor. Sinisigawan! But WHAT IF, lahat ng yun ay mag bago... WHAT IF, sa isang iglap, magbago ang nararamdaman niya...