Pinag is-stay ako nina mom and dad sa hospital nung mabalitaan nila ang nangyari sakin. Wala dawng kaseng magbabantay sakin sa bahay at sobrang pinagkatiwalaan nila si Mister.
Si Mister naman, sobrang laki ng eyebugs dahil kulang sa tulog! Nagi-guilty tuloy ako!
Ganito pala ako ka-espesyal para sakanya?
Charrot!
Baka isipin niyo assuming ako!
Nagmo-move on na nga ako eh! Di ko nga alam kung sa anong paraan pero gagawin ko ang lahat para makalimutan ko ang nararamdam ko kay Mister.
Di ko naman alam kung pano mag move on pero.... ipagtatanong-tanong ko...
Pero kanino naman diba? Wala pa naman akong kaibigan bukod kay Mister.
Alangan nama'g siya ang tatanungin ko? Eh malamang iisipin nanaman niya na may boyfriend ako! Tapos paghinalaan niya pa yung lalaking nagdala sakin sa hospital!
Kase, these past few days sa pag iis-stay ko sa hospital, tuwing tinatanong ko minsan si Leyzel sakanya, ibabalik naman niya ang tanong sakin.....
"Kamusta na kayo ni Leyzel?"
"Okay lang. Kamusta din naman kayo ng lalaking nagdala sayo dito?"
-
"Sinagot ka na ba ni Leyzel?"
"Eh ikaw? Sinagot mo na ba yung lalaking nagdala sayo dito sa hospital?"
-
"Sweet ba si Leyzel sayo?"
"Sweet din ba yung lalaking nagdala sayo dito?"
Diba?! Nakakainis! Tinatanong mo na nga tapos ang isasagot pa sayo, tanong din! Ang labo nga minsan ni Mister eh. Mas labo pa sa blur! Sa sobrang blur, sarap basagin ang mukha!
Di rin ako makalakad. Masakit masyado ang sugat ko. Konting galaw ko lang, nasasaktan na ako.
Pero minsan, iniinda ko ang sakit para makapag C.R no!
Tsaka nagkasundo na rin kami ni Mister na sa canteen nalang siya bumili ng pagkain sa hospital at wag ng lalayo pa. Pero di niya parin ako sinunod! Umuuwi siya sa bahay nila at magbabaon ng pagkain para sakin! Luto niya raw yun! Tumatakas talaga yun ng hospital! Kaya ng abnormal eh.. ayaw niya daw kase akong pakainin ng pagkain sa canteen! Di raw masarap.
Daming kaartehan. Eh ako naman ang kakain!
"Liestle~~ may dala akong cheese cake!" Well, di na ako magugulat sa biglaang pag sulpot ni Mister. Sanay na ako diyan! Pagpasok niya pa lang tatawagin na ka niyan at itaas pa ang binili niya.
"Tsk! Di ka talaga nauubusan ng pagkain no? Kanina mo pa ako pinapakain... ang sakit na ng tiyan ko sa sobrang busog."
"Maganda nga yan eh. Para, medyo tumaba ka naman. Ang payat-payat mo kaya!"
"Oy sobra ka sa payat na payat ah! Payat lang ako..."
"Tsk! Ganun na rin yun.." at umupo siya sa kama ko. "Payat o payat na payat, pareho lang yung buto-buto ang katawan"
"Oy sobra ka ah!" Hinampas ko siya sa braso! Pero ang abnormal, tumatawa lang! Tss. Parang ang kamay ko lang ang nasaktan ah? "Akin na nga yan!" Inagaw ko sakanya ang plastik bag na dala niya at ako na mismo ang naglabas ng mga cheese cake. "Sa Fiñago ka bumili?"
"Oo hehe."
"Diba ang layu----"
"Op op op!" Agad niyang pigil sakin at nilagay niya pa ang index finger niya sa bibig ko. "Wag ka ng magalit... napadaan lang ako sa Fiñago kaya bumili na rin ako. Wag kang magagalit.." aniya at ngumisi pa. Di na ako nag salita pero nanatili akong nakatitig sakanya ng masama.
BINABASA MO ANG
Mister Doctor
RomantizmTheodore Lian Salcuedo. Ang natatanging Doctor ni Liestle Ann Mejares. Ang kinabwi-bwisitan niyang doctor! Ang pinagtatabuyan niyang doctor. Sinisigawan! But WHAT IF, lahat ng yun ay mag bago... WHAT IF, sa isang iglap, magbago ang nararamdaman niya...