Chapter 4

24 3 0
                                    

Kinabukasan, sobrang bigat ng pakiramdam ko.. parang ayaw ko ng imulat ang mata ko at gusto kong mag stay sa hospital.. wierd ang ganitong feeling pero... di ko rin alam kung bakit...

Pag mulat ng mata ko, di ko inaasahang bubungad sakin ay si Mister! Nakangiti siyang pinagmasdan akong gumigising.

"Good morning! Wala pa yung driver mo. Gusto mong kumain muna? May cheese cake ako sa office. Gusto mo kunin ko yun para sayo?" Nakangiting alok pa nito. Kumunot naman ng kusa ang noo ko at dahan-dahang umupo sa kama.

"Why are you here?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Di ba siya galit sakin? Di ba siya naiinis sakin? Di ba siya nagsasawa sakin? Ilang beses ko na siyang pinahiya at sinigawan... pero haharap parin siya sakin ng nakangiti at para bang handang mapahiya uli!

"Tatanggalin natin yang nasa braso mo hehe.. tsaka na rin, matanong kita kung ano ang gusto mong kainin..."

"Why are you doing this?" Mas lalo akong kinakain ng konsensya sa pinag-gagagawa mong Doctor ka!

"Huling araw mo na kase ngayon----"

"Huling araw? Ano ako? Patay?"

"Hindi! Tsk! Hindi mo naman ako pinapatapos eh..." napakamot pa siya kunwari sa ulo niya. "Huling araw mo na ngayon dito sa hospital!" Paglilinaw niya. Siniringan ko lang naman siya dahil parang ako naman ang napahiya. "Syempre... uuwi ka na... mami-miss kita..." nakangiti siya ngunit malungkot ang tono ng boses niya..

Bigla ay parang naibsan ang galit ko.. parang nao-overwhelemed ako dahil may tao pa palang nakaka-miss sa isang tulad ko?

Tsk! Sinasabi niya lang yan Liestle! Wag ka agad magpapaniwala!

Muling nangunot ang noo ko at sininghalan siya gamit ang tingin.

"Ito naman... huling araw na pagkikita na natin ngayon... galit ka pa sakin.. sorry na..." nakanguso pa siyang sinabi yun at tinignan ako sa mata.

Tsk! Wag kang mag sorry! Wala ka namang kasalanan.

"Sorry saan?"

"Sorry dahil...." kusa siyang napatigil dahil parang iniisip niya pa kung san siya nagso-sorry. Gusto ko tuloy matawa!

Wala kang kasalanan oy!

"Ewan ko... basta sorry... galit ka sakin eh kaya may kasalanan ako..." nakanguso pa rin siya.

"Ano ngang kasalanan mo?" Seryoso ko kunwaring tanong kahit gustong gusto ko ng matawa sa itsura niya.

"Ewan ko nga! Di ko alam! May kasalanan akong di ko alam! May nagawa akong di mo nagustuhan! At di ko alam kung ano yun.. kaya kung ano man yun... sorry na..." gusto ko talagang matawa di dahil sa katangahan niya.. natatawa ako dahil ang cute niya. Para siyang bata pero malaki lang ang katawan.

"Tss." Sininghalan ko nalang siya at pasimpleng lumingon sa likod ko para dun ilabas ang ngiti ko. Binawi ko naman agad ang ngiti ko ng humarap uli ako sakanya.

"Hindi mo'ko papatawarin?" Tanong niya. Umiling naman ako.

Hindi kita papatawarin dahil wala ka namang kasalanan! Kung tutuusin, ako dapat ang mag sorry eh.. ako sana ang patawarin mo.. kaso duwag ako at isang salita lang di ko masabi sayo...

"Hindi na tayo magkakabati?" Nakangusong tanong niya pa. Napahinga nalang ako ng malalim.

"Gusto kong kumain." Iniwas ko ang paningin ko.

Mister DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon