Simula nung gabing yun, naging maayos na ang pakikitungo ko kay Doc.
Pag nag-uusap kami, di talaga mawawala sa usapan na naninibago daw siya sakin. Hindi raw siya sanay na sinasalubong ko siya ng ngiti tuwing papasok siya sa kwarto. Mas nasanay daw siyang laging nakakunot ang noo ko at sisigawan siya.
At mas lalong di daw siya makapaniwala na ngumingiti at tumawa na ako sakanya. Laking pasasalamat niya raw sa cheese cake na binigay niya. Kwinento pa niya sakin kung paano daw siya mag rehearse bago pumasok sa loob ng kwarto. Kailangan niya daw i ready ang eardrums niya dahil paniguradong sisigwan ko nanaman siya. Tapos ang nakakatawa pa, tuwing nagkwe-kwento siya, with actions pa!
Napaka daldal niya. Kung unang makikita mo siya, para siyang seryoso at suplado, pero pag nakilala mo na, sobrang daldal at mabait pala siya..
Pero syempre, minsan, di maiiwasan ng may biglang papasok sa kwarto ko at iaanunsyo na may bagong pasyente... nakakalungkot rin na kailangan niya ulit umalis. Minsan natatagalan siya sa pag punta sa kwarto ko dahil may inaasikaso raw siya. Lalo na't may operasyon na magaganap. Naiintindihan ko naman yun.. Sadyang di lang ako sanay na wala siya sa tabi ko.. Tuloy ay hiniling ko na sana, hindi na gumaling ang braso ko.
Isang buwan na ako sa hospital. Tuwing rest day niya, 6PM siyang pumupunta rito at dito na matutulog.
Ang sabi niya, 1 week nalang ay maaari na raw itong gumaling. Medyo nanlumo akong narinig yun. Pag gumaling na'to... di ko na siya makikita diba?
Ayoko rin naman siyang bisitahin rito baka kase, maabala ko pa siya.. tsaka nahihiya rin ako. Kaya naman, bago mag 1 week, ay naisip akong pwedeng maibigay sakanya bilang pasasalamat.
Hhm.. ano kaya? Betadine? Band aid? Injection? Dextrose? Ganon?
4 days nalang ay 1week na. Sa araw na yun, hindi ko inaasahang nurse ang pumasok sa kwarto at hindi si Mister Doc.
"Hi Liestle, ako muna ang papalit kay Doc Theo... may inoperahan pa kase siya ngayon, kaya inihabilin ka niya sakin... eto na yung gamot mo.." sabay lahad niya sa gamot at tubig. Ininom ko naman ito. "Sige, mauna na ako..."
"Wait." Pigil ko sakanya.
"Yes? Is there anything you need?"
"May itatanong lang ako hehe"
"Ano po yun?" Nakangiti siya.
"Uhhm... close ba kayo ni Mister---- i mean, Doc Theo?"
"Uhhm... hindi naman po masyado.. bakit po?"
"Ahh.. hehehe.. itatanong ko lang kung anong favorite flavor niya sa cake bukod sa cheese.." tanong ko. Napaisip naman siya..
"Last time, nakita ko siya kasama ang girlfriend niya at binigyan siya ng cake na... chocolate cake ata yun.."
"Ahh.. so may girlfriend siya at chocolate cake ang favorite niyang flavor?" Tanong ko. Tumango naman siya.. "alam mo ba ang pangalan ng girlfriend niya?"
"Si Leyzel po.." magalang nitong sagot. Napatango naman ako.
May girlfriend pala ah...
"Ahh sige.. salamat.."
"Your welcome.. may kailangan o itatanong pa kayo?"
"Wala na.. salamat.." at tuluyan na siyang umalis sa kwarto.
May girlfriend ka na pala? Wala ka pang kinikwento sakin ah...
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng driver namin. Wala kaming maid eh. Driver at guard lang talaga.
BINABASA MO ANG
Mister Doctor
Любовные романыTheodore Lian Salcuedo. Ang natatanging Doctor ni Liestle Ann Mejares. Ang kinabwi-bwisitan niyang doctor! Ang pinagtatabuyan niyang doctor. Sinisigawan! But WHAT IF, lahat ng yun ay mag bago... WHAT IF, sa isang iglap, magbago ang nararamdaman niya...