"Ano ba?! Tatahimik ka lang ba diyan?! San ka galing ha?! Bakit ang tagal-----"
"Buntis si Leyzel..."
dO_Ob
Eksaktong pagkasabi niya nun, biglang nanlambot ang tuhod ko at parang nagmamanhid ang buong katawan ko...
Di ako makapaniwala sa sinabi niya... sunod-sunod ng tumulo ang luha ko, at ganun rin yung sakanya...
Hindi talaga ako makapaniwala.
KUNG PANAGINIP LANG TO, SANA GISINGIN NIYO NA AKO!
Wala sa sarili siyang niyakap ako at humagulgul.
"Buntis si Leyzel.. B-Buntis siya..." pag uulit niya.
Di ko kayang magsalita. Parang tinahi ang bibig ko dahil sa narinig ko.
Buntis si Leyzel? Wag mo sabihing... siya ang ama?
Para akong binuhusan ng yelo ng isipin ko na si Mister ang ama!
Daal ng sakit at panlulumo.. Dapat maging masaya ako eh. Maging masaya ako dahil may nabuo sila. Magkakaanak na sila. Magkakapamilya na sila. Magiging ama na si Mister..
At ayaw tanggapin ng puso ko..
Parang biniyak na nga talaga ito ng tuluyan..
Mas masakit pa nga ata ang nararamdaman ng puso ko kesa sa sugat na natamo ko.
"B-Buntis si.... Leyzel..." dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at tinapik ang balikat niya.
Wala na. Kailangan ko na talagang tanggapin. Maging masaya nalang dapat ako para kay Mister at Leyzel.
Ano pa bang aasahan ko? Diba?
"Tahan na..." pagpapatahan ko kay Mister dahil mas lalong lumakas ang paghagulgul niya.
"A-Akala ko... m-mahal niya ako.. Les.." aniya. Naamoy ko naman ang alak sa katawan niya. Pero hindi ko na yun pinansin.
"Sshh... t-tahan na..." pagpapakalma ko uli sakanya! Kahit na ako mismo ay di kayang kumalma dahil sa pag iyak.
"A-Ang sakit... ang s-sakit... sakit..." aniya. Nalilito naman ako dahil sa sinabi niyang nasasaktan siya!
"T-Tahan na... Mister..." sabi ko nalang kahit naguguluhan na ako. Di ko alam bakit nasasaktan siya. Diba dapat maging masaya siya dahil buntis si Leyzel?
"P-Pero kase Les... di l-lang ako makapaniwalang. N-Nagsinungaling siya s-sakin.." aniya at kumalas naman ako sa pagkayakap dahil di ko siya maintindihan! Buntis na si Leyzel pero umiiyak siya at nasasaktan... ano ba talaga?!
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. "Sabihin mo nga sakin ang nangyari! Nalilito na ako eh!" Naiinis na sabi ko!
Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya. "N-Nag kita kami ni... n-ni Leyzel.."
"Oh tapos?"
"A-Ang sabi niya... B-Buntis raw s-siya.."
"Oh eh bakit ka umiiyak?"
"K-Kase... ang sabi n-niya.. a-ako raw ang a-ama ng d-d-dinadala niya..."
"Hindi ka ba masaya? Dahil magiging ama k-ka na?"
"H-Hindi.. a-alam ko namang d-di sakin yun.. w-wala namang nangyari s-samin haha!" Kunwaring tawa niya!
Para naman akong nabunutan ng tinik!
BINABASA MO ANG
Mister Doctor
RomanceTheodore Lian Salcuedo. Ang natatanging Doctor ni Liestle Ann Mejares. Ang kinabwi-bwisitan niyang doctor! Ang pinagtatabuyan niyang doctor. Sinisigawan! But WHAT IF, lahat ng yun ay mag bago... WHAT IF, sa isang iglap, magbago ang nararamdaman niya...