CHAPTER 2

10 0 0
                                    

Kumain ng masaya sina Jean, na para bang walang pinoproblema sina Mary at Jerome.

Pagkatapos nilang kumain ng meryenda ay nag-ayang kumain sa labas si Jean para sa hapunan.

"Mom at dad, sa labas po tayo kumain ng hapunan, minsan lang po nandito si Daddy e, sulitin na natin, bonding na din naten yon", masayang pag-aaya ni Jean.

Nagka tinginan ang mag-asawa.

"Hmmm, sige, Jean, kaso parang ayaw ng dad mo", sagot ni Mary kay Jean.

"Oy, sino may sabi na ayaw ko?, manghuhula kana ba ngayon, Ma?", pabirong sabi ni Jerome.

"Ayun naman po pala e, 8:00 po ah, tawagin niyo nalang po ako pag okay na kayong dalawa", masayang sabi ni Jean sa kaniyang magulang.

Umakyat na ulet si Jean sa kwarto niya para mag-ayos ng kaniyang susuotin.

Pag akyat ni Jean...

"Kala ko tatanggi ka nanamn e", biglang nag bago ang tono ni Mary na mula sa masaya ay napalitan ng pagka seryoso.

Tumingin lamang si Jerome kay Mary at hindi umimik.

Sa kwarto ni Jean, may computer, air conditioner, mga amplifiers para electric guitar niya at isang kama na para lang sakinya.

Humiga si Jean sa kama niya at kinuha ang gitara para tumugtog.

Masaya si Jean, dahil matagal nang panahon mula ng sila ay sabay sabay na kakain ng hapunan.

"I want something just like this"
sinundan ito ng strumming niya sa gitara.

Habang tumutugtog si Jean ay nakaramdam siya ng hilo. Nagiging doble ang paningin niya, binaba niya at tinabi ang kaniyang gitara. Umupo siya sa kaniyang kama pero hindi parin nawawala ang kaniyang pagka hilo.

Tiningnan niya ang kamay niya na nag dodoble sa paningin niya. Pumikit siya at hinilot sarili niyang ulo. Pero wala iting epekto, dahil sa sobrang hilo, nahulog siya sa kaniyang kama at napahiga sa lapag.

Dinig sa baba ang kalabog ng pag bagsak ni Jean...

Nag-aayos ng pinggan si Mary nang marinig niya ang kalabog, agad siyang tumingin kay Jerome na kasalukuyang nadinig din ang kalabog, nag tinginan silang dalawa at...

"Jean?!", sigaw na may pag aalala ni Mary.

Agad naman umakyat si Jerome sa kwarto ni Jean.

"Jean?!, naka lock ang pinto mo, paki buksan naman, ano ba nangyayari?", nag aalalang tanong ni Jerome habang pinipilit na buksan ang pinto.

"Jean?", tawag ni Mary sa pangalan ng kaniyang anak na sobra ng nag aalala.

"Jean pag hindi mo ito binuksan, mapipilitan akong buksan to gamit ang master key natin!, ano ba nangyayari diyan?", nag aalalang tanong din ni Jerome.

"Anak?, buksan mo ito, nag aalala na kami", sabi ni Mary.

"Mary, paki kuha yung master key naten", utos ni Jerome kay Mary.

Agad naman sumunod si Mary, tumakbo ito papuntang sala para kunin ang master key sa likuran ng divider nila ng TV. Umakyat na ulet si Mary na atubili.

"Jean, bubuksan na namin ito", sabi ni Jerome.

Sa sandali na ipapasok na ni Jerome ang susi sa door knob...

"Mom, dad?", binuksan ni Jean ang pinto, naka hawak ito sa kaniyang ulo at dama parin ang sakit ng kaniyang pag kakahulog sa lapag.

"Bakit po?, sobra naman po ang pag aalala niyo, nahulog lang naman po ako sa kama e".

Niyakap ni Mary ang anak na kinagulat naman ni Jean.

"Mom?, bakit po?, wala naman pong masamang nangyari sakin".

"Jean, may sugat ka sa ulo, kukuha ako ng bandage para matakpan 'yan", sabi Jerome na kaagad bumaba para kumuha ng First aid kit.

"Mom?, ano po bang problema?, bakit parang sobra  kayong nag aalala?", tanong ni Jean.

"Ano ka ba Jean?, nanay ako, natural lang na mag alala ako", sagot ni Mary.

Naka balik na si Jerome, nilinis na ang kaniyang sugat at nilagyan na ito ng bandage.

"Mag handa na tayo, kakain tayo sa labas, Jean, mag-iingat ka sa susunod ha", naka ngiting sabi Jerome, na para bang tinatago niya ang kaniyang pangamba.

Bumaba na agad ang mag-asawa.

Samantalang si Jean naman ay sinarado ang pinto niya, umupo siya sa kama at muling hinilot ang ulo.

Hindi nalamang ito pinansin Jean.

Nang pumatak na ang ika-8 ng gabi ay umalis na ang mag-anak para kumain sa labas.

Sa loob ng kotse...

"Jean, saan mo gustong kumain?", naka ngiting tanong ni Mary kay Jean.

"Kahit saan mom, basta kasama ko po kayo", naka ngiting sagot ni Jean.

"Parang masarap kumain ngayon sa paborito mong kainan", suwestiyon ni Jerome.

"Oo nga po, dad, dun nalang po", masayang sagot ni Jean.

Dumating sina Jean sa fast food chain na madalas nilang kainan.

Habang umoorder ang mommy at daddy niya, siya ay nakaupo na sa table nila.

Nag suot ng earphones si Jean para mag soundtrip, dahil mukhang mahaba ang pila sa counter.

Habang nag sa-soundtrip si Jean, napansin niya ang isang lalaki na nakaupo sa table na kaharap ng table nila.

Naka suot din ito ng earphones at halatang nag sa-soundtrip din, pero, malungkot ito habang hinahalo ang kape niya.

Tinitigan lang ito ni Jean, ngunit, bigla itong tumingin sakaniya, kaya inalis ni Jean ang tingin niya dito, kaagad.

Yumuko ulet ang lalaki, at hinawakan ang cellphone niya. Bigla nalamang napaluha ang lalaki nang tingnan niya ang cellphone niya.

Tumayo ang lalaki para umalis ng fast food chain, habang nakayuko si Jean at iniiwas ang tingin sa lalaki.

Pag daan ng lalaki sa harap ni Jean para lumabas ng fast food chain, ay sakto naman dumating ang mommy at daddy niya dala ang kanilang pagkain.

Masaya silang kumakain at masaya din silang lumisan ng kainan.

Habang nasa biyahe pauwi ay may nakita silang naaksidenteng sasakyan.

"Ay, naku po, kawawa naman yung lalaki, Jean", sabi ni Mary kay Jean na nakikinig ng music ng mga oras na iyon.

"Ano po yun ma?", tanong ni Jean kay Mary.

"Tingnan mo yung lalaki, kawawa naman", sagot ni Mary.

Nakita ni Jean ang lalaking naaksidente habang naka higa ito sa stretcher at sinasakay sa ambulansiya.

Nang makalagpas sila sa traffic dahil sa aksidente. Tinanggal ni Jean ang kaniyang earphones...

"Ma..?", nanghihinang sambit ni Jean kay Mary.

"Bakit Jean?", tanong ni Mary, habang nakatingin sa salamin na nasa harapan nila ni Jerome.

"Jean, bakit namumutla ka?", tanong ni Jerome.

Huminto si Jerome sa pag mamaneho at tinabi ang sasakyan.

"Jean, anong problema??", nag aalalang tanong ni Mary.

"Kailangan nating dalhin si Jean sa pinaka malapit na ospital", seryosong sagot ni Jerome.

"Ma?, Dad?, umiikot ang paligid", nawalan nalamang ng malay si Jean nang sabihin niya iyon.

Kaagad dinala si Jean sa pinaka malapit na ospital.

Kasabay nila ang isang ambulansiya sa pag park sa parking lot.

Kaagad hiniga si Jean sa kama at sinaksakan ng dextrose.



REMIND ME TO FORGETWhere stories live. Discover now