CHAPTER 7

7 0 0
                                    

Ilang beses at ilang araw din naulit ang pangyayaring iyon, pero parehas nilang pinag sisisihan ang hindi pakikipag usap sa isa't isa. Paulit-ulit silang umaatras upang kausapin ang isa't isa, samantalang ilang metro lamang ng layo nila sa isa't isa.

Hanggang isang araw, pumunta muli si Corine sa rooftop para makinig ng music sa cellphone niya. Napansin niya na wala si Jean sa kabilang dako ng building.

Ilang oras ang lumipas walang "Jean" na nagpakita. Bumalik si Corine sa kwarto niya kasama ang nurse na naghatid sakaniya.

Kinabukasan, habang papunta si Corine sa rooftop ay nakasalubong niya so Jerome at Mary na may dalang malalaking bag at mukhang uuwi na mula sa ospital, ngunit hindi niya nakita si Jean na kasama nila...

"Sir. Jerome!", sigaw ni Corine at nagpaalam sa nurse na may kakausapin lang saglit.

"Corine?".

"Sir. Jerome, kumusta po?, ilang araw na din ang nakalipas mula nung huli tayong nag kita", naka ngiting bati ni Corine.

"Ayos lang naman, pasensya kana ha, yung anak ko kase nag undergo ng therapy kaya hindi na kita masyadong nabibisita...".

"Ganon po ba?...".

"By the way, ito pala si Mary asawa ko, Mary eto si Corine, yung binatang kinuwento ko sa'yo na tinulungan ko...", pagpapakilala ni Jerome.

Ngumiti naman si Mary kay Corine...

"Kumusta ka naman Corine, kumusta na mga sugat at pilay mo?".

"Hehe, umaayos na po, siguro mga ilang araw pa at aayos na talaga ako ng tunay", naka ngiting sagot ni Corine kay Jerome.

"Buti naman, magpa galing ka kaagad para makapasok kana ulet sa eskwelahan mo".

"Opo, maraming salamat Sir. Jerome".

"O sige Corine, mauna na kame kukuha pa kame ng mga damit at gamit namin, dadalawin kita sa susunod pag hindi na masyasong busy", pagpapaalam ni Jerome kay Corine na positibong positibo na gagaling siya agad.

Nagpaalam na din so Corine kay Jerome at umakyat na sa rooftop kasama ang kaniyang nurse...
At sa pagkakataon na dumating sila sa rooftop agad niyang hinanap si Jean sa paligid ngunit wala parin ito.

sa isip ni Corine "kala ko ba tapos na siya sa therapy niya?, bat wala parin siya dito?".

Pero imbis na mag-isip pa siya ng mag-isip ay nakinig nalamang siya ng music.

Ilang araw pa ang lumipas unti unti nang gumagaling ang mga pilay at bali ni Corine, unti-unti na din siyang nakakalakad.

Pero habang nag bubunyi siya dahil sa magandang resulta ng kaniyang pamamalagi sa ospital ay nagkaroon siya ng isang hindi pangkaraniwang bisita...

Sa waiting area ng ospital ay nakita niya ang kaniyang tatay na lumuluha. Agad siyang nag taka at kinausap ito...

"Dad?".

"Corine, nakakalakad kana, salamat naman...".

"...bakit ka nandito?, tahimik na buhay ko, sanay nakong wala kayo...", galit na pambungad ni Corine.

"...nandito ako para humingi ng tawad...".

Agad lumayo ng tingin si Corine sakaniyang tatay.

"...alam ko naman na hindi mo ako kaagad mapapatawad sa mga nagawa ko, pinag sisisihan ko na iyon ngayon, ikaw nalang ang natitirang alaala ng mama mo, mula ng mamatay ang mama mo, alam ko sa sarili ko na nag bago ako alam ko sa sarili ko na nakakagawa ako sa'yo ng hindi magagandang bagay...".

lalo pang bumigat ang namumuong luha sa mga mata ng kaniyang tatay...

"...iniwan nako ng stepmother mo, nakita kong may iba siyang lalaki, mula nang mahuli ko sila hindi na siya muli pang nagpakita sakin, wala nang natira sakin, isang gabi, habang mag-isa akong kumakain sa bahay, naaalala ko ang mga nakaraan kasama ang mama mo, nung KASAMA KO PA KAYO...".

Tumatak sa isip ni Corine ang mga salitang iyon...

"Patawarin mo ako Corine sa mga kasalanan ko, bigyan mo ako ng chance para ipakita sa'yo muli na ako ang tatay mo at magampanan ang pagiging tatay ko sa'yo, pakiusap".

Umaagos na ang luha ng kaniyang tatay, naka yuko lamang ito habang si Corine ay nakatingin sa malayo at tila inuunawa pa ang mga salitang binitiwan ng kaniyang tatay.

"Iniwan mo'ko, itinaboy bilang anak, pinalitan mo si mama at pinili ang walang kwentang babae na 'yon kesa sa akin. Tapos nandito ka ngayon para humingi ng tawad?, ginagalang kita, ginagalang kita ng sobra, pero totoo ang sinabi mo na aabutin ng ilang buwan o ilang taon bago kita mapatawad dahil sa mga salitang sinabi mo sa akin...", agad na tumalikod si Corine sakaniyang tatay at naglakad palayo.

Kita sa mga mata ni Corine ang pagkamuhi at pangungulila sa ama, hindi niya alam kung ano ang tamang gagawin sa sitwasyon na iyon...

Dahil unti-unti nang nakakapag lakad si Corine, mag-isa na siyang pumunta sa rooftop..

Habang papunta siya sa elevator ay nakita niya si Jean na nakaupo sa wheelchair sa loob ng elevator room kasama ang nurse na umaalalay sakaniya.

Alam ni Corine na matatagalan pa bago bumalik ang elevator sa floor kung nasaan siya kaya dumaan nalamang siya sa hagdan pataas.

Nang makarating siya sa rooftop ay hinanap niya agad si Jean.

Hindi siya nabigo dahil nakita niya si Jean na nasa kabilang dako ng rooftop at nakikinig ng music at suot suot ang earphones.

Nag lakas na ng loob si Corine na lumapit.

Samantalang si Jean ay nag-iisip din kung paano makakausap si Corine.

Nang nasa likuran na ni Jean si Corine ay bigla naman lumingon si Jean kay Corine, at mukhang pupuntahan niya din dapat ito ngunit naunahan lamang siya ni Corine.

REMIND ME TO FORGETWhere stories live. Discover now