CHAPTER 3

9 0 0
                                    

Ilang oras bago maganap ang nangyari kay Jean...

"Aalis na po ako, hahanapin ko pa ang bago kong classroom", pag papaalam ni Corine sakaniyang tatay habang ito ay nag babasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

Si Corine, isa siyang masiyahing lalaki, ngunit nag bago ito nang namatay ang kaniyang ina sa isang aksidente. Naiwan siya sa puder ng kaniyang tatay na nag asawa muli ilang buwan pagkatapos mamatay ng kaniyang ina.

Ang bagong asawa ng kaniyang tatay ay minamaltrato siya, sa umpisa ay mabait ito sakaniya, ngunit nang lumaon ang araw, nag bago ang ugali nito at pinakita ang tunay na kulay. Sa tuwing papasok sa trabaho ang kaniyang tatay silang dalawa nalamang ng kaniyang stepmother ang natitira sa bahay.

Sinisiraan din nito si Corine sakaniyang tatay, at tuwang tuwa ito sa tuwing kagagalitan si Corine ng kaniyang tatay.

Kaya laging naiisip ni Corine na wala ng pakialam sakaniya ang kaniyang tatay.

Dahil sa mga pangyayaring ito, pinipilit nalamang takasan ni Corine ang kalungkutan niya sa pakikinig ng paborito nilang music ng kaniyang nanay. Sa tuwing nakikinig siya nito ay nakakalimutan niya ang lahat ng sakit at problema niya.

Sa tuwing aalis si Corine ay tila ayaw na niyang bumalik pa sa bahay nila.

Bago lamang sila sa lugar na ito kaya hindi pa masyadong kabisado ni Corine ang mga lugar dito.

Habang nag lalakad si Corine papunta sa eskwelahan, naka kita siya ng kainan, pumasok siya dito at umorder ng kape.

"Miss, coffee lang po sakin", magalang na sabi ni Corine sa counter.

Dinala na sakaniya ang kape, nasarapan si Corine sa inorder niyang kape, kaya naman sinabi niya sa sarili niyang babalik siya dito ulet para uminom ng kape.

Nag patuloy na si Corine sa pag lalakad papunta sa bago niyang eskwelahan habang nakikinig ng music mula sa phone niya.

Nagulat si Corine nang dumating siya sa bago niyang eskwelahan dahil ang daming tao dito at ang dami din estudyante na nag hahanap ng kani-kanilang silid-aralan.

Dahil alam ni Corine na naka enroll siya sa eskwelahan na iyon, nagpatuloy na siya at hinanap ang kaniyang classroom.

Habang nag lalakad si Corine papunta sa annex para maghanap pa ng kaniyang pangalan, ay nakasalubong niya ang grupo nila Jerwin, na kilalang bully at malakas mantrip sa school n iyon.

"Wow, bago ka ba dito, ngayon lang kita nakita dito e", sabi ni Jerwin kay Corine.

"Bat naka suot ka ng earphones??, bawal yan dito sa school", dagdag pa ni Jerwin.

Tiningnan lamang ni Corine ng masama si Jerwin at nagpatuloy na sa pag lalakad.

"Aba't?, lalagpasan mo lang ako?, diba tinatanong kita??", maangas na pagkakabigkas ni Jerwin sa mga salita.

Hinatak ng isa sa mga kasama ni Jerwin ang backpack ni Corine, dahil kung bakit nabitawan ni Corine ang phone niya.

Nahulog ang phone niya sa lapag at nawasak ito dahil sa taas ng pagkakahulog.

Nagulat si Corine sa mga pangyayari dahil bigay ito sakaniya ng nanay niya.

"Owww", nag sigawan ang grupo ni Jerwin na parang nang aasar.

Lumuhod si Corine para pulutin ang cellphone niya.

"Shit".

"Anong sabi mo??, minumura mo ba kami?", sabi ni Jerwin.

"Ayoko ng away, pero sinira niyo ang cellphone ko, bigay pa ito ng mama ko sakin", seryosong sagot ni Corine habang pinupulot ang nasira niyang cellphone.

"mama's GIRL!, ano namang gagawin mo??", pang aasar pa ni Jerwin.

Tumayo si Corine...

"Palibhasa madami kayo, hindi mo naman kayang gawin to mag-isa e, takot ka din, kung tutuusin, wala ka naman talagang binatbat, matapang ka lang kase kasama mo mga alaga mo, siguro lahat ng tao dito na bully mo na, pero ako hindi sakin uubra pambubully mo, meron pa akong mas malalang karanasan bukod sa fake mong pang bubully, hindi kita papatulan kase hindi ako pumapatol sa babae, naaawa ako para sayo kase pinipilit mong mapansin sa lugar na to, wala sigurong pumapansin sayo sa bahay mo...", seryosong sinabi sa mukha ni Jerwin.

Tumahimik ang mga kasama ni Jerwin pati na siya.

"Sana alam niyo kung sino ang sinasamahan niyo, kase wala kayong mapapala sa tao na ito, nakakaawa kayong lahat", dagdag pa ni Corine.

Tumalikod si Corine at naglakad pabalik. Nag madaling nag lakad si Corine dahil baka habulin siya nina Jerwin.

Habang nag mamadali siyang nag lalakad ay may naka bunggo siyang isang babae, napa atras ang babae dahil sa pagkakabunggo nilang dalawa. Pero hindi naman ito pinansin ni Corine at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Natapos ang araw ni Corine sa loob ng CR, kinumpuni niya ang nasirang cellphone sa loob ng CR.

Naglakad muling pauwi si Corine. Dumaan siyang muli sa kainan kung saan siya uminom ng kape kaninang umaga.

Umupo na siya sa isa sa mga table at umorder ng Kape. Nag suot siyang muli ng earphones at nakinig ng music.

Mga ilang oras pa ay may dumating na mag-anak, isang babae kasama ang kaniyang nanay at tatay.

Namukhaan ito ni Corine, siya yung babae na nakabunggo niya kanina sa school, kaya nilayo niya ang tingin niya dito.
Nang sulyapan ni Corine ang babae ay nasaktuhan na naka titig din sakaniya ito kaya agad niyang inalis ang kaniyang tingin sa babae.

Nang nakita ni Corine na hindi na ito naka tingin sakaniya. Tumingin siya sa mga picture nila ng nanay niya sakaniyang cellphone.

Napaluha si Corine na kasalukuyang nakikinig sa mga kanta ng air supply at tumitingin sa mga pictures sa cellphone niyang may basag na ang screen.

Tumayo si Corine habang nag pupunas ng luha. Nag lakad ito palabas ng kainan, hindi niya pinansin ang babae na tila nag tatago sa gilid ng upuan.

Umiiyak na nag lalakad si Corine pauwi.

Biglang pumasok sa isip ni Corine na magpakamatay nalamang para matakasan ang kalungkutan at problema niya.

Huminto siya sa paglalakad at nag hintay ng sasakyang mabilis ang takbo.

Maya maya pa, habang nakikinig ng music nakita niya ang ilaw ng isang sasakyang mabilis ang takbo, dahan dahan siyang pumunta sa gitna ng kalsada at hinarang ang sasakyan.

Sa bilis ng takbo ng sasakyan hindi ito naka preno agad, kaya nasagasaan nito si Corine.

Tumalsik si Corine sa kalsada at nag hintuan ang ibang sasakyan na dumadaan.

Maya maya pa ay dumating na ang ambulansiya para dalhin sa ospital si Corine.

REMIND ME TO FORGETWhere stories live. Discover now