Noong hapon din na iyon...
Hinatid si Jean ng kaniya nurse sa roof top.
Nag simula na si Corine na mag turo.
"Sundan mo lang ang mga paa ko, sa umpisa medyo nakakalito dahil puro cross at step back and forward, matututunan mo din, kaya nga tayo nandito...", pag papaliwanag ni Corine.
Tuwing hapon ay ganito ang kanilang senaryo.
"Okay, that's it for this day...", sabi ni Corine.
"Okay, Corine".
"Ihahatid na ba kita or gusto mo muna mag stay dito saglit?", tanong ni Corine.
Umupo si Jean sa wheelchair niya.
"Maya-maya na siguro, mag papahangin muna ako...", sagot ni Jean.
"Sure ka ba?, mag papalit muna ako ng damit sa kwarto ko, okay lang?", medyo nag aalalang tanong ni Corine habang pumipindot ng floor sa elevator.
"Okay lang, di ka naman mag tatagal diba?".
"Ummm, oo mabilis lang, basta dyan ka lang".
Umalis na si Corine.
Sa oras na umalis si Corine ay umubo si Jean ng malakas at tumulo ang dugo sa kamay na pinang takip niya sakaniyang bibig.
Tinitigan ito ni Jean ng matagal at tila hirap pa siyang tanggapin ang nangyayari sakaniya.
Nawala ang kaniyang tingin sa kaniyang kamay nang tumulo ang dugo mula sakaniyang ilong, pumatak ito sa suot niyang puting damit.
Biglang nag bago ang kulay ng labi ni Jean, naging maputla ito at nanghina ang kaniyang buong katawan, dahilan nang kaniyang pagbagsak sa lapag.
Walang kaalam-alam si Corine sa nangyayari kay Jean.
Pagkatapos mag palit ng damit ni Corine ay lumabas na siya agad, napansin niyang may lalaking nakatayo malapit sa kwarto niya.
"Corine".
Hindi ito pinansin ni Corine...
"Corine".
Sa pangalawang pag tawag sakaniya ay naalala niya ang tunog at tono ng boses ng lalaki.
"Umalis kana...", sabi ni Corine sa lalaki.
"Hindi ako nandito para manggulo, gusto lang kita kumustahin".
"Ayos lang ako dito, gumagaling na ang hita at mga paa ko, wala ka nang dapat pang ipag-alala".
"Ganon ba?, ano ang pwede ko maitulong?", tanong ng tatay ni Corine.
"Mas makakatulong ka kung aalis kana", pabalang na sagot ni Corine.
Hindi na muli pang sumagot ang tatay ni Corine, naramdaman nalamang niya na malayo na ang tunog ng mga hakbang nito.
Ubo ng ubo si Jean habang nasa lapag ito, tila ba namimilipit sa sakit.
Umiikot ang paningin, at ilang segundo pa ang lumipas nang sambitin niya ang pangalan ni Corine.
"Corine...", nanghihinang sinabi ni Jean, tinatawag niya ito at nag babakasakali na darating si Corine.
.....
Nagising nalamang si Jean sakaniyang kwarto...
"Jean, anak?, gising kana...", pag-aalala ni Jerome.
"Jean, ano ba ang nangyari sa'yo?", dugtong ni Mary na nag-aalala din.
"Sino po ang nag dala sakin dito?", tanong ni Jean.
"Pinahanap ka namin sa nurse, kase overtime kana sa rooftop...", paliwanag ni Jerome.
"Ganon po ba?, si Corine po?, nakita niyo po ba siyang bumalik sa taas?".
"Hindi namin napansin...", sagot ni Jerome.
"Dad, kala ko po ba malapit nakong gumaling?...".
Natahimik ang mag-asawa sa sandaling sinabi iyon ni Jean.
"Dad!", sigaw ni Jean.
"Magiging maayos ka Jean!, hindi namin alam kung kelan, walang eksaktong araw at panahon, pero GAGALING ka!...", pasigaw na sagot ni Jerome, para bang hindi na niya kayang itago ang katotohanan kay Jean.
Yumuko nalamang si Jean at huminga ng malalim...
Sa labas ng kwarto ni Jean nakatayo si Corine.
Lumabas ng kwarto si Jerome at kinausap si Corine.
"Salamat Corine sa pag buhat sa anak ko papunta sa kwarto niya, buti nalang at nakita mo siya kaagad, hindi namin alam ang gagawin kung may mangyayari pa sakaniya ulet", pasasalamat ni Jerome.
"Pasensya na po Sir. Jerome, kasalanan ko po talaga kung bakit nangyari yon...".
"Ha? pano?".
"Iniwan ko po kase siya, mag papalit sana ako ng damit kase basa na po iyon ng pawis, dapat po ihahatid ko na siya sa kwarto niya, kaso gusto niya pang mag pahangin, nang nakapag palit na po ako, nakita ko yung tatay ko, kinausap niya po ako... kung hindi po dahil don, sana hindi nangyari to", galit na sinabi ni Corine, sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa nangyari.
"Walang may gusto ng nangyari, ang mabuti ay naihatid mo kaagad si Jean dito".
Naka yuko lamang si Corine dahil sa galit sa sarili.
"Sige na, papasok na ulit ako, bumalik kana sa kwarto mo",
"Sige po, magandang gabi Sir. Jerome".
Bumalik na si Corine sakanjyang kwarto.
Kinaumagahan, kumakain mag-isa si Corine ng almusal sa rooftop.
Umaasa na pupunta si Jean, pinag bili pa niya ito ng kape, tulad ng lagi niyang ginagawa.
Ngunit walang Jean na nag pakita noong umagang iyon.
Dahil hindi dumating si Jean, nakinig nalamang siya ng music sa phone niya...
Nag hintay pa ng kaunting oras si Corine, nag babakasakaling darating pa si Jean.
"Hindi na yata siya darating para sa almusal", malungkot na sinabi ni Corine sa sarili niya.
Bumaba si Corine sa kwarto niya oara uminom ng mga gamot. Kinahapunan, bumalik si Corine sa rooftop, para turuan si Jean ng sayaw.
Nang makarating sa rooftop, agad siyang umupo sa area kung saan lagi silang magka-usap ni Jean.
Ilang oras ang lumipas wala parin Jean na nag pakita...
"Wala parin siya?, pano ko siya matuturuan?", sabi ni Corine sakaniyang sarili.
Unti-unti nang gumagabi, ngunit wala parin si Jean.
Napag desisyunan ni Corine na bumaba na lamang sa kwarto niya.
"Ano kayang nangyari?", bulong niya sa sarili niya habang naka higa sa kama.
Oras ang lumipas, nang antukin si Corine, hinubad na niya ang mga earphones nang may biglang kumatok sa pintuan niya...
"Corine?".
"Sir. Jerome, pasok po kayo".
"Corine, si Jean...".
"May problema po ba??", biglang bumilis at bumigat ang tibok nga puso ni Corine...
YOU ARE READING
REMIND ME TO FORGET
Teen FictionGaano katagal at hanggang saan ang kaya mo'ng gawin para mabuhay?, pano mo papahalagahan ang buhay mo?, paano mo gagawin ang mga gusto mo?, minsan ba ay naisip mo kung bakit ka nabuhay?, minsan ba ay tinanong mo ng sarili mo kung ano ang halaga mo s...