CHAPTER 9

2 0 0
                                    

Ilang oras ang lumipas bago lumabas ng kwarto sina Ysa at Rouwyn.

Samantalang si Corine ay patuloy parin sa pag-iisip.

May kumatok sa pinto.

"Corine?", tawag ni Jerome mula sa labas ng kwarto.

"Sir Jerome!...pasok po kayo".

"Pero naka lock pinto mo".

"Ay, sorry po...", sabay bukas sa pintuan ng kwarto niya.

"Magandang gabi Corine, kumusta ang hita at paa mo?", tanong ni Jerome.

"Medyo maayos na po, nakakalakad na po ako ng maayos ulet, siguro pwede na po akong ma-discharge or makalabas sa mga susunod na araw...".

"Ma-discharge... siguro nga...".

"Nakakahiya na po kase".

Naging seryoso ang mukha ni Jerome.

"Nakakahiya?", biglang lumaki ang boses ni Jerome.

Napalunok nalamang si Corine sa takot.

"Nakakahiya talaga, dahil hinatid mo ang anak sa kwarto, kinaibigan, at naging magkakilala pa kayo!...".

"Sorry po".

"Dahil dyan, hindi ka madidischarge...", sabi ni Jerome.

"Ha?".

"Pag nakalabas ka ng ospital saan ka titira?, saan ka kukuha ng pera?, pano ka mabubuhay??", tanong ni Jerome.

"Pano po yan, paparusahan niyo po ba ako ng social service dito sa ospital dahil sa ginawa ko?", takot na sabi ni Corine habang iniisip ang pag lilinis ng banyo at pag lilinis ng pinag higaan ng patay sa morge.

"Hindi", biglang naging malungkot ang mukha ni Jerome.

"Gusto ko lang naman pasayahin mo ang anak ko...".

"Pasayahin?, bakit po?".

"Ang brain tumor niya ay naging grade 2 brain cancer na, mabilis ang pagkalat ng cancer cells sa utak niya, hindi namin sinabi ang tunay na resulta ng test sakaniya, sinabi namin na meron parin siyang brain tumor at malapit na itong gumaling...".

"Ha??, bakit hindi niyo po sinabi ang totoo??".

"...hindi namin alam ang gagawin, ayaw namin na mawalan siya ng pag-asa, kanina nang makasalubong namin kayo, nakita ko ang ngiti niya, yung ngiti na hindi ko nakikita sa tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya...".

Umupo si Jerome sa kama ni Corine...

"Binigyan na nang taning ang buhay ni Jean, sabi ng doctor, meron nalamang siyang 3 hanggang 6 na buwan depende sa kalalabasan ng mga therapy niya, gusto ko na maging masaya parin siya kahit na ganito ang kalagayan niya, iparamdam mo sakaniya na wala siyang sakit".

Napatingin nalamang si Corine kay Jerome.

"Kailangan pa mag run ng test para sa operasyon niya, aabutin iyon ng 3 linggo, hindi siya pwedeng operahan ng walang kasiguraduhan kundi maari niya itong ikamatay, kailangan naten mag hintay sa mga result ng test at therapy niya", malungkot na sabi ni Jerome.

"Kapag natanggal ang tumor sa utak niya maaaring gumaling siya?", tanong ni Corine.

"Oo", sagot ni Jerome.

"Ano po ang gusto niyong gawin ko?", tanong ni Corine.

"Gusto ko lagi kang nasa tabi ng anak ko, alam kong mapagkakatiwalaan kita, Corine, pasayahin mo ang anak ko sa mga natitirang araw niya", sabi ni Jerome sabay hawak sa balikat ni Corine.

REMIND ME TO FORGETWhere stories live. Discover now