Gaano katagal at hanggang saan ang kaya mo'ng gawin para mabuhay?, pano mo papahalagahan ang buhay mo?, paano mo gagawin ang mga gusto mo?, minsan ba ay naisip mo kung bakit ka nabuhay?, minsan ba ay tinanong mo ng sarili mo kung ano ang halaga mo sa mundo?.
Paano mo haharapin ang katotohanan na darating ang oras, araw, at panahon na kailangan mo ng mag paalam sa mga bagay na nakasanayan mo?.
Maraming tanong, pero, ang pinakamalaking tanong ngayon ay... kung sino ang gusto mong kasama at makasama sa paggawa ng mga bagay na ito?
Simulan natin ang kwentong ito sa isang dalaga na ang pangalan ay Jean, simple, sakto lang ang height, matalino, laging may medal sa tuwing nag tatapos ang taon sa eskwelahan, proud at mahal siya ng kaniyang mga magulang.
Sa pagbubukas ng taon sa eskwelahan ay nasa ika-12 baitang na siya sa Senior High school.
Dahil mag bubukas pa lamang ang taon, marami ang mga estudyante na nag hahanap parin ng kani-kanilang sections ang iba ay mga bagong mukha palamang sa paningin ni Jean.
Pagpasok na pagpasok palamang ni Jean sa gate ay sinalubong na siya kaagad ng kaniyang mga kaibigan na sina, Ysa at Rouwyn. Silang dalawa ang matalik na kaibigan ni Jean.
"Wow!, Jean, ang ganda ng bago mong gupit ah", bati ni Rouwyn.
"Haha, oo nga no, bumata ka dahil sa bago mong hairstyle", dagdag ni Ysa.
"Ang init kase kaya nagpabawas ako ng buhok", sagot naman ni Jean.
"Sa bagay", sabay na sinabi ng dalawa niyang kaibigan.
"Tara hanapin na naten yung bago natin na room, balita ko nasa 3rd floor yung room naten kase grade 11 ang nasa 1st at 2nd floor ng bagong building naten", sabi ni Jean.
Dahil madami ang mga estudyante sa paligid, siksikan ang hallway papunta sa annex ng kanilang school.
Habang nag-uusap sina Jean ng kung ano ano, may naka bunggo silang isang lalaki, halos mapaatras si Jean sa lakas ng pagkaka bunggo.
"Ouch", sabi ni Jean sa sandali na nabunggo siya ng lalaki.
Sumulyap lamang ang lalaki sakanila at nagpatuloy na sa pag lalakad.
"Ay, hindi manlang nag sorry?", sabi ni Rouwyn.
"Ayos, ka lang ba Jean?", tanong naman ni Ysa.
"Oo, ayos lang ako Ysa, salamat, hayaan niyo na yon, may mga tao talagang walang pakielam sa kapwa nila", mahinahon na sinabi ni Jean, kahit na medyo nasaktan talaga siya.
Pagdating nila sa annex ng school nila ay nakita kaagad nila ang bagong gawang building para sa baitang nila. Meron itong tatlong palapag. Sa pag akyat nila sa ika-3 palapag ay nakita nila ang unang room kung saan ang pangalan nila ay nasa listahan na naka paskil sa may pinto ng silid-aralan.
Pumasok sila ng silid, sa loob ay nakita nila dati nilang mga kaklase.
Si Jean ay gusto lamang ng tahimik na paligid pag nag-aaral siya o kaya sa tuwing nag kaklase. Kaya naman pinili niya ang upuan sa bandang likuran, samantalant sina Ysa at Rouwyn ay pumwesto sa bandang harapan.
"Hay nako po, si Jean talaga, gustong laging nasa likuran", sabi ni Rouwyn kay Ysa.
"Hayaan na natin siya Rouwyn, yan ang gusto niya, irespeto nalang naten", sagot ni Ysa kay Rouwyn.
"Nirerespeto ko naman yon, gusto ko lang mag kakatabi tayo, syempre namimiss ko kayo agad", baling ni Rouwyn.
"Oo na, pero hindi naten mababago ang gusto ni Jean, atsaka tatalikod ka lang naman makikita mo na si Jean, kaya walang dahilan para mamiss mo kami", sagot ni Ysa.
Pag dating ng 7:00 ng umaga ay dumating na ang kanilang adviser, at nag tuloy tuloy na ang unang araw ni Jean sa eskwelahan. Tuwing break time ay sabay sabay parin kumakain sina Jean at ang kaniyang mga kaibigan.
Natapos ang araw na ang tanging ginawa nila ay magpakilala sa klase, bawat guro na pumapasok sa silid ay gustong magpakilala sila sa klase.
Pagkatapos ng klase ay umuwi na sila agad ng kaniyang mga kaibigan. Sina Rouwyn at Ysa ay magkalapit ang bahay, samantalang iba naman ang daan ni Jean, kaya sa pag uwi ay lagi siyang mag-isa.
Ang bahay ni Jean ay medyo malapit lamang sa eskwelahan, kaya hindi na niya kailangan pang sumakay ng jeep o ng kahit ano pang sasakyan, depende nalamang kung umuulan.
Mahilig si Jean na mag soundtrip habang nag lalakad, actually, mahilig si Jean sa music, at marunong siya tumugtog ng gitara.
Para sakaniya ang pakikinig sa music ay nakakatanggal ng pagod at nakakatanggal ng problema. Bukod sa katahimikan, ang pakikinig ng music ang kaniyang kasama sa tuwing wala ang kaniyang mga kaibigan.
Nakarating na si Jean sa kanilang bahay, sina Jean ay may kaya, mayroon silang kotse, may malaking bahay at malaking bakuran. Sa tuwing papasok siya sa bahay ay sinasalubong siya ng kaniyang aso.
"Oh, Jean, sakto ang dating mo, nag luluto ako meryenda natin", masayang sabi ng nanay niya.
Bigla naman nag salita ang tatay niya naka upo sa upuan sa sala at nag babasa ng isang magazine.
"Kumusta ang araw mo, Jean?", seryosong tanong ng kaniyang tatay.
"Okay lang naman po dad, wala po kayong pasok?", sagot niya na sinundan ng tanong.
"Buti naman, wala akong pasok ngayon, napost poned ang meeting namin sa office e", sagot naman ng tatay niya.
"Ahhh, mag papalit lang po ako sa kwarto ko".
Umakyat si Jean sa kwarto niya habang naka buntot ang aso niya.
"Jean!, bumaba ka kaagad ah!", pahabol na sigaw ng nanay ni Jean.
Pagka akyat ni Jean ay...
"Pa, napansin mo ba yung napansin ko?", tanong ng nanay ni Jean sa tatay niya habang nasa kusina ito.
"Hindi siya magkakaroon ng ganon, Mary, diba sabi ng doctor malayong magkaroon siya non, wag ka mag alala, mag tiwala lang tayo sa sinabi ng doctor", biglang nag bago ang tono ng boses nito.
"Hmmm, okay sige, pasensya na, nag aalala lang ako, ayoko ng mawalan pa ng isang anak", nalungkot itong bigla nang sabihin niya ito.
Bumaba na si Jean. Biglang nag bago ang mukha ng dalawa mula sa pagiging seryoso naging masaya ito.
"Okay, kain na, Jerome at Jean, masarap itong niluto kong suman", masayang aya ni Mary sa dalawa.
"Oo nga po ma, parang masarap yan".
Tumayo si Jerome sa upuan niya at tinabi ang magazine na kaniyang binabasa para pumunta sa lamesa para saluhan sina Jean at Mary.
YOU ARE READING
REMIND ME TO FORGET
Fiksi RemajaGaano katagal at hanggang saan ang kaya mo'ng gawin para mabuhay?, pano mo papahalagahan ang buhay mo?, paano mo gagawin ang mga gusto mo?, minsan ba ay naisip mo kung bakit ka nabuhay?, minsan ba ay tinanong mo ng sarili mo kung ano ang halaga mo s...