Segundo ang binilang bago maalis ang tingin nila sa isa't-isa.
Tila nailang sila sa isa't-isa, ngunit malakas ang loob ni Corine at Jean, kaya kinausap nila ang isa't-isa..."Hi!..."
Sabay nila itong binanggit na may pagka-ilang..
Napalunok si Corine samantalang si Jean naman ay nag ayos ng buhok sa may tenga niya, tila ba ay isang senyales ng pagkailang.
Nagpakilala si Corine...
"Ako nga pala si Corine...", nahihiyang pagpapakilala ni Corine, at lumunok nanaman.
"Ako si Jean...".
"Lagi kitang nakikita dito, pero dumalang nitong mga nakaraang araw..."
"Nag undergo ako sa therapy..."
"Kumusta naman ang result?", tanong ni Corine.
"Teka?, bakit mo ba tinatanong?, close ba tayo?".
"Ay, sorry, kala ko kase, kapag ang dalawang tao nagka kilala at nag bigayan na ng pangalan, mag kaibigan na sila..."
"Di pa nga kita kilala ng lubos, bakit naman ako mag sasabi sayo ng mga bagay na hindi dapat malaman ng iba?", sagot naman ni Jean.
"Pasensya kana..."
"By the way, nakita kita dati na kikinig ng music dito... bakit ngayon hindi?", tanong ni Jean.
"Nasa kwarto ko kase yung phone ko, actually sira na yon... bakit mo naitanong?".
"Mahilig din kase ako makinig ng music".
"Halata nga, kase naka suot ka ng earphones, atsaka nakita din kita nakikinig ng music nung nakaraan.. ano ba pinakikinggan mong mga music?", sabi ni Corine.
"Hmmm, mahilig ako sa mga pop music, EDMs, at marami pa basta yung magandang pakinggan sa tenga at syempre yung may kwenta yung lyrics", sagot ni Jean.
Umupo si Corine sa lapag.
"Mahilig ako sa kahit anong music dati, pero nang mamatay ang nanay ko... ang playlist nalang lagi niya ang pinapakinggan ko, di ako nag sasawa, kase yun lang yung alam kong paraan para maalala ko siya sa tuwing malungkot ako at sa tuwing walang pakialam sakin ang tatay ko, dahil hanggang ngayon hindi ko parin tanggap na wala na ang nanay ko...", malungkot na sabi ni Corine, habang nakatingin sa malayo.
"Magandang remedy ang pakikinig ng music para sa mga taong malulungkot, pero diba dapat ang music na papakinggan mo ay yung music na makakatulong sayo para maka move or para magpasaya sayo?", sabi ni Jean na naka tingin kay Corine.
Napansin din ni Jean na medyo lumuluha si Corine.
"...mag let go kana sa mama mo, wag mong itanim sa isip mo na wala na siya, itanim mo sa puso mo ang mga alaalang iniwan niya, makinig ka ulit ng ibang music, hangga't pinapakinggan mo ang playlist ng mama mo lalo ka lang malulugmok sa kalungkutan lagi mo lang maaalala na wala na siya... learn to let go, Corine", dagdag pa ni Jean.
Nag punas ng luha si Corine at tumayo.
"Tama ka nga, salamat at pinaliwanag mo sakin ang reyalidad, laging nasa puso ko si mama, mula ngayon, makikinig nako ulet ng ibang music...", masiglang tugon ni Corine pagkatapos mag punas ng luha.
Ngumiti naman si Jean
"Salamat, Jean, bilang kabayaran, ihahatid kita sa kwarto mo mamaya".☺️
Hinatid na nga ni Corine si Jean sa kwarto niya.
Nang malapit na sila sa kwarto ni Jean ay nakasalubong naman niya si Jerome at Mary na papasok sa kwarto ni Jean.
Nang makita ni Jerome si Corine ay tila may pangamba itong nadama na napansin naman ni Corine dahil sa sinasabi ng mukha nito.
Nang napansin ito ni Corine agad niyang binitawan ang wheel chair ni Jean.
"Salamat Corine, kaya ko na mula dito", masayang sabi ni Jean.
"Bukas nalang ulet Jean".
Pumasok na si Jean sa kwarto niya...
Sumunod na pumasok sina Jerome at Mary habang si Corine ay nakatayo parin sa corridor...Umalis na din si Corine para pumunta sa kwarto niya, gulong gulo si Corine dahil sa nakita niyang mukha ni Jerome nang nagkita sila kanina na tila ba may ibig sabihin.
Naka yuko si Corine habang nag lalakad papunta sa kwarto niya kaya naman may nabunggo siyang isang babae.
"Ay, sorry po...", tiningnan ni Corine ang mukha ng babae.
Nakabunggo niya ang kaibigan ni Jean, si Ysa kasama pa ang isa niyang kaibigan na si Rouwyn.
Tuloy tuloy lamang ang dalawang babae sa paglakad.
Papunta ito sa kwarto ni Jean.
Habang si Corine naman ay nag patuloy na din sa pag lalakad papunta sa kwarto niya.
Sa kwarto ni Jean...
"Nakilala mo na pala si Corine?...", tanong ni Jerome kay Jean.
"Opo dad, pano niyo po siya nakilala??".
"Siya yung tinulungan kong bata mula sa aksidente, wala na kaseng pakialam sakaniya yung tatay niya, atsaka wala na din siyang nanay", sagot naman ni Jerome.
"Ang bait niya po, parehas kaming mahilig sa music...", naka ngiting sabi ni Jean.
"Mukhang magkakaroon ka pa ng kaibigan ah", tugon naman ni Jerome.
May kumatok sa pinto...
Binuksan ni Mary ang pinto, sina Ysa at Rouwyn ito."Oh, may bisita ka Jean".
"Ysa?, Rouwyn?, miss ko na kayo.."
Niyakap agad si Jean ng kaniyang mga kaibigan.
"Magandang hapon po tito at tita, eto po may pasalubong kami kay Jean, ang paborito niyang japanese cake", masayang sabi ni Ysa.
"Kumusta ka naman dito Jean?", tanong ni Rouwyn.
"Hehe, ayos lang...", sagot ni Jean.
Nagkamustahan ang magkakaibigan..
Hanggang sa...
YOU ARE READING
REMIND ME TO FORGET
Teen FictionGaano katagal at hanggang saan ang kaya mo'ng gawin para mabuhay?, pano mo papahalagahan ang buhay mo?, paano mo gagawin ang mga gusto mo?, minsan ba ay naisip mo kung bakit ka nabuhay?, minsan ba ay tinanong mo ng sarili mo kung ano ang halaga mo s...