Nang dumating ang ambulansya na nag hatid kay Corine sa ospital, ay kasabay nila ang sasakyan nila Jean na nag mamadali.
Naunang ipinasok sa ospital si Corine at kaagad dinala sa ICU para matingnan ng doktor.
Samantala, kasunod ni Corine ang stretcher ni Jean.
Dinala din ito sa ICU ng ospital, magkatabi ang kama ng dalawa, kurtina lamang ang nag hahati sa distansiya ng dalawa.
Sa paningin ni Corine ay natatanaw niya si Jean na malalim at halos hirap sa pag hinga.
Makalipas ang ilang oras...
Nagising si Corine at...
"Sir, may guardian po ba kayo?", tanong ng isang nurse.
"Ummm, ano po nangyare sakin?", tanong ni Corine na hindi makagalaw.
"Sir, mas mabuti po kung hindi po muna kayo gagalaw, kase halos ang buong katawan niyo po ay may pilay at bali", paliwanag ng nurse.
"Ughh, miss, wala po akong guardian, ako lang po mag-isa", sagot ni Corine sa tanong ng nurse kanina.
Napatingin si Corine sa kurtina sa kanang bahagi ng kama niya, napaisip siya kung ano ang nangyari sa babaeng nakita niya sa fast food chain.
"Ganon po ba?, babalikan ko nalang po kayo maya-maya para sa diagnosis", pag papaalam ng nurse.
"Wait lang nurse, ano po nangyari sa...", napahinto si Corine ng biglang may humawi sa kurtina sa tabi niya.
"Nurse, paki tawag naman po si dok", pakiusap ni Jerome sa nurse.
Napatingin si Jerome kay Corine.
"Sir, ano po yung tanong niyo?", tanong ng nurse kay Corine.
"Wala po, wag niyo nalang po ako intindihin", sagot naman ni Corine.
Umalis na ang nurse sa ICU.
Tumingin tingin si Corine sa paligid, napansin niya na halos silang dalawa lamang ni Jean ang pasyente sa ICU.
Dahil binuksan ni Jerome ang kurtina na nag hahati sa dalawang kama, nasilip ni Corine na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Jean.
Nang mapansin ni Jerome na naka tingin si Corine kay Jean ay agad nitong sinara muli ang kurtina.
Dahil hindi makagalaw si Corine, ang tanging nagawa niya lang ay matulog muli.
Nagising si Corine dahil sa ingay ng pag-uusap nila Jerome at ng doktor.
"Sir, meron pong malignant brain tumor ang anak niyo, ang malignant brain tumor po ay cancerous...", pag papaliwanag ng doktor.
"Hindi po kakayanin ng asawa ko na marinig ang mga yan..", naluluha na si Jerome ng sabihin iyon ng doktor.
"Sir, mag tiwala lang po tayo, ang brain tumor po ay cureable, but it takes time, kailangan po naten mag hintay, mag ra-run po kami ng mga diagnostics at therapy, gagawin po namin ang lahat para mapagaling siya".
"...pakiusap, pagalingin niyo siya, hindi namin kayang mawala ang anak namin", tumutulo na ang luha ni Jerome ng sabihin niya iyon sa doktor.
"Gagawin po namin ang lahat, sa ngayon po kailangan niya ng mahabang pahinga, mga ilang oras lang po ay magigising na siya, pagka gising niya ay kailangan niyang mailipat sa private room niya", sambit ng doktor sa umiiyak nang si Jerome.
Lumisan na ang doktor ng silid.
Maya-maya pa ay dumating si Mary, may dalang pagkain at mga damit para kay Jean at sakanilang mag asawa.
"Dad, pumunta dito si dok, anong sabi niya?, I hope ordinaryong hilo lang yung naranasan ni Jean dahil sa biyahe", may positibong tono si Mary nang sabihin niya iyon kay Jerome.
"Ma.., si Jean...".
Hindi pa tapos mag salita si Jerome ay tila alam na ni Mary ang sasabihin nito.
"...sabi ni dok, may malignant brain tumor si Jean which is cancerous...", sa sandaling sabihin ito ni Jerome ay kaagad siyang niyakap ni Mary at umagos ang luha mula sa mata.
"Saan ba tayo nag kulang?, hindi ko kayang mawala si Jean sa atin, akala ko hindi na mamana ang brain tumor?, bakit siya nagkaroon?", umiiyak na tanong ni Mary habang nakayakap kay Jerome.
"Ma, hindi pa oras para umiyak, ang brain tumor ay cureable, kailangan lang naten mag tiwala kay Jean, kaya yan ni Jean, malakas siya, hindi siya mag papatalo sa sakit na yan!", positibong sagot ni Jerome habang pinapagaan ang kalooban ni Mary.
Narinig lahat ni Corine ang pinag usapan ng mag-asawa pati na ng doktor.
Ilang oras pa ay dumating na ang mga assistant nurses para buhati at dalhin si Jean sa private room niya.
Natira nalamang si Corine sa loob ng ICU...
Hindi rin nag tagal, may dumating na nurse para ilagay si Corine sa wheelchair.
"Sir, sainyo po ang mga gamit na ito", sabi ng nurse.
Binigay ng nurse ang bag ni Corine...
Nang makaupo na si Corine sa wheelchair agad niyang binuksan ang bag niya para hanapin ang cellphone na bigay ng nanay niya.
Ngunit hindi niya ito makita...
"Ummm, mr. nurse, may nakita po ba kayong cellphone??, kulay black?, Iphone??", tanong niya sa nurse.
"Sir. meron po, kaso, mukhang sira na kase basag basag na yung screen", sagot ng nurse habang tinutulak na palabas ng kwarto ang wheelchair ni Corine.
"Di na po ba talaga gumagana?", tanong pa muli ni Corine.
"Kukunin ko nalang po sa office, dadalhin ko po sainyo mamaya", sagot ng nurse.
"Sige po, salamat, teka lang po, saan po tayo pupunta?", tanong ni Corine sa nurse.
"Sir. may nag hahanap po sainyo, nasa waiting area po sila ngayon".
Nang makarating sina Corine sa lobby ng ospital agad niyang nakita ang mukha ng tatay niya at stepmother niya sa waiting area.
Nang makita niya ang dalawa, agad niyang inalis ang tingin niya dito.
"Sir, maiwan ko po muna kayo", sinabi ng nurse ng makalapit na kami sakanila.
"Ano nanaman ang ginawa mo?, puro ka kalokohan, hindi mo ba iniisip na nag aalala ang mommy mo?", galit na sabi ng tatay ni Corine.
Nang sabihin iyon ng tatay niya, agad na tumingin si Corine sa stepmother niya na naka tingin din sakaniya na para bang natutuwa pa ito dahil kinagagalitan nanaman si Corine.
"Ano Corine?!!, hindi ka ba nag iisip?!!, BUNTIS ang mommy mo?!!, gusto mo ba malaglag ang anak namin kakaisip sa mga kalokohan na ginagawa mo?!", sambit ng tatay ni Corine na tumaas ang boses dahil sa galit.
Naka yuko lamang si Corine nang...
"Sir".
Bigla nalamang dumating si Jerome na tatay ni Jean at kinalabit ang tatay ni Corine.
YOU ARE READING
REMIND ME TO FORGET
Teen FictionGaano katagal at hanggang saan ang kaya mo'ng gawin para mabuhay?, pano mo papahalagahan ang buhay mo?, paano mo gagawin ang mga gusto mo?, minsan ba ay naisip mo kung bakit ka nabuhay?, minsan ba ay tinanong mo ng sarili mo kung ano ang halaga mo s...