Dead Start

22 0 0
                                    

DANAE

"Anong pangalan mo?"

"Danae,"

"Edad?"

"17,"

"Nag-aaral ka ba?"

"Oo,"

"Pangalan ng mga magulang mo?"

"Wala akong magulang."

"A-anak ng... ako iha kanina pa ako nagtitimpi sayo ah! Ilang ulit ko ng inulit-ulit ang mga tanong ko sayo! Iisa lang naman ang sagot mo! Pero pagdating sa magulang mo wala kang sagot! Ayusin mo, bago pa ako mapikon sayo!"

Bumuntong hininga ako. Ilang oras na ba ako dito sa prisinto? Ah, apat. Tinignan ko ng walang reaksyon ang napipikong pulis sa harapan ko.

"Titignan mo na lang ba ako ha? Sumagot ka! Sino... ang... mga... magulang... mo. Sino ang mga magulang mo!" sigaw ulit niya.

"Wala nga akong magulang."

Nginitian niya ako pero yung ngiting nanggigigil.

"O-oh sige, ganito na lang ha? Saan ka nakatira?" isa.

"Sa bahay," humikab ako. Hayy inaantok na'ko.

"Saan ang bahay nyo?" dalawa.

"Sa tabi ng kapit-bahay."

"Saan ang bahay ng kapit-bahay nyo?" tatlo.

"Sa tabi ng bahay ko."

Blaaag!

Hinampas niya ng malakas ang mesa nitong bulok na lugar na'to sa sobrang gigil niya.

"Kanina pa ako pikon na pikon sayong bata ka! Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa tong walang galang! Sa tingin mo ba makakalabas ka pa ng kulungang ito kung hindi ka magsasalita ng maayos ha?! Gusto mo bang mabulok ka dito sa kulungan ha, bata? Sabihin mo lang! Mukhang estudyante ka pa lang naman. Gusto mo ba ha?! Gusto mo?!" pinaghalong galit at gigil na sigaw ng pulis na dumagundong sa apat na bulok na sulok nitong bulok na lugar na ito. Kaya naman napatingin sa amin ang lahat ng tao dito sa loob.

"Hindi,"

"Ahhhhhhh! PO1 Ragooooos! Ipasok mo sa selda itong batang to! Dalian mo! Wag mong palalabasin hanggat walang lumalabas na maayos sa bibig ng lintik na yan!" tawag at kausap nya sa isa pang pulis na sa tingin ko ay mga nasa 20 plus palang.

"O-opo boss," tinignan niya ako. "Halika na M-miss Danae."

Walang sabing sumunod ako sa kanya. Hindi na niya ako kailangan pang hawakan dahil ako mismo susunod. Tss. Nasa likod niya ako at nasa harap ko naman siya. Nang makarating na kami sa bulok na selda, hinarap niya ako.

"A-ah... ano ba k-kasing kaso mo Miss?" tanong nya.

"Nakipaglaro..." kibit balikat na sagot ko.

"Ha?! Hala wala ka naman pa lang kasalanan eh. Naku, halika sabihin natin kay boss na nakipaglaro ka lang," hihilahin nya sana ako pabalik pero mabilis akong nagsalita.

Nginisihan ko siya sabay sabing, "... ng suntukan."

Nakita kong napalunok siya kaya ako na mismo ang pumasok sa bulok na selda. Umupo ako sa may gilid at muling tinignan ang batang pulis. Para siyang tangang nakatulala. Psh, isip bata.

"A-ah M-miss Danae una na ako ha? M-may gagawin pa pala ako hehe," palunok lunok na sambit nya.

Tumango ako sa kanya. Isinandal ko ang likod ko sa pader nitong bulok na selda. Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog. Inaantok na talaga ako.

Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon