DANAEDumating ang ikalawa at ikatlong subject ng walang kahirap-hirap. Both went well. Akala ko, magiging payapa pa ang mga susunod na asignatura, akala ko lang pala.
"Kunin ang inyong mga aklat." sabi ng guro para sa Filipino.
Lahat ay nagsimula nang kunin ang kani-kanilang mga libro, maliban sa akin.
"Bb. Evangeline, nasaan ang iyong libro?" too makata.
"Hindi ko dala." sagot ko.
"Ah hindi mo dala. Ano sa tingin mo ngayon ang gagawin mo sa klase ko ha, tutunga?"
Hindi ako sumagot at yumuko. Ayokong makita ang mukha niya.
Nababanas ako.
Minutes later, he was already discussing his never ending pagkamakata. I don't understand anything this teacher teaches. Pangatlong araw pa lang pasukan ngayon pero masyado na niyang kinacareer ang pagiging teacher. Nung first day, wala man lang introduce yourselves portion, unlike sa ibang subs. I liked it though. Pero ang mahirap kasi, he proceeded with the lesson, agad- agad.
It was the first day of school for whoever's sake.
I remained my head down, silently sleeping. I dunno when but I have this ability na kaya kong matulog ng nakamulagat ang mata. And so I used my ability.
"At ang panaguri ay mapupunta sa bahagi ng paksa— sa wari ko'y mayroong hindi nakikinig."
As I have said, hindi ko alam kailan nagsimula. I just found myself having it already. It was one day then back in my grade school life, when I discovered it. I'm just not sure what grade.
"Bb. Evangeline, tinatawag ko ang iyong atensyon."
Basta isang araw, sinabi na lang sa akin ng isang kakilala ko na halos tatlong oras akong nakamulagat lang at walang kibo habang nakahiga. Sa mga naaalala ko sa oras na yon ay natutulog ako. And then I tried it again, it worked.
"Bb. Danae!"
But the thing is that, the other part of my brain works while the other doesn't. I am half aware. I'm aware of what was happening within me but wasn't with my surroundings.
"Luh napano si Greek Mythology! Bakit siya nakamulagat lang?!"
"Para siyang natutulog pero nakamulagat!"
"Danae, Danae!"
"Oh my gad call an ambulance!"
"Danae Evangeline!" kasunod ay ang malakas na paghampas ng isang bagay sa mesa. That seemed to wake me up.
Tinignan ko si Sir na siyang naghampas sa mesa gamit ang stick na ngayon ay putol na. Halata sa mukha niya ang inis, disappointment, at galit. Hinihingal pa siya na para bang lahat ng lakas na meron siya ay naibuhos lahat sa ginawa niyang pagpalo. Lol.
"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?! Nasa loob ka ng klase ko at hindi ka man lang nakikinig! Nakatunganga ka lang riyan na para bang walang gurong tinatawag ang iyong pangalan ng paulit-ulit!"
I ceased my forehead as I asked, "Tinatawag mo'ko?"
Pero parang mas lalo lang siyang natrigger sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Living Dead
Random"Dying may be living for you, Danae, but I love that... I love you." - Emmanuel