EMMANUEL
Two weeks na ang nakalilipas mula nang masangkot si Danae sa gulo namin ni Erica at madala sa masyon ni satanas. Two weeks na rin ang nakalipas mula nang magdinner kami— with Dad and Erica, lol. At higit sa lahat...
Two weeks na mula nang makita yung ngiti (smirk lang pala -_-) niya at ang pagsabi sa akin ng c-word na 'yon!
Dalawang linggo na pero yung epekto no'n andito pa rin! Nabawasan naman kahit papaano. Kapag lang nakikita ko siya, naaalala ko! At ang nakakainis pa, hindi na naulit 'yon!
Tss.
Aish!
Nakakainis! Idagdag pa na nasira ang skateboard ko. Kaya imbes na nagiskate ako, heto at nahiga lang sa puno. Tapos hindi pa bacon yung almusal ko. Badtrip talaga! Sa lagay ko ngayon, konting pitik lang mananapak talaga ako.
"Have you heard the news?"
Napatigil ako sa pag-iisip nang may mapadaan na dalawang babae sa punong hinihigaan ko. Mga tagakabilang section siguro. Nasa taas ako ng puno kaya hindi nila ako makita.
"What news? Yung tungkol ba kay Erica and Emmanuel?"
Huh?
"Yes! God, totoo ba 'yon?"
"Na mag-ex sila? Oo ata. Kumakalat ngayon 'yon eh."
"Oh, kaya pala sabi nung bitch friend ko mula sa sec nila, nung first day daw ni Erica dito, dineclare agad niya sa buong klase na sa kanya daw si El."
"Ah yeah, the day na nagsabunutan sila nung D-danae ba 'yon? Basta yung may pangalang weird."
"Uhuh. Bagay naman sila so it's fine, I mean ang ganda kaya ni Erica. And El, gosh, my ovaries!"
"But girl, that isn't the top story. You say mag-ex, right? Wanna know the reason why they broke up?"
"What?"
"It was a third party!"
"Huh?! Sinong nagloko?"
"It was E—"
Hindi ko na pinatapos pa ang pinag-chichismisan nila dahil wala na, finish na. Ke agaaga 'yan ang naririnig ko? Nakakainit lalo ng ulo.
"E-el..."
I gave them my blank stare.
"Alam niyo bang masamang mangchismis ng tao?"
"N-no, hindi naman k-kami yung n-nagkakalat eh," kinakabahang sambit ng isa sa kanila.
"Kanino niyo galing ang balitang 'yan?"
"D-dun, k-kasi narinig lang n-namin." Nangangatal naman ang isa.
"Sino ang pinagmulan nyan?"
Halos sabay nilang iniiwas ang mga mata nila sa akin. Alam nila. Sigurado akong alam nila kung sino ang pasimuno ng kalokohang 'to.
Walang nagsalita.
Nakakaubos ng pasensya, pre.
"'Pag wala akong narinig na pangalan sa loob ng tatlong segundo, sinisigurado kong pagsisisihan niyo," nagsimula ako. "Isa... dalawa..."
"S-si Danae! Oo, tama! Si Danae, y-yung kaklase mo. Galit siya k-kay Erica kaya p-pinagkakalat niya ngayon 'yon. 'D-di ba?" Siniko niya ang kasama niya kaya napatango ito ng ilang ulit.
Dahil sa kabadtripan, hindi na 'ko nagdalawang isip pa. Agad kong iniwan ang dalawang bubuyog at hinanap si Danae. Inuna ko ang classroom pero wala siya. Kalahating oras pa bago ang klase kaya hindi ko sigurado kung nandito na siya. Pero wala akong pake! Humanda siya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Living Dead
De Todo"Dying may be living for you, Danae, but I love that... I love you." - Emmanuel