LD: 9

8 1 0
                                    

EMMANUEL

"El, are you sure she's gonna be alright?" nagaalalang tanong ni Erica habang pabalik balik ng lakad.

Nandito kami ngayon sa mansyon ni satanas, ang tatay ko. Naging mabilis masyado ang mga pangyayari kanina. Akala ko napatumba na namin lahat lahat pero biglang sumulpot yung isa at pinalo si Danae ng baseball bat. Sa sobrang taranta na namin kanina ni Erica si Manang Rosita ang natawag namin, ang mayordoma dito.

Naiinis ako sa sarili ko. Pangalawang beses na 'to na nakita ako ni Danae na nakikipag-away. Sa totoo lang okay lang naman na makita niya, ang kinaiinis ko ay yung kailangan pa niyang sumali! Kung nanood na lang sana siya gaya nung una edi sana hindi siya nakaratay ngayon! Nakakainis!

I'm not concerned about her.

Really.

I feel guilty, but not concerned. There's a difference.

Tinignan ko nang masama si Erica. Ayoko man siyang sisihin, hindi ko pa rin mapigilan! Kung sanang hindi siya nagpacute sa mga gagong 'yon di sana nangyari to! Aish!

"I-iha, 'wag mong piliting umupo," napatingin ako kay Manang Rosita sunod kay Danae na pinipilit umupo.

Hinilot-hilot niya ang ulo niya pagkatapos ay tumingin sa paligid niya. Nang mapansin niyang hindi pamilyar sa kanya ang lugar, kumunot ang noo niya.

"Nasaan ako?" tanong niya kay Manang na parang kasing edad lang niya ito.

"Ah eh, atsu ka keni sa mansyon ng Raven, iha. Ako pala i Manang Rosita, masalese naba ang pakiramdam mo?"

"Oo, uuwi na 'ko."

Bahagya akong napatalon nang madako sa akin ang tingin niya. Tsk, bat ganyan ka makatingin?! Sarap tusukin ng mataaaaa!

"D-danae," hindi na naituloy ni Erica ang sasabihin niya at napahagulgol na siya.

Tumakbo siya papunta sa kama kung saan nakaupo si Danae. Akmang yayakapin ni Erica si Danae nang umiwas nang mabilis ang huli kaya napasubsob si Erica sa kama. Pfft!

Pinigilan ko ang tawa pero — hahahahahahahaha!

"Aalis na 'ko, Manang Rosenda," pinilit niyang tumayo.

"Naku, iha! Sabi na sayong 'wag mong piliting tumayo! Jusko apu kung Ginu! Rosita, ineng, ing pangalan ku. Ali Rosenda."

Ganito ba talaga 'to? Parang ang hina niya sa pangalan. I wonder kung anong pangalan ko sa babaeng 'to. Siguro naman hindi Evacuate, Emaculate, Eradicate? Tss.

Lumapit ako sa kamang kinauupuan niya at tinayo si Erica mula sa pagkakadapa. Sa pagkapahiya siguro niya ay dirediretso siyang lumabas ng guest room. Tinignan kong muli si Danae.

"Magpahinga ka muna," sabay pasok ng dalawang kamay ko sa bulsa ng cargo short ko para mukhang cool.

Pero tinignan niya lang ako. Humarap siya kay Manang Rosita.

"Anong oras na?"

"Alas sais na ng gabi, iha."

Pinilit niya ulit tumayo, at sa pagkakataong 'to nagtagumpay siya. Dire-diretso itong lumabas ng kuwartong 'to. Sinundan ko siya.

"Danae," tawag ko, pero wala, hindi humarap.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad niya nang diretso pero nakayuko ang kanyang ulo, marahil dahil sumasakit pa rin ito. Nasa likod niya 'ko, sinusundan pa rin siya. Napatigil lang siya nang magsalita si — shit— satanas.

Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon