DANAE
Kakatapos ko lang ayusin lahat ng mga gamit ko. Gaya ng sabi ng Dean sa huli naming pag-uusap, naayos na lahat ng kailangan ko. Ang kulang na lang ay ako.
Wala akong kahit na anong source na pwede kong gamitin para sana at least magkaroon ako ng ideya tungkol sa Raven University. Good thing that yesterday, Dean sent a folder to my house containing the information about RU together with my schedule. Base from the papers, hindi naman ganoon kalayo ang school na yon mula sa apartment ko.
Two days had already passed since the incident at the Dean's Office. Dapat kahapon na ako ulit papasok since back to zero na naman ako. Pero dahil nga wala akong kahit na anong alam tungkol sa eskwelahan at hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko, I decided to just go to school today.
_*_
Nice
Was the first word I thought of when I finally entered the main gate of RU. Bungad pa lang, makikita mo na agad na hindi basta basta ang school na ito. Yesterday, as I read the information about this school, I was wondering,
Why the hell did they transfer me here?
And seeing the Raven University in real flesh right now makes me wonder more. I even learned that I would pay nothing. Seemed like the school already settled it all.
Habang naglalakad papunta sa first subject ko ay nagtitingin-tingin ako sa paligid. Huge buildings, neat surroundings, and most of all, sophisticated students. Some were looking at me probably because I was not wearing uniform. Wala pa 'ko. I came here with my loose but sassy gray t-shirt paired with a kinda ripped jeans and a rubber shoes.
Napansin kong naalis ang tirintas ko kaya tumigil ako saglit at saka inayos ito. I was near to finishing it when,
"Tabi! Tabi! Hoy babaeng abo tumabi k—"
"Ahhhhhh"
The boy and I shouted in chorus as we both fell onto the ground — with him on top of me! Good thing at tumayo siya. Tumayo na rin ako dahil wala akong balak na humiga dito hanggang mamaya.
"Aish, bakit di ka naman kasi tumabi Miss." sabi niya habang nakayukong pinapagpag ang sarili nito at pagkatapos ay dinampot ang skate nitong dahilan ng pagkatumba namin.
But I remained silent.
Still recovering myself. Ang sakit ng pwet at balakang ko. Nang mapagtanto niyang wala akong balak magsalita, nag-angat siya ng tingin.
"Hindi ka man lang magso-sorry?" he asked, a lil bit puzzled.
I have nothing to be sorry for so I shook my head. Naglakad ako at nilampasan siya. Malapit na akong malate sa first subject ko. Dumiretso ako sa room ng first class ko. Kasama na sa papel na binigay sa akin ni Dean pati na ang map ng school kaya hindi na 'ko masyadong nahirapan.
When I arrived, the door was closed, probably because of the AC. Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ng isang...
"Hey panots! Padaan ako." walang magawang tumabi itong kalbong teacher para makadaan yung kaninang nakabunggo sa akin. What was that? "Hi mga panget kong classmates! Wag kayong didikit sa akin ha, I do not want to be dirty."
Brat
"Are you the transferee, iha?" the teacher asked and I nodded. Sumenyas siya na pumasok na ako sa loob at sumunod sa kanya, so I did. Pinatahimik niya saglit ang mga maiingay na nilalang dito at saka nagsalita ulit, "You may introduce yourself, iha."
Hay
"Danae Evangeline, 17." hindi ko na hinintay na magsalita pa ulit yung teacher at dire-diretso na naupo sa tabi nung aroganteng lalaki kanina, dahil yun na lang ang available.
"Bakit dyan ka naupo?" napatingin ako sa katabi ko.
"Wala ng ibang upuan." sagot ko.
"Sir Notpats, tignan mo oh, naupo siya dito. Ayoko! Alis ka dyan!" arrogant brat.
"Danae, iha, walang pwedeng umupo dyan." I sighed with what this teacher said.
"Saan ako uupo?"
"If you want, you can grab a chair outside. Just don't... do not sit there." he said, voice almost pleading.
"I don't want to."
"Iha, sige na, kumuha ka na lang ng upuan sa faculty at dalhin dito. You really cannot sit there." faculty? Ha, I would tire myself going to the faculty para lang sa isang upuan?
"Tss, sige na panot bayaan mo na." tinignan ko ito ng blangko bago binalik ang tingin ko sa propesor.
Bumuntong-hininga ang guro, "Okay, let's start the class."
__
Break came. I was peacefully eating at the cafeteria when the chair dude approached me together with his tray of food. Pabagsak niyang inilapag ang dala niya. I continued eating not minding the stares that were being thrown at our table.
"Alam mo bang ayoko sa lahat ay yung tinatabihan ako?" I looked up at him, then nodded, then continued eating again. I want my silence back.
"Di ba ikaw yung nakabangga ko kanina? Hindi ka na nga nagsorry kanina tapos tinabihan mo pa 'ko! Papansin ka, crush mo siguro ako no?" this time, I did not bother to look up.
"Bakit hindi ka nagsasalita? Hoy kinakusap kita!"
He shouted frustratingly that stopped the whole cafeteria from making noise. And it just worsen the situation. I once again looked up at him before standing, with my tray, then walked my way to the counter.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ng mga tao dito sa cafeteria. Some were murmuring. Pagkatapos kong mailapag ang tray, muli akong bumalik sa table kanina kung saan sinusundan ako ng masamang tingin ng lalaking 'to. Tumigil ako sa harap niya pero hindi na 'ko umupo.
"Brat kiddo." I said nonchalantly then walked out of the cafeteria. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas, sumigaw na naman siya.
"What the fuck? How dare you call me kiddo?! Tandaan mo ang pangalan ko, Emmanuel Raven! Hindi pa tayo tapos! Humanda ka sa akin mamaya." banta niya.
Tss, his threat is the least of my concerns.
__May isang read na yey! Salamat<3
BINABASA MO ANG
Living Dead
Random"Dying may be living for you, Danae, but I love that... I love you." - Emmanuel