EMMANUEL
Muli akong napahawak sa bandang dibdib ko. A-ang lakas talaga. Wala na si Danae sa paningin ko pero yung epekto ng smirk niyang 'yon, nakikita ko pa rin! Hoo!
Ibinulsa ang cellphone ko. Umiling nang paulit-ulit, ulit, ulit at ulit para bumalik ako sa wisyo at makalimutan ang pag-ngiti at pagsabi ng c-word niyang yon, pero wala! Wala, wala, wala! Hindi ko mabura sa utak ko! Paksheyt!
Sumunod ako sa dining area at umupo sa usual na lugar ko, ang katabi ng nag-iisang upuan sa dulo. Nandito din si Erica. Si Dad. Pero walang Danae. Saan na 'yon? Magtatanong sana ako kay Erica nang dumating ang hinahanap ko.
Hinahanap? No!
I mean, kasi diba.
Tss.
Umupo siya sa tabi ni Erica. 'E nasa tapat ko si Erica, parang magkaharap na din kami. Tinignan ko siya. Sinipat. Balik na ulit sa dati ang mukha niya. Blangko at hindi interesado.
"Manang Rosita, is the food ready?" Tanong ni Daddy.
"Awa, sir. Ihahain na po."
Muli kong tinignan si Danae. Naglilibot ang mga blangko at walang ekspresyon niyang mata sa lamesa. Tinitignan at sinusuri ang mga nakahain dito. Kung para sa normal na tao o pamumuhay, parang fiesta na 'to. But we ain't normal.
Mayaman ako eh.
Tapos gwapo pa.
Shit, so nice to be me. And if I was you? I wanna be me too.
Hahahahahaha!
"El, you okay? You're laughing by yourself. But it's cute," napahawak ako sa bibig ko.
Cute? Na naman?!
Tinignan ko nang masama si Erica. Cute? Me? I'm handsome! Gwapo ako, gwapo! Tinawag ka ding cute ni Danae. Sabi ng kabilang utak ko.
Pero iba yung epekto! Nakakainis yung pagsabi ni Erica habang yung kay D-danae, a-ano, basta! Iba!
Naramdaman ko ang tingin ni Danae kaya inalis ko ang takip ko sa kamay ko at umayos ng upo. Tumikhim si Dad at nagsabing kakain na. Nagsimula kaming tatlo na kumain. Pero si Danae hindi. Nakatitig lang siya sa pagkain na para bang mabubusog siya sa ginagawa niya. O kaya ay kusang mapupunta ang pagkain sa bibig niya para busugin siya.
"Why aren't you eating, Danae?" Tanong ni Daddy.
Mukhang napansin din ito ni Dad. Nag-angat ng tingin si Danae. Tinignan si Dad nangg the usual.
"M-magkakamay na lang ako."
Napatingin ako sa crab, shrimp, fish, mussels at iba pang seafoods. Tapos sa kanya. At...
"Hahahahahahahaha!"
Ilang beses na ba 'kong binigla nitong babaeng 'to ngayong araw? Hahahaha!
"Emmanuel Jackson!"
Agad akong natigil sa pagtawa, umayos ng upo at yumuko ng bahagya.
"You don't know how to use spoon and fork?" Puzzled na tanong ni Erica. Ewan ko kung ako lang pero yung dating sa akin ay parang nangi-insulto siya. Tss, lol.
"Marunong."
"Then why?"
"Gusto ko."
"Huh? Come on Danae, you can just simply admit that you don't know how to. We're not going to laugh at you, really."
BINABASA MO ANG
Living Dead
Random"Dying may be living for you, Danae, but I love that... I love you." - Emmanuel