DANAE
"Why do you think we should hire you?" asked this four-eyed manager.
It was Saturday and I was currently applying for a job. Kahit wala na 'kong kailangan pang bayaran sa RU, I still need money. Paubos na ang stock ko ng pagkain sa bahay. Hindi pa 'ko nakakabayad ng kuryente at tubig. Two months na nyan 'yon next month. Good thing, I was not paying for my apartment.
"Because I can."
"Because you... what?"
Slow.
"I can do the job."
"Ah... haha. Sige you're hired na. Kulang kasi talaga ng crew ngayon eh. Tsaka marami na ring customers kasi may pasok na. Alam mo naman ang mga estudyante dyan sa RU, maaarte. Imbes na magkape na lang sa bahay, mas pinipili pa dito kahit ang mahal. Hahahaha. 'Di ba?"
I nodded.
For a manager, she was too talkative. The next minutes were me listening to her rants. But I seriously didn't understand anything she said.
"Tapos yon kahit maaarte okay lang kasi kumikita naman itong shop, 'di ba? Hahahahaha tapos 'eto pa... blah blah blah."
I applied here sa coffee shop sa gilid lang ng RU. Not because I wanted to, yes, I want to have a job but not this kind. I mean, masyadong malapit sa school. But I was left with no choice. Kailangan ko ng makapagsimula agad dahil paubos na talaga ang pera ko.
After maybe a couple of minutes, she finally said that I can start my work tomorrow. Wala pa naman daw masyadong customers ngayon. Tumayo na 'ko at nagpaalam.
__
"Gago ka talaga Raven."
"Ha? Gwapo ba kamo? Oo naman."
"Tangina mo babangasan ko yang mukha m—"
"Oops, 'wag mukha ko, boy."
Anong ginagawa ng batang 'to dito? Malapit na 'ko sa apartment ko nang mapatigil ako dahil sa mga 'to. Dadaanan ko sila panigurado at ayokong madamay kaya tumigil muna 'ko.
I was slightly shocked when a group of three came. Probably to back up the opponent of this kiddo. Base naman kasi sa itsura nila, malayong kasama sila nitong bata. Mga mukhang barambado.
'Kay, this kiddo looks good, that's why.
The next thing were these guys throwing punches to the kiddo, altogether. Nakakagulat na kaya niyang iwasan lahat. Hindi siya sumusuntok. Hinahayaan niya na magsuntukan ang mga kalaban niya sa pamamagitan ng pag-iwas niya.
"El naman, bakit 'di mo naman kami sinabihan." another one came, followed by another two.
Four on four.
"At nagtawag ka pa talaga ng back up mo! Duwag!"
"Luh, hindi ko naman tinawag mga yan. Sadyang alam lang talaga nila kung saan makakakita ng gwapo. Hahahaha!"
"Tama na daldalan! Tara mga dude, let's ge'ri'on!" sabi ng isa sa mga kasama ng bata.
Mukhang natakot iyong kasama ng parang lider at nagsimula na silang magsitakbuhan. Walang magawang sumunod naman ang lider nila na nagsabi pa ng, hindi pa tayo tapos Raven.
Since tapos naman na sila, lumabas na 'ko sa lugar ko. Ang lugar ko kasi kanina ay yung parte na makikita ko sila pero hindi nila ako makikita. Shock was evident in the face of Kiddo and the other one. While the other two seemed confused with the expressions of the two.
I walked my way not minding them. Head straight. But even before I was able to pass through them, Kiddo spoke,
"A-anong ginagawa m-mo?" sabay turo sa akin.
Itinuro ko pabalik ang sarili ko at sumagot, "Naglalakad."
I was about to continue walk again but he spoke.
"A-alam ko! K-kanina ka pa dyan?"
I nodded.
"Ha?! Pinanood mo 'kong makipag-away?! B-bwahahahahahaha! Crush mo nga ako, sabi na eh! Hahahahahahahaha!"
Anong konek-_-.
Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad hanggang sa malagpasan ko sila.
"H-hoy! Saan ka pupunta?" tinignan ko siya at tinuro ang daan. "Ano? Akala ko ba sinundan mo 'ko hanggang dito dahil crush mo ako at nag-aalala ka? Paano mo pala nalaman na kaaway ako dito? Ah, crush mo nga pala ako kaya stalker ka. Hahahaha!"
Tss.
"Assuming." I said before finally leaving them. Pero before I left, hindi nakatakas sa paningin ko ang ekspresyon nung bata, shocked and angry — the same expression I saw yesterday.
__
EMMANUEL
"El, sino yon?" tanong ni Jake.
"Yeah, why was she like that? I felt colds, sheez!" Brandon.
"Danae, transferee 'yon sa RU. Pinahiya 'nun ang dakilang Emmanuel Raven. Hahahahaha — aray El! Bat ka nambabatok 'e totoo naman!"
Hindi pa rin ako makarecover. Ako? Assuming? What the hell?! Kahapon nang tawagin niya akong bata, I remained silent the whole day dahil baka kung anong magawa ko. So basically, pinalampas ko!
Pero what!
How dare she call me assuming?! Nandito naman talaga siya kasi sinusundan niya 'ko dahil crush ako 'non! Crush naman talaga niya 'ko ah! Nakakainis!
"Tss, bat ba kayo biglang sumulpot?!" inis na tanong ko sa kanilang tatlo.
"Ah yeah, we tracked you down. We have a big news for you." Jake seriously said.
"Oh, ano na naman? Pag yan hindi importante pasasabugin ko talaga bahay niyo!"
"Masyadong high blood dude. Reserve that HB of yours for this news. It will surely blow your mind off. Hahahaha." sino ba laging nakatawa? Edi si Daniel!
"Dali na, nababanas talaga ako kaya ayusin niyo!"
"Erica's coming back." Brandon.
The frustration I was feeling a while ago because of Danae doubled, no, it tripled! Shit! This can't be—
My phone rang.
Fuck.
BINABASA MO ANG
Living Dead
Random"Dying may be living for you, Danae, but I love that... I love you." - Emmanuel