"WAAAAH!!!"
Nagulat ako at napabalikwas ng bangon nung nakita kong may babaeng umiiyak na nakaupo sa bandang dulo ng kama ko.
"Ma! Ano ba! Tinakot mo ko eh!" Grabe talaga tong nanay ko! Di man lang kasi ako ginising. Nakatingin lang siya sakin habang... umiiyak?
"Ma, bakit ka umiiyak? May problema ba? Ano nangyari?" Sunud sunod kong tanong sakanya. Nag alala ako dahil bakas talaga sa mukha niya na malungkot siya. Malakas kasi mangtrip si Mama kaso kasi ngayon may iba.. Seryoso siya.
"Anak.. I am sorry." Tuluyan na siyang humagulhol. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Halos maiyak na rin ako nung yakapin niya ko pabalik ng mahigpit.
"Yung Kuya Apollo mo.." Hinimas himas ko yung likod niya. Pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko para sa mga susunod na sasabihin ni Mama.
"Magkakapamilya na siya. Nabuntis niya yung girlfriend niya. Kanina lang niya sakin sinabi nung tumawag siya." Lalo siyang umiyak. Humiwalay ako sa pagkakayakap at pinunasan ko yung mga luha niyang walang tigil sa pagbagsak. "Alam mo ba ibig sabihin nito anak?"
Nakukutuban ko na kung ano to.
"Hindi na niya ako matutulungan para matustusan yung pag aaral mo." Hinawakan ni Mama yung kamay ko. "Sorry anak. Pero wag ka mag alala, gagawin ni Mama ang lahat para maitawid yan. Ayaw kong itigil mo ang pag aaral mo o lumipat ka sa ibang school. Dream school mo ang Heavendale Academy. Hindi ko hahayaang mawala yun sayo."
Pinigilan ko yung luha kong nagbabadyang tumulo dahil sa sinabi ni Mama.
"Ma, tutulungan kita. Magwo-working student ako!" Halatang nagulat si Mama sa sinabi ko. Akmang magsasalita siya pero pinigilan ko siya.
"Kaya ko yun Ma! Di ko kayang makita ka na nahihirapan mag isa dahil sakin. Pangarap ko to kaya kailangan may gawin din ako. At tsaka naiintindihan ko yung nangyari kay Kuya. Alam kong dadating talaga sa puntong magkakaroon siya ng sariling pamilya. Hindi ko rin naman gusto na umasa lang sainyo ni Kuya palagi noh!"
"Alam kong yan ang sasabihin mo anak. Maraming salamat!" Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. Humiwalay siya sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"Ma, alam ko yan. May sasabihin ka pa."
Natawa naman siya ng bahagya.
"May hihingiin sana ako sayong favor anak." She held my hands and pinched it gently. "Sa Rosse Family ka nalang din mamasukan. Samahan mo si Mama."
Eh?! "M-mama, what do you mean?" Ano to? Mamasukan?! Rosse Family?!
Teka. Rosse? Narinig ko na yun eh. Tsk. Saan nga ba yun? 🤔
"Nabanggit ko na kasi kay Mr. Rosse yung sitwasyon natin bago pa ko mag-emote dito sa kwarto mo. Inofferan niya ko."
"Ng?" Pinagpapawisan ako ng malamig. No. There's no way, right?
"Ipasok kita dun bilang kitchen staff —assistant ko sa pagluluto. Pumayag naman siya dahil nga gusto niya rin makatulong dahil sobrang humahanga siya sayo. Madalas kasi kita maikwento sakanya. Sayang daw kung hihinto ka o mapupunta ka sa trabahong kakainin lahat ng oras mo. Gusto din niya na magstay in na rin tayo dun. Tutal, puro house staff lang naman yung nandun."
Nakapoker face lang akong nakikinig kay Mama. Kitchen staff? House staff? Sabi na eh. Dito to papunta. 😰
"Pumayag na ko anak dahil alam ko at expected ko na rin na gagawa ka ng paraan para matulungan mo tayo. Laking tipid din kung dun na tayo at di na mangungupahan. Anak, sana pumayag ka. Malaking bagay to kay Mama at para sayo."
BINABASA MO ANG
Langit, Lupa, Impyerno?
RomanceHe got the face of an angel. He got the smile of a prince. But... HIS PERSONALITY IS WICKED AND HIS MIND IS TWISTED!