CHAPTER 7

132 7 1
                                    

"Sobrang namiss kita. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong gusto makita at makasama..

..anak."

Really?

Nginitian ko lang siya at inalis yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Di ko matanggap. Ayokong tanggapin.

Wala rin namang mangyayari.

Hindi na maaayos ang bagay na matagal ng sira.

"Nga pala, bakit mo gustong makipagkita sakin?" Pag iiba ko ng usapan.

"Next month, mafafinalized na yung annulment papers namin ng Daddy mo."

Oo nga pala. Malapit ng mawalang bisa yung kasal nila.

"And then?"

"Napagdesisyunan namin ng Tito Chrysler mo na.."

Tito? As if I'm gonna call him that way.

Di maalis ang tingin ko sakanya habang abala siyang may kinukuha sa bag niya. Halos manlaki yung mata ko nung makita kung ano yun..



"We're planning to get married next year."

I flinched.

The fuck?!

So ganun nalang talaga? Di man lang niya sinubukang ayusin yung samahan nila ni Daddy?!

Hindi ba kami mahalaga talaga? Kaya mas pinili niyang sumama sa iba?!

"Kasal?" Pigil ang galit kong tanong.

"Oo anak." Iniiwas niya sakin yung tingin niya. "I already talked to your Dad and your brother about this. I called them last month."

"So what did they say?" Bakas sa boses ko ang galit na pinipigilan kong lumabas.

"They gave me their blessing. Lalo na yung kuya mo. Nangako siya sakin na uuwi siya dito sa araw ng kasal." Masaya niyang sabi. "Sorry ngayon ko lang nasabi sayo. Gusto kong sa personal ko sabihin sayo dahil gusto rin kitang makita anak."

Napakuyom ako ng kamao dahil sa narinig ko.

They gave their blessing?!

So ako lang yung may ayaw na mangyari to?

This is a nightmare for me!

"Oh, is that so? Then go ahead. Get married."

Halos mawasak yung puso ko ng bitawan ko yang mga salitang yan sa harap niya.

"Anak.." She gave me a pleading look.

I can't take this anymore.

"Sorry, but I gotta go. Someone's waiting for me at home." Tumayo na ko at kinuha yung wedding invitation sa table. "Thanks for this."

Akmang maglalakad na ko palayo nang hawakan niya yung braso ko para pigilan ako.

Nagulat ako nung makita kong nangingilid yung mga luha niya.

"Anak.. Please let me explain everything to you.. Please open your heart... Just this once, please hear me out."

I..

I just..

I can't..

I'm..

"Sorry.. Mom."

With that, tuluyan na kong naglakad palabas ng shop.


***
[ARTEMIS]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Langit, Lupa, Impyerno?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon