*** Knock Knock ***
"Anak, gising ka na ba?" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo Ma. Mag aasikaso na ko."
"Sige. Hahanda ko na almusal at baon mo."
Gising na gising talaga ako dahil hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos mula pa kagabi.
Namamahay ba ko?
O sadyang di ko lang din maalis sa isip ko yung mga nangyari kahapon?
I think the reason is the latter.
Buti nalang pagbalik namin dito kagabi, wala na yung lalaking yun!
Umuwi kasi kami ni Mama before dinner kahapon sa bahay para kunin na yung ibang mga gamit na kaya naming madala. Yung mga maiiwan, mamaya na hahakutin para dalhin din dito.
Nakakalungkot isipin na hindi panaginip ang lahat ng nangyari.
"Totoo lahat ng to. Totoong b*llshit tong pinasok ko." Napasapo ako sa noo nung magflashback nanaman yung nangyaring pagsiseal ng master-servant relationship namin ni Monday.
I hate Mondays and I hate that Monday, too!
Kagabi ko pa iniisip kung ano kayang meron sa utak niya kaya nag come up siya sa ganun? Nasobrahan ng talino? Wala lang talaga siyang magawa sa buhay niya? O he really loves looking down on people because he is high and mighty?
Whatever it is, he sucks!
Kung hindi lang dahil sa mga mapanghusga at saradong isip ng mayayaman at mapangmatang students ng Heavendale (hindi naman lahat), di ko to kailangan gawin. Proud pa kong sabihin sakanila na may marangal akong trabaho. Kaso wala eh. Ganun talaga sila. Their decisions are based on their own judgment at hindi sa kung ano ba talaga yung totoo at dapat.
I need to suffer a little and bear this so I can achieve my goals.
Sabi nga nun ni Papa, "Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo ng ganun ganun lang. Kailangan mong paghirapan talaga. It'll be worth the fight."
Yun nalang palagi kong iisipin. Tama. Enough with the negative vibes and negative thoughts.
Iiwasan ko si Monday hanggat maaari! Buti nalang talaga na bihira siya umuwi dito at halos hindi na rin naman siya pumapasok sa school! So, there is a rare chance that we will see each other. 😌
***
HEAVENDALE ACADEMY BUS STOP. 8:56 AM.Phew! Hiningal ako dun ah! Muntik pa kong maiwan ng bus pag nagkataon. Buti umabot pa ko.
Huling taon ko na to sa Junior High kaya kailangan ko pa lalong pag igihan. Next year na yung moment of truth!
Anyway, sinu-sino kaya mga kaklase ko ngayon? May bagong mukha kaya? Pero ang pinakamahalaga, sana kaklase ko pa rin si Aki, bestfriend ko. 😭
*** Beep Beep ***
Sa wakas nandito na yung school bus!
Pagbadge ko ng ID ko sa may sensor sa loob ng bus, tiningnan ko agad kung may pamilyar na mukha na sobrang ayaw kong makita.
Nakahinga ako ng maluwag at di ko maiwasang mapangiti nung makita kong walang Monday na nakasakay.
Umupo ako sa may bandang dulong upuan sa tabi ng bintana at nagsimulang bumawi ng tulog. 😅
*** After 35 minutes of travel ***
Namiss ko tong Heavendale ah! Tagal ng bakasyon eh. ❤️
BINABASA MO ANG
Langit, Lupa, Impyerno?
RomanceHe got the face of an angel. He got the smile of a prince. But... HIS PERSONALITY IS WICKED AND HIS MIND IS TWISTED!