CHAPTER 6

73 7 0
                                    

"Iniwan kong bukas yung gate. Eto yung passcode ko sa pinto: 3281269* Aalis ako kaya ikaw na bahala. Text or call me if you need anything."
- Mondaymonyo👿

Eto yung text ni Monday sakin, 1 hour ago.

9:30 AM na tapos kararating ko lang dito sa tapat ng apartment niya.

Nakahinga ako ng maluwag nung nabasa ko yung text niya paggising ko. Yari kasi ako pag nagkataon. 9:00 AM kasi usapan namin tapos anong oras na ngayon. 😅

I entered the passcode and I heard the door opened from inside.

Pumasok ako at sinara yung pinto na kusang naglock pagtalikod ko.

Wow. Astig ah? Hahaha!

Ang ganda ng loob ng tinutuluyan ni Monday. Hindi mo mahahalatang lalake ang nakatira kasi napakaorganized nung mga gamit. Navy blue and white yung theme ng interior design.

"Ano pang lilinisin ko dito eh parang ang linis naman na?" Bulong ko sa sarili.

Pagpasok, may hallway at sa dulo nun, yung sala agad ang bubungad sayo. Napansin ko agad yung TV. Ang laki eh! Tapos eto yung TV na pwedeng manood ng 3D!

Naisipan kong lumapit para tingnan din yung mga nasa bookshelves niya.

Manga, encyclopedia, novels at kung anu-ano pang book ang nakita ko.

Kaya pala napakadali lang kay Monday magself study. Dami niyang pagkukunan ng reference eh. Tsaka halatang mahilig siya magbasa.

Kinuha ko yung isang book na nakaagaw ng atensyon ko.

Investments?

"You're late. 30 minutes late."

Nagulat ako at nabitawan ko yung hawak kong libro nung marinig ko yung nagsalita sa likod.

Dali-dali akong humarap sakanya.

"Nandito ka pa pala!" Napataas yung boses ko.

"Nandito ka na pala!" Ganti niya with the same tone of voice.

Di ko nanaman mabasa yung reaction niya kung galit ba siya o ano. Napakahusay magtago talaga nitong lalakeng to!

"I overslept. I'm sorry." Yumuko ako.

Di kasi ako pinatulog ng mga pinakita mo kagabi! Grr! Kainis. 😭

"It's okay." Napatingala agad ako para tingnan siya.

Okay lang daw? Weh?

"Talaga?"

"Oo. Unless.. gusto mo ng punishment." He gave me a malicious look. Kinilabutan naman ako!

"Ah hehe. Hindi! Hindi! Okay na ko hehe. Nga pala, kala ko ba aalis ka?" Pag iiba ko ng usapan.

Umupo siya sa sofa at sinenyasan niya ko na maupo rin. "Hinintay kita. I want to give you a short briefing. Baka kasi pagbalik ko, wala na yung mga gamit ko. Baka sa sobrang paglilinis mo, maitapon mo lahat."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Yun nga sana plano ko eh.. Yung baliktarin yung buong bahay. 😂

"Okay, okay. I'll listen." Inilapag ko sa center table yung bag kong dala.

Explain.
Explain.
Blablabla~

"So, yung mga cleaning materials nandun sa cabinet sa may kusina. Pag may mga nakita kang nakakalat sa sahig lalo na sa mga ilalim ng sofa, kama o kahit saan, tapon mo na yun. Tinatabi ko naman kasi agad kapag important papers and the like." Bilin niya.

Langit, Lupa, Impyerno?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon