CHAPTER 3

88 9 1
                                        

"Kunin mo nga yung canvas ko. Naiwan ko sa Art Room. Dalhin mo dito sa rooftoop. Bilisan mo."
- Mondaymonyo👿

Napabuntong hininga nalang ako nung mabasa ko yung text ng magaling kong "master".

Nandito pa naman ako sa library sa main building! Eh sa 3rd floor, Building C pa yung Art Room! Tapos babalik ako ulit dito sa main building para umakyat sa 6th floor dahil nandun yung rooftop! Nakakainis!

Grooooowl~~~

Gutom na ko. Kanina pa ko walang kain. Dami ko pang kelangan i-sort na books dito sa library. Nagtry kasi ako maging library assistant. Para lang fresh air at makalayo sakanya kaso wala pa rin kwenta! 😩

1 month ko ng pinagsisilbihan si Monday. Pero dito lang niya ko sa school inaalipin kasi never talaga siya umuwi dun sa mismong bahay nila. Yung bahay nila yung safe haven ko kasi wala siya dun!

Hindi ko rin siya mahanapan ng weakness o ano pa mang pwede ko ipanlaban sakanya. Para kasing may wall siyang binuo at pinalibot sakanya. Hindi ako makapasok.

Go with the flow nalang ako kasi so far, so good naman. 1 month na ang nakalipas pero nananatiling ligtas yung little secret ko. Yun ang mas mahalaga. 🤗

>>> Fast Forward >>>

"Ang tagal mo naman!" Pagalit niyang sabi at talagang nakaabang siya sa pinto ng rooftop nang nakapamewang. Dapat pala mas nilakasan ko pa yung tulak sa pinto para natamaan tong kupal na to!

"Sorry galing pa kasi akong library. Eto na yung canvas mo." Pagalit naman niya yun na kinuha sakin. Gigil talaga ako nito eh!

"Next time samahan mo rin ng konting bilis ha?"

"Oo na!"

"Ano?!"

"Opo, MASTER!" Inemphasize ko talaga yung Master kasi yun gusto niya eh! Arte! Kala mo naman gwa...

Gwapo talaga siya Artemis kaya shut up ka nalang! 🙄

Whatever!

"May pag uutos pa po ba kayo?"

"Wala na." Walang ganang sagot niya.

"Kung ganun aalis na po... ako..." Shit. Napahawak ako sa ulo ko nung maramdaman kong biglang umikot yung paningin ko pag talikod sakanya.

Nahihilo ako. Nalipasan na talaga ako ng gutom. Yari ako nito kay Mama.

Huminga akong malalim at naglakad ng dahan dahan.

"Artemis.."

Wag ka muna mag utos ngayon. Please.

"Ano yun..." Di ko na siya magawang lingunin dahil feeling ko babagsak na ko sa isang maling galaw. Lunok lang ako ng lunok at sinusubukang huminga ng malalim. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

Wag ka babagsak sa harap niya! Wag dito! Not now!

Napatingala ako nung makita kong may tao na sa harap ko.

"A-are you okay? You look pale." Nag aalala ba siya? Really, Monday?

"I'm.. fine.. K-kung wala ka ng ipag uutos, aalis na ko. Madami pa kong dapat gawin." Sinubukan ko siyang itulak palayo kaso nahawakan niya yung kamay ko.

"Hindi ka mukhang okay. Now, tell me, what's wrong?!" Medyo tumaas na yung boses niya.

Are you happy to see me like this?

Langit, Lupa, Impyerno?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon